Moms! Nagagalit ka ba kapag hindi binibigay ni mister ang password niya sa kaniyang social media account? Paano kapag ang dahilan niya ay ang privacy sa inyong relasyon?
Mababasa sa artikulong ito:
- Privacy sa relasyon: Dapat bang malaman ang password ng isa’t isa?
- Anong opinyon ng ating TAP moms sa usaping ito?
Privacy sa relasyon, dapat bang malaman ang password ng isa’t-isa? | Image from iStock
Privacy sa relasyon: Dapat bang malaman ang password ng isa’t isa?
Sa isang relasyon, may limitasyon at boundary pa rin ang bawat isa. Kahit na mag-asawa na, hindi pa rin dapat mawala ang privacy ninyo. Pasok na rito ang physical o emotional boundary ng isa’t isa. Sa usapang teknolohiya naman, pasok din sa privacy sa isang relasyon ang password ni misis at mister sa kanilang social media account.
Ang tanong, agree ka bang malaman ng mag-asawa ang password ng kani-kanilang social media accounts?
BASAHIN:
4 bagay na dapat gawin para hindi maging monster wife ang asawa mo
7 bedtime routines para mas mag-grow at tumibay ang relasyon niyong mag-asawa
7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito
Ayon sa mga eksperto, ang sagot sa tanong na ito ay depende. Nakadepende sa rason kung bakit gusto mong malaman ang password ng asawa mo.
Kung ang rason mo para malaman ang password ni mister ay dahil sa trust issue mo sa kaniya, ibang usapan na ito. Kinakailangan mong maging honest sa kaniya at bigyan ang sarili ng oras para kausapin siya tungkol sa kung anong pangamba mo.
Ang pagkakaroon ng password sa sariling cellphone ay may benepisyo rin. Isa na rito ang pagkakaroon ng privacy. Kung pag-uusapan naman ang pagbabahagi ng password sa iyong partner, maaaring maging tulong din ito sa kanila in case of an emergency.
Privacy sa relasyon, dapat bang malaman ang password ng isa’t-isa? | Image from iStock
Anong opinyon ng ating TAP moms sa usaping ito?
Bilang parte ng usaping ito, nagtanong kami sa theAsianparent Community kung agree ba silang personal privacy ni mister ang kaniyang social media accounts at kung nagagalit ba sila kapag hindi binibigay ang password.
Narito ang kanilang mga naging pahayag:
“No. It’s okay. I gave him his privacy and respect it.”
“Na-share na niya sa ‘kin before, but I don’t bother to remember. I know I should, for emergency (knock on wood). But to spy on him, that’s not my style.”
“Oo. Ako alam ko pasword ni mister kapag ayaw ibig sabihin may tinatago.”
“Para sa akin dapat alam niyo ang password ng isa’t isa. Hindi naman porket alam niyo ang password ng bawat isa ibig sabihin pakikialaman na ang social media account mo. Naniniwala ako na dapat walang sikreto ang mag-asawa sa isa’t isa.”
“If trust ang batayan, no problem. But sometimes respect each others privacy plus points in harmonious relationship.”
Privacy sa relasyon, dapat bang malaman ang password ng isa’t-isa? | Image from iStock
“Never ko hiningi password niya pero kapag andito siya, ginagamit ko cp niya. Okay lang sa kaniya.”
“Mag-jowa pa lang kami alam ko na passwords niya pati pin niya sa atm niya.”
“Hindi. Sa 5 years namin magkasama hindi naman kami naghingian ng password pero malaya kaming hawakan ang cellphone ng bawat isa. Puwede rin naman tumingin sa account niya kung gugustuhin. Walang problema.”
“Kaya naman. Kaso siya makulit e, kahit ‘di ko hingin ibibigay niya. Pati mahinala. Kaya gusto niyang nabubuksan acc ko.”
“Alam namin pareho social media account password namin pero siya ‘di n’ya binubuksan. ‘Yung sa’kin kasi may tiwala naman daw siya sa’kin pero ako may tiwala rin ako sa kaniya pero lagi ‘yun naka-monitor sa’kin.”
Iba-iba ang naging opinyon ng ating TAP moms sa usaping privacy sa social media ng mag-asawa. Ngunit marami sa kanila ang naniniwalang kailangan pa ring panatilihin ang personal privacy ng bawat isa.
Kung nasa kasalukuyan kang sitwasyon na ganito at may pangamba ka sa iyong asawa kung bakit ayaw niyang ibigay ang kaniyang password, mas mabuting kausapin ito ng masinsinan. Maging tapat at diretso sa nararamdaman.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!