Ating isa-isahin ang mga tanong tungkol sa mag asawa at kung gaano kahalaga ang matibay na komunikasyon sa isang pagsasama lalo na kung kayo ay kasal na.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kahalagahan ng komunikasyon sa isang relasyon
- 14 kinakatakutang tanong ng mga nanay kay mister
- Mga tanong para sa mag-asawa upang maging malapit sa isa’t isa
Ikaw ba iyong tipo ng asawa na curious sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa iyong asawa? Ngunit isang araw, bigla ka na lang may maiisip na tanong para kay mister pero hindi mo magawang matanong. Isa ka rin ba sa ating TAP moms na may tanong sa asawa na hindi kayang maitanong?
Mga tanong tungkol sa mag-asawa | Image from iStock
Komunikasyon sa isang relasyon
Isa sa sikreto ng matagal na pagsasama ay ang matibay na komunikasyon ng isa’t isa. Isama na rito ang pagiging tapat at maalaga ni mister o misis. Dapat malaman ng bawat isa na sa pagpasok ng dalawang tao sa isang relasyon, hindi lang puro saya at kilig ang kanilang mararamdaman.
Nandiyan din ang pagkakataon na susubukin ng tadhana ang tiwala ng isa’t isa ngunit kung mayroong matibay at malinaw na komunikasyon ang dalawang taong nagmamahalan, mas madaling malulutas ang isang problema. Bukod sa komunikasyon, kailangan ding ugaliin ang malawak na pag-intindi at pakikinig dito.
Sa pamamagitan ng komunikasyon, malaya niyong naipapahayag ang mga saloobin sa isa’t isa o isang partikular na bagay. Isa rin itong paraan para maging konektado.
BASAHIN:
5 na dapat itanong sa sarili bago mag baby #2!
7 bedtime routines para mas mag-grow at tumibay ang relasyon niyong mag-asawa
7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito
14 kinakatakutang tanong ng mga nanay kay mister
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang komunikasyon ay isang paraan para maging konektado ang isa’t isa. Ngunit para sa iba, ang pakikipag-usap ay isang mahirap na gawain dahil sa ilang personal na dahilan.
Nagtanong kami sa ating TAP moms mula sa theAsianparent community kung ano ang mga katanungang gustong-gusto nilang malaman ang sagot ngunit hirap silang itanong ito sa kanilang mister. Narito ang kanilang confession!
- Bakit ako?
- Mahal mo ba ako?
- Bakit may picture pa siyang tinatago ng ex niya?
- Ako ba talaga ang mahal mo o siya pa rin?
- Kaya ka ba nag i-stay dahil kay baby o dahil ako talaga ang mahal mo?
- Mang bababae ka pa ba?
- Paano mo nagawa na ipagpalit kaming mag-ina sa isang babaeng nakilala mo lang sa facebook?
- Bakit ‘di mo gusto pag-usapan ang tungkol sa kasal?
- Anong gusto mong regalo sa birthday mo?
- Bakit ka nagtatago ng mga lumang pictures ng ex mo?
- Magkano ang sweldo mo?
- Mahal mo ba ako kasi kasal tayo?
- Mahal mo lang ako kasi may anak tayo?
- May relasyon ba kayo ng 2nd cousin mo?
Mga tanong tungkol sa mag-asawa | Image from iStock
Ilan lamang ito sa mga tanong ng ating TAP moms ngunit hindi nila magawang maitanong sa kanilang mga asawa.
“Let communication be the seed that you water with honest and love. So that it may produce a happy, fulfilling, and successful relationship.”
–Stephan Labossiere
Moms, kung ganito rin ang inyong mga itinatanong katanungan para sa iyong asawa, bakit hindi mo lakas loob na itanong ito sa kanila? Tandaan na ang komunikasyon sa isang relasyon ang nagpapalakas sa mag-asawa. Pinapanatili rin nitong konektado ang bawat isa. Huminga ng malalim at itanong na ang mga gusto mong itanong kay mister!
Mga tanong para sa mag-asawa upang maging malapit sa isa’t isa
Gaano mo kakilala ang iyong asawa?
Alam ko mommy, marami kang katanungan na gusto mong bigyan ng kasagutan ng iyong asawa. Katulad na lamang kung gaano ka niya kamahal, masaya ba siya sa iyong pagsasama o kaya naman ilan ang magiging anak ninyo.
Narito ang ilang tanong para kay mister upang mas maging malapit at makilala ang isa’t isa!
Mga tanong tungkol sa mag-asawa | Image from iStock
Tanong sa inyong relasyon:
- Anong paborito mong memory kasama ako?
- Anong first impression mo sa akin?
- Ano ang kinatatakutan mong mangyari sa relasyon natin?
- Bakit mo ako mahal?
- Kailan ka naiinis sa akin?
- Anong bagay sa relasyon natin ang nakapagpapasa sa ‘yo?
- Paano mo ide-describe ang relasyon natin?
- Anong bagay ang pinakagusto mong gawin kasama ako?
- Sa tingin mo ba, may kulang pa sa relasyon natin?
- Ano sa tingin mo ang lakas ng relasyon natin?
- Gaano ako kaimportante sa ‘yo?
- Ilang anak ang gusto mo?
- Paano mo nasabing ako na ang ‘the one’ para sa ‘yo?
- Ano ang isang bagay na pangarap mong gawin kasama ako?
- Nagseselos ka ba sa mga lalaking kaibigan ko?
Tanong tungkol sa buhay:
- Ano ang inspiration mo ngayon?
- Masaya at kuntento ka na ba ngayon?
- Anong gagawin mo kapag isang araw, bilyonaryo ka na?
- Madali ka bang magpatawad?
- Ano ang kadalasang mong sinusunod, isip o puso?
- Isang bagay na hindi mo makakalimutan hanggang pagtanda?
- Isang pangyayari sa buhay mo na gustong makalimutan.
- Sa tingin mo, anong purpose mo sa buhay?
- Ano ang pinapagpasalamat mo araw-araw?
- Gaano mo kamahal ang iyong sarili?
Source:
Goalcast
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!