Solenn Heussaff pregnancy journey naging madali umano sa unang apat na buwan. Ngunit naging nakakakaba na noong ika-limang buwan dahil sa mga komplikasyong kaniyang naranasan.
Solenn Heussaff pregnancy journey
Sa pamamagitan ng isang vlog ay ibinahagi ni Solenn Heussaff ang kaniyang pregnancy journey. Ang vlog na ito ay nai-post sa kaniyang YouTube channel isang araw bago manganak ang sexy model-actress.
View this post on Instagram
A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on
Hindi tulad ng mga happy Instagram post ni Solenn at ng asawa niyang si Nico Bolzico, ang vlog na ibinahagi ni Solenn ay nagpakita ng nakakakabang bahagi ng kaniyang pagdadalang-tao. At ito ay kaniyang kinunan tatlong linggo bago ang kaniyang due date sa panganganak.
Komplikasyon sa pagbubuntis
Ayon kay Solenn naging madali ang unang apat na buwan ng kaniyang pagbubuntis. Walang morning sickness, cravings at mood swings kaya naman nakapagtrabaho pa siya ng mga buwan na ito. Ngunit ng tumungtong na ang kaniyang limang buwan sa pagbubuntis, dito na nagsimula ang nakakakabahalang parte ng kaniyang pagbubuntis. Na kung saan kwento niya ay inakala niyang manganganak siya ng maaga.
Mabagal na paglaki ng kaniyang baby at APAS
“When we reached 5 months and we went to the doctor our baby is in the 10th percentile meaning it was a very small baby, which got us a bit worried. It was still growing but it was still very small.”
Ito ang pagkwekwento ni Solenn sa kaniyang vlog na sinabi niyang the worst 2 weeks ng kaniyang buhay.
“I remember Nico and I were crying every day. We almost thought we would have to give birth at five months, which was obviously a very scary thing.”
Ito ang dagdag pang pagkwekwento ni Solenn. At maliban nga raw sa maliit niyang baby, natuklasan rin ni Solenn na siya ay prone sa kondisyon na kung tawagin ay APAS.
APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome
Ang APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome ay isang kondisyon na kung saan ang isang tao ay may mataas ng level ng antiphospholipid antibodies (APA) sa kaniyang dugo. Dahil sa mataas na presensya ng APA sa dugo, mas nagiging malapot ang dugo ng taong may APAS. At ito ay posibleng maging dahilan ng pagbabara sa ugat o vein.
Delikado ang kondisyong ito sa babaeng nagdadalang-tao dahil ito ay maaring magdulot ng miscarriage at iba pang pregnancy complications tulad ng preeclampsia, thrombosis at fetal loss. Sa kaso ni Solenn kinailangan niyang mag-inject ng Innohep o blood thinner para malunasan ang kondisyon. Mabuti na nga lang daw at very supportive ang kaniyang asawang si Nico Bolzico na inalagaan siyang mabuti at hindi pinabayaan.
“My husband was so good at being my nurse. He made sure he would go to the office everyday just to inject me. This is also why I took leave from work because I decided to chill because I’m a girl who loves to be on-the-go and I love to work.”
Sa tulong ng injections at pagkain ng high protein diet ay nag-improve ang laki ng kaniyang baby at nasa 30 percentile na.
Pag-alala ni Solenn kinailangan niyang kumain ng 3,000 calories a day para magawa ito. Ito ay naging mahirap sa kaniya dahil 4x times itong madami sa nakaugalian niyang amount ng pagkain araw-araw.
“Its crazy a lot like I usually eat 1200 calories a day without counting but that’s how much I eat so 3000 would have to be like a bodybuilder.”
Placental calcification
Maliban sa APAS, si Solenn ay nakaranas rin ng placental calcification sa kaniyang pagbubuntis.
Ayon sa US National Library of Medicine, ang placental calcification ay ang pagkakaroon ng build-up ng calcium deposits sa placenta ng isang babae. Dahilan upang ito ay ma-deteriorate ng mas mabilis. Madalas itong nangyayari sa pagtatapos ng pagbubuntis. Ngunit kung ito ay nangyari bago ang 36th week ng pagbubuntis, ito ay maaring magdulot ng komplikasyon. Na maaring maranasan ng babaeng buntis at sa sanggol na kaniyang dinadala. Ang mga komplikasyong maaring maranasan ng sanggol ay ang pagbaba ng daloy ng dugo sa placenta pati na ang pagtigil ng fetal circulation at growth.
Marami mang pinagdaanan sa kaniyang pagbubuntis, malaking tulong daw kay Solenn ang pagkakaroon niya ng mga kaibigang buntis rin. Na kung saan ang ilan sa kanila ay kapareho niya rin ang pinagdadaanan.
Mensahe sa iba pang babaeng nagdadalang-tao
“I don’t know why there were so many complications and I feel so good so I didn’t get it. I couldn’t understand why this was happening to me.”
“Thank God I have 9 friends who are pregnant at the same time some of us went with the same thing, while some of us didn’t have to do the injections. It made me feel better that I know someone who is going the same thing with me.”
Kaya naman sa dulo ng kaniyang vlog ay may mensahe si Solenn sa ibang mga babaeng buntis na dumadaan sa kaniyang naging kondisyon.
“If you are going to the same thing guys kaya ninyo yan! You can do it!”
Ito ang naging mensahe ni Solenn.
Sa ngayon si Solenn ay ligtas na naisilang ang kaniyang first baby na isang girl. Pinangalanan nila ito ng kaniyang asawang si Nico Bolzico na Thylane Katana, na ipinanganak nito lamang pagpasok ng bagong taon, January 1, 2020.
View this post on Instagram
A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on
Para sa buong Solenn Heussaff pregnancy journey, panoorin ang kaniyang vlog dito.
Source:
NCBI, MedicineNet
Nico Bolzico sa misis na si Solenn: “Seeing her pregnant changed my whole perception of her as a woman”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!