Isa ka bang solo parent at challenging para sa iyo ang pagpapalaki ng iyong anak? May batas na na kahit papaano ay tumutulong para sa tulad mong solo parent. Narito ang mga solo parent benefits in the Philippines na dapat mong makuha ayon sa batas.
Expanded Solo Parents’ Welfare Act
Matatandaang taong 2018, nais ibahin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batas sa Solo Parent upang madagdagan ang karapatan at benepisyo ng mga magulang na mag-isang itinataguyod ang anak na wala pa sa legal na edad.
Dagdag nila na pwedeng mag-apply ng Solo Parent ID kabilang na ang mga: namatayan ng asawa; inabandona ng asawa; hiwalay sa asawa; nakulong ang asawa dahil sa krimen; naging biktima ng pang-aabuso; annulled man o hindi. Ngunit magkaiba pa rin ang benipisyo ng working at non-working solo parent.
Noong nakaraang January 20, 2020 taong kasalukuyan, naglabas ng update ang Senado tungkol sa Expanded Solo Parents’ Welfare Act or Senate Bill No. 164. Inutos din ni Akbayan Senator Risa Hontiveros sa mga pribadong kompanya na mayroong 100 employee na magtayo at gumawa ng Daycare Facilities.
Ayon kay Hontiveros, and bill na ito ay sumasalamin sa paghihirap at mga balakid ng isang solo parent.
“Raising a child is daunting, but raising a child alone constitutes a specific set of challenges and difficulties,” dagdag nito.
Ang Expanded Solo Parents’ Welfare Act or Senate Bill No. 164 ay naglalayong pahalagahan ang mga magulang na mag-isang itinataguyod ang kanilang mga anak na wala pa sa tamang edad. Kasama na rin dito ang mga nilalapat na benepisyong makakatulog sa mga magulang. Binigyang pansin rin ang mga Overseas Filipino Workers na matagal nang hindi nakasama ang pamilya dito sa Pilipinas.
“Parang mga solo parents na rin ang ilan sa mga asawa ng OFWs natin,” sabi ni Hontiveros. “Minsan, more than a year na nasa abroad ang asawa. Kailangang suportahan ang mga asawa ng ating mga OFWs. We need to extend the solo parents’ benefits to them too,” dagdag nito.
Kasama rin sa Bill na ito ang pag-gawa ng ‘Solo Parents Affairs Office’. At nagrerequire sa bawat barangay na gumawa ng Solo Parents’ Help Desk na maaring takbuhan ng mga solo parents kasama ang kanilang mga anak.
Isa sa layunin ng Bill na ito ay ang tulungan ang mga Solo parents na nahihiparan sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.
“Gusto kong malaman ng mga single tatay at single nanay na katulad ko na may nakikinig sa kanilang mga hinaing. We want to support our solo parents the best way we can. Ang isinusulong nating mga benepisyo ay mga konkretong solusyon,” ani Senator Hontiveros.
Expanded Solo Parents Welfare Act ganap nang batas
June 4, 2022 nang tuluyang maging batas ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Inaamyendahan ng batas na ito ang ilang mga probisyon ng Republic Acr 8792 at nagbibigay mandato sa enhanced solo parent benefits in the Philippines.
Ayon sa batas, napalawak na rin ang kahulugan ng solo parent. Kabilang na sa mga itinuturing na solo parent ang mga asawa at family member ng OFWs na nasa low o semi-skilled category na nanirahan sa labas ng bansa sa loob ng 12 buwan. Kabilang dito ang mga lolo o lola, guardian, o iba pang myembro ng pamilya na mayroong full responsibility sa bata.
Solo parent benefits Philippines: Anu-ano ang mga benepisyong makukuha?
Cash allowance at discounts
- Kung kumikita ng minimum wage o below minimum wage ang isang solo parent, entitled siya na magkaroon ng P1,000 cash subsidy kada buwan mula sa local government unit (LGU)
- Kapag mas mababa sa P250,000 kada taon ang sweldo ng solo parent, entitled siya sa 10% discount at VAT exemption para sa mga produktong tulad ng diaper, infant milk at food, prescription medicines at vaccines. Pati na rin ang mga micronutrient at medical supplements mula sa pagkapanganak hanggang maging anim na taong gulang ang bata.
Leaves at national holidays
- Mayroon ding pitong araw na parental leave ang solo parent ano man ang kaniyang employment status.
- Itatalaga ang ikatlong linggo ng Abril bilang Solo Parents Week habang ang ikatlong Sabado naman ng nabanggit na buwan ay National Parents Day.
Iba pang solo parent benefits in the Philippines
- Maaaring mag-applu para sa livelihood assistance sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sustainable Livelihood Program.
- Automatic Philhealth coverage
- Apprenticeship programs sa TESDA
Karapatan ng mga solo parent na makatanggap ng mga nabanggit na benepisyo haggang sa mag-22 years old na ang kaniyang anak.
Para makapag-avail ng mga nabanggit na solo parent benefits in the Philippines, dapat na ipakita ang valid na Solo Parent ID. Makakukuha ng nasabing ID sa Solo Parent Office sa inyong lungsod.
Update mula kay Jobelle Macayan
BASAHIN: Solo parent ID: Kwalipikasyon, application, at benepisyo