Parte na ng isang pagsasama ang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Ngunit paano nga ba makipag-ayos sa asawa pagkatapos mag-away? Ito ang kwento ng ating TAP moms!
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips kung paano makipag ayos sa asawa
- Tips mula sa ating TAP moms!
5 paraan kung paano makipag-ayos sa asawa pagkatapos mag-away
Nagbahagi ng kani-kanilang karanasan ang ating TAP moms sa theAsianparent Community kung paano sila nagbabati ni mister pagkatapos mag-away. Ano kaya ang mga ito?
Paano makipag-ayos sa asawa? | Image from iStock
1. Power of words
May ilang mommy ang nagsabing,
“Nagso-sorry ang may kasalanan. Lambingan lang talaga.”
“We say sorry to each other. Kami talaga dalawa ang nagso-sorry. Lunok pride.”
“Nag-uusap kung ano ang problema at ano ang dapat iwasan ng hindi makasakit sa bawat isa.”
“Wala bigla na lang kami mag-uusap tapos ayun bati na agad.”
Kapangyarihan talaga ang sweet words ni mister! Maraming nanay ang nagsabing humihingi sila ng sorry sa isa’t isa o kaya naman ang may kasalanan.
Isang mahalagang katangian ng relasyon ang komunikasyon. Anuman ang hindi pagkakaunawaan, mas magandang pag-usapan agad ito at ‘wag nang patagalin pa. Ang pagkakaraon ng resposibilidad sa isang bagay na ikaw ang may gawa ay isang magandang pag-uugali sa isang relasyon.
Humingi ng tawad ang may kasalanan at magpatawad.
BASAHIN:
6 karaniwang dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-asawa
“May relasyon ba kayo ng 2nd cousin mo?” 14 kinakatakutang tanong ng mga nanay kay mister
#TAPMomAsks: Dapat ko bang malaman ang password ni mister sa kaniyang social media account?
2. Gusto mo foods?
May ibang moms naman na nagsabing lagi silang binibilhan ng kanilang asawa ng paborito nilang pagkain bilang parte ng pakikipagbati o peace offering.
“Bili niya ako foods.
“Kapag kakain na.”
“Binibilhan niya ako ng Jollibee chicken spaghetti. Alam iya kahinaan ko. Peace offering.”
“Humihinahon ako ‘pag may pagkain kasi usually nag-iinit lang ulo ko paggutom.”
Pero siyempre, bukod sa pagkain na iyong peace offering, ‘wag kakalimutang mag-sorry sa nagawang kasalanan!
3. Hugs and kisses
Isa sa epektibong paraan ng paglalambing pakikipagbati ay ang yakap at halik. Ayon sa mga moms, ganito ang paraan ng pakikipagbati ng kanilang mga mister.
“Mag so-sorry siya sabay yakap at sabi ng I love you. Bati na agad kami.”
“‘Wala yakapin mo lang. ‘Wag mo na kausapin. ‘Wag na mag-sorry. Yakapin mo na lang bigla. ‘Pag nag-respond ng yakap, at saka ka mag-sorry.”
“Tatawagin niya ako ‘tas bigla yayakap, sabay sabi ‘tama na’.”
“Niyayakap niya ako ‘tas kinikiss at sinasabihan ng i love you paulit-ulit.”
Sa madaling salita, it’s a physical touch!
Iba pang paraan kung paano makipag-ayos sa asawa
1. Bigyan ang partner ng oras
Baliktarin natin ang sitwasyon. Ang asawang babae naman ang nagkamali at sa oras na ‘to, may kabigatan ang nagawa mong kasalanan. Moms, hindi madaling mag-sorry at hindi rin madaling magpatawad agad-agad. Alamin ang posisyon sa ganitong pagkakataon.
Kung sakaling hindi gumana ang mga paraan ng pakikipag-ayos sa taas, maaaring nasaktan talaga ang iyong partner. Bigyan lang siya ng oras para makapag-adjust. Tandaan, laging magpakumbaba, maging maunawain, at lawakan ang pag-iisip.
2. Mag-sorry
Siyempre, ang una mo talaga na dapat gawin ay mag-sorry sa iyong partner. Ito ang tanging susi sa pakikipagbati. Maging totoo sa nararamdaman at siguraduhin na sincere ang iyong paghingi ng tawad. Mag-reflect sa ginawang kasalanan at siguraduhin na hindi na ito gagawin pa ulit.
Ang paghingi ng tawad ay kailangang samahan ng action o effort at hindi puro salita lamang.
3. ‘Wag pangunahan ng galit
Kapag galit ang isang tao, may pagkakataon na walang kontrol ang lahat kaniyang mga salita o aksyon. Maaaring makasakit ito ng hindi inaasahan na makakapagpalala lamang sa sitwasyon. Normal lamang ang magalit lalo na kung ikaw ay nasasaktan. Sa ganitong pagkakataon, pumikit ka lang sandali at huminga ng malalim. Piliting kumalma at buksan ang isip.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!