Dahil hindi inaaway ng asawa niya misis na mula sa Indian State ng Uttar Pradesh nag-file ng divorce sa korte. Ito ay 18 buwan matapos silang maikasal.
Misis na hindi inaaway ng asawa nakipaghiwalay!
Nakakasakal na relasyon ganito kung isalarawan ng isang misis sa India ang naging kanilang pagsasama ng kaniyang asawa sa nakalipas na 18 buwan.
Ayon sa misis, na-suffocate o nasakal sa kaniyang asawa na hindi siya inaaway at lagi lang sumasang-ayon sa lahat ng gusto niya.
Dahil dito ay naghain ng divorce ang misis sa korte upang makipaghiwalay na sa asawa. Ayon sa mga report hindi daw masikmura na ng misis ang labis na pagmamahal sa kaniya ng kaniyang asawa.
| Image source: iStock
Nakakasakal na relasyon ang dahilan ng misis
Pahayag pa ng misis, ni minsan ay hindi siya nasigawan ng mister. Hindi rin daw siya nito na-disappoint sa kahit anong isyu o bagay sa kanilang relasyon. At siya daw ay na-suffocate sa ganitong environment.
Dagdag pa ng misis minsan pa nga daw ay ipinagluluto pa siya ng mister. Tinutulungan pa siya nito sa mga gawaing bahay. At kahit anong gawin niyang kasalanan ay lagi lang siyang patatawarin at pagbibigyan nito.
Hindi rin daw siya inaaway ng asawa niya na hindi niya gusto.
“I wanted to argue with him. I do not need a life where the husband agrees to anything”.
Ito ang pahayag pa ng misis.
Lagi lang daw gusto ng kaniyang asawa na masaya siya sa lahat ng oras. Pero sa ginagawa nito ay hindi daw siya tunay na masaya.
Image source: iStock
Ni-reject ng korte ang hinain na divorce ng misis
Hindi maintindihan at matanggap ng korte ang apela na ito ng misis para sa divorce.
Nang tanungin kung may iba pa siyang dahilan kung bakit gusto niyang hiwalayan ang asawa ay wala na itong naisagot pa. Kaya naman dahil dito ay ni-reject ng korte ang hinain niyang divorce. At tinawag pa itong frivolous o isang bagay na hindi dapat seryosohin.
Matapos i-reject ng korte ang hinaing divorce ng misis ay umapela rin ito sa kanilang local governing body. Pero tulad ng korte ay hindi rin ito nagkaroon ng maayos na desisyon.
Kaya naman payo ng korte, pag-usapan nila muna itong mag-asawa. Dahil ito ang pinakamabisang paraan upang maayos ang kanilang problema.
Paano nakakatulong ang pag-aaway sa isang relasyon?
Bagamat kakatwa nga kung iisipin, ngunit ang apela na ito ng misis ay mayroong batayan. Dahil ayon sa mga eksperto ang pag-aaway ay isang sangkap sa relasyon upang mas mapatibay at mas gawin itong exciting. Basta’t ito ay healthy argument o uri ng pag-aaway na napag-uusapan at na-sosolusyonan. Ito ang paliwanag ng mga eksperto kung bakit at paano ito nangyayari.
Ang pag-aaway ay mas nagpapatibay ng relasyon kung ito ay napag-uusapan ng mag-asawa.
Dahil sa ganitong paraan ay nasasabi ng mag-asawa ang nararamdaman sa isa’t-isa. Kaya naman ito ay naayos o naitatama.
“As we speak our heart out, it helps in the longer run. None of the partners hold grudge against each other and even understand each other well, when caught in a situation.” Ito ang pahayag ng marriage counselor na si Shivani Misri Sadhoo.
Mas lumalalim ang intimacy ng mag-asawa sa tuwing nag-aaway.
Pagkatapos nga umano ng pag-aaway ay mas nakikilala ng mag-asawa ang isa’t-isa. Dahilan upang malaman nila kung ano ang kanilang tunay na ugali at dapat asahan. Sa bawat pag-aaway at pagtatawaran ay mas nagiging mas intimate ang relasyon ng mag-asawa. At sila ay mas nagiging close sa isa’t-isa.
Mas nagkakaroon ng tiwala sa isa’t-isa ang mag-asawa.
Dahil sa nasasabi ang tunay na nararamdaman at naipapakita ang tunay na ugali ay mas nagkakaroon ng tiwala sa isa’t-isa ang mag-asawa matapos ang pag-aaway. Paliwanag parin ng marriage counselor na si Sadhoo, ang relasyon na walang away o bangayan ay maaring puno ng sikreto. Ito ang kalaunang maaring magdulot ng conflict at makapagsira nito.
“A relationship without fights is full of secrets. Most of the times partners avoid conflict because they think this would end their relationship. But by avoiding it, they are making it more complicated. When outburst happens, the repercussions are catastrophic. We are so desperate to be understood that we forget to understand others.”
Ito ang pahayag ni Sadhoo.
Ang pag-aaway ay isang paraan upang pagaanin ang loob ng mag-asawa.
Ang mga healthy arguments o debates ay isang paraan rin daw para pagaanin ang pakiramdam ng mag-asawa. Dahil maliban sa nasasabi nila ang gusto nilang sabihin ay mas nagiging totoo sila sa isa’t-isa.
Pero ang pag-aaway ay hindi dapat gawin ng madalas. Dahil kung palagi na itong nangyayari ay maari rin itong maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng relasyon.
Paano gawing exciting ang nakakasakal na relasyon?
Kung pakiramdam mo namang ay nakakasakal na ang relasyon ninyong mag-asawa ay may mga maari ka namang gawin upang ito ay muling maging exciting. Ito ay ang sumusunod:
- Siguraduhing magkaroon kayo ng oras na masayang magkasama. Lumabas kayo, manood ng sine o gumawa ng mga bagay o activity na pareho ninyong katutuwaan. Kahit ang mga simpleng jokes ay makakatulong para mas mabigyan ng saya at excitement ang inyong relasyon.
- Sumubok ng ibang mga bagay na magkasama. Ito man ay sa pakikipagtalik o new adventures. Basta’t siguraduhin lang na pareho ninyo itong gusto at napagkasunduan.
- Huwag pigilan ang sarili o asawa na gawin ang mga bagay na gusto niya ng mag-isa. Kahit kayo ay mag-asawa ay dapat respetuhin niya parin ang identity at personal space ng isa’t-isa.
- Maging open sa communication at huwag maging defensive. Ito ay upang maayos ninyong mapag-usapan ang mga problema.
- Huwag maging madamot. Ito man ay sa pamamagitan ng materyal na bagay o iyong oras ay huwag ipagdamot ito sa iyong asawa. Iparamdam sa kaniya na siya ang reyna o hari ng buhay mo na handa mong ibigay ang lahat at pagsilbihan.
- Huwag mahiya at makalimot na sabihan siya ng mga salitang “I love you” o “Mahal kita”. Dahil ang mga salitang ito ang sumasalamin sa nararamdaman mo.
Isinalin sa wikang tagalog mula sa theAsianparent Singapore
Source:
Hindustan Times, Psychology Today
BASAHIN: Ito ang sikreto kung paano mapanatiling masaya sa isang relasyon
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!