Parents, ready na ba kayo sa pangalawang anak?
Ang kapanganakan ng iyong baby ay kapanganakan mo rin bilang magulang. Tinanggap mo ang pribilehiyo at responsibidad ng buo. Ngunit bukod dito, maaaring narinig mo na mula sa ibang kamag-anak mo ang, “Kailan mo balak sundan ang panganay mo?”
Mababasa sa artikulong ito:
- Handa ka na ba sa pangalawang anak?
- 5 na dapat itanong sa sarili bago mag baby #2!
Gusto mong sagutin ngunit wala pang kasiguraduhan ang lahat.
Pangalawang anak | Image from iStock
Gayunpaman, marami ang kailangang isaalang-alang kung may plano kayo ng pangalawang anak ni mister. Kailan ba dapat? Ready na ba talaga kami? Ano ang magiging reaksyon ng panganay namin? Nariyan din ang tanong tungkol sa usapang gastos para sa iyong dalawang anak.
Pangalawang anak? 5 na dapat itanong sa sarili bago mag-baby #2!
Kung may balak kang palakihin pa ang iyong pamilya, marami ang dapat tandaan sa pagkakaroon ng pangalawang anak. Sinubukan naming sagutin ang mga katanungang maaaring makatulong sa inyo.
1. Kaya ba naming mag-alaga ng dalawang bata ng sabay?
Mapapadali ang iyong trabaho bilang magulang kung sisimulan ito sa una pa lamang. Magiging organisado ang lahat kung maganda ang pagpaplano sa unang baby ninyo.
Ang unang 6 – 8 weeks ay talaga namang kinakailangan ng dobleng pag-aalaga. Sa isang araw, ang tanging gagawin mo lang patulugin at painumin ng gatas si baby. Ganito rin ang magiging ganap mo sa pangalawang baby mo kapag nagkataon.
Gayunpaman, tandaan mo na nagawa mo na ito sa unang pagkakataon kaya kaya mo rin sa pangalawa! Maaaring magkamali ka sa pagpapalit ng diaper, pagpapasuso, o kaya naman kapag may sakit si baby.
Ngunit kung papanatilihin mo ang pagiging matatag kasama si baby, magiging madali na lang sa’yo ang lahat. Importante rin ang suportang ibibigay ni mister sa’yo. Makakatulong siya para mapadali ang iyong araw.
BASAHIN:
STUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na ito
Iba’t-ibang uri ng family planning method at gaano ka-epektibo ang mga ito
Ito ang dahilan kung bakit sinasaktan ng anak mo ang kapatid niya!
2. Ano ang kailangang age-gap ng mga anak ko?
Ayon sa National Childbirth Trust UK, ang ideal gap ng bawat magkakapatid ay apat na taon. Bagaman hindi ito striktong rule na kailangang sundin, maaari namang magkaroon ng dalawang taong agwat ang bawat magkakapatid. Ngunit ito ay maaaring magdala ng komplikasyon sa nanay.
Ang apat na taong age gap ay napapababa ang risk ng preterm birth at pagkakaroon ng mababang timbang ni baby kapag pinanganak.
Nabibigyan din nito ang iyong katawan ng tamang panahon para bumalik paunti-unti sa dating kalagayan para masabing ikaw ay physically ready na.
Sa apat na taong ito, hindi mo naman agad malilimutan ang mga kaaalaman na natutunan mo sa unang pagbubuntis mo. Maaari mong gamitin ang ilang gamit ng first baby mo katulad ng kuna, stroller, feeding chair, car seat, laruan, damit at iba pa.
Ang mga magkakapatid na magkalapit ang edad ay mas malapit sa isa’t-isa lalo na habang sial ay lumalaki. Kasama rin dito ang paglaki sa parehong kapaligiran, kaibigan, at mga intereres sa buhay.
Ibig sabihin, kinakailangan mo ng doble kayod sa lahat mula sa school, college tuition, laruan, regalo at iba pa.
Para sa mga magulang na mayroong anak na may age gap na apat hanggang pitong taon, tandaan na ang mga matandang kapatid ay tumatayong pangatlong magulang para sa mga nakababatang kapatid.
3. Gusto ba naming magsimula ulit?
Para sa lahat ng magulang, ang tanong na ito ay maaaring mabuti o hindi. Sa positibong bahagi, ang parenthood ay isang malaking tungkulin ngunit nagbibigay ng kasiyahan sa bawat magulang.
Mula sa kagalakan ng paglabas ni baby, hanggang siya ay naglakad sa unang pagkakataon, nagsalita at ngumiti, lahat ng ito ay iba ang dala sa pakiramdam.
Ang mga nanay ay naglalabas ng oxytocin hormone. Ito ay kilala rin bilang bonding hormone. Malaki ang ginagampanan nito sa social bonding, reproduction, childbirth sa period pagkatapos ng paglabas ni baby.
Bukod pa rito, ang pagbubuntis ay nagdadala ng morning sickness, almuras at sakit sa likod. Makakaranas din ng sleepless nights, walang katapusang pagpapasuso at pagkapagod. Pagkatapos ng araw, handa kana bang maranasan ulit ang ganitong pakiramdam?
4. Handa na ba ang katawan ko para magbuntis ulit?
Ang pagpaplano ng pangalawang anak ay hindi lang sa mga gastos na kakailanganin. Kailangan mo rin munang masigurong okay na ang iyong katawan, physically man o emotionally.
Mas risk ka sa komplikasyon kung maiksi ang age gap ng iyong mga anak. Kailangan ng katawan mo ng pahinga at pagpapagaling. Ito ay nakadepende rin sa una mong pagbubuntis.
Para sa mga nanay na dumaan sa c-section dati, ang hindi maipaliwanag na sakit pagkatapos ng unang pregnancy ay isang malaking NO sa pangalawang pagkakataon.
Mula sa pagpapasuso sa gitna ng gabi hanggang sa magulang pattern ng pagtulog, kawalan ng pahinga, isa itong mahirap na tagpo ng pagpapagaling.
May iba ring nanay na pantay lang ang ibinibigay napagmamahal sa kaniyang una at pangalawang anak. Sabi naman ng iba, ang pagmamahal ng isang magulang ay nadobdoble kapag nagkaroon na ulit ng 2nd baby. Maganda ito para sa panganay at pangalawa!
Bukod pa rito, kailangang bantayan ng mga nanay ang kanilang mental health sa tagpong ito. Maaaring magkaroon ng depression o baby blues pagkatapos ng ilang linggo ng panganganak.
Ang postpartum depression ay isang seryosong issue na kinakailangan ng matinding paggamot at tulong mula sa doktor. Kung nakakaramdam ka ng pagkabalisa, pagkatakot, depresyon, pagiging malungkot o kaya naman iniisip na saktan ang iyong baby, importanteng kausapin ang iyong partner at doktor.
5. Paano na tayo pagkatapos ng pangalawang anak?
Ang pagpapalaki ng unang baby ay mahirap. Habang ang dalawa naman ay maaaring nakakapagod na. Bilang magulang, halos buong oras mo ay kailangang kasama si baby.
Kaya naman lahat ng inyong pag-uusap, kasunduan at pagtatalo ay kasama rin si baby. Importante na humanap ng oras para makipag-usap sa iyong partner.
May oras naman na mahihirapan kang humanap ng oras sa iyong partner. Maaaring tumaas din ito lalo na habang lumalaki ang iyong anak. ‘Wag kalimutang lumabas o magplano ng bakasyon sa weekend. Iwan muna ang mga bata sa kanilang lola o daycare.
Oo, maaaring hindi maaalis sa isip ang mga bata habang nasa bakasyon kayo ni mister. Ngunit kailangan mo ng “me” time naman para mapanatili ang dating sigla. Mapapanatili nito ang matatag ninyong relasyon ni mister kahit na may responsibilidad kayong dapat gawin.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!