Solo parent ID: Kwalipikasyon, application, at benepisyo

Ang RA 8972 o Solo Parent's Welfare Act ay isang batas na nagbibigay benepisyo at prebilihiyo sa mga solo parents at sa kanilang mga anak. At para magamit ng isang solo parent ang mga benepisyo at prebilihiyong ito, kinakailangan niyang magkaroon ng Solo Parent ID.

Narito ang mga kailangang requirements at benefits na maaari mong makuha kung ikaw ay isang solo parent at kung paano maka-avail ng solo parent ID.

Ano ang Solo Parent Act?

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Department of Health at University of the Philippines-National Institute for Health, tinatayang ang 14-15 percent ng 94 million na kabuoang populasyon ng Pilipinas ay solo parent. Ito ay humigit-kumulang 15 million na kung saan 95 percent nito ay mga babae.

Kaya naman para maproteksyonan ang kanilang karapatan at matulungan sila sa pagtataguyod ng kanilang mga anak na ginagawa nilang mag-isa. Isang batas ang isinulong noong 2000 na tinawag na Solo Parent’s Welfare Act o RA 8972.

Layunin ng Solo Parent Act na magbigay ng komprehensibong serbisyo at prebilihiyo sa mga single parents at kanilang mga anak sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Ilan sa mga benefits maaaring matanggap ng mga solo parent sa ilalim ng batas na ito ay ang sumusunod:

solo-parent-id

Benefits ng solo parent ID | Image from Unsplash

Benefits ng mga solo parent

Kung ikaw ay solo parent, dapat mong malaman ang mga karapatan at benefits na maaari mong makuha alinsunod sa Solo Parent Act. Ilan sa mga ito ay ang flexible work schedule, parental leave at educational benefits atbp. na itinakda ng batas.

Solo Parent Comprehensive Package: Benefits

Isa sa mga benepisyong makukuha ay ang Comprehensive Package. Itinatag ang Comprehensive Package sa suporta ng mga ahensya gaya ng DSWD, DOH, DECS, CHED, TESDA, DOLE, NHA at DILG para sa iba pang benepisyo maaaring makuha ng solo parents. Kaugnay ng DSWD ang mga kaukulang ahensiyang ito para sa pagpapatupad ng benepisyong nakapaloob dito.

Ang mga sumusunod ay benepisyong makukuha sa comprehensive package:

1. Livelihood development services

Tulad ng training sa basic business management, value orientation at ang pagbibigay ng seed capital o pagbibigay ng trabaho.

2. Counselling services

Para sa indibidwal, peer group o pagpapayo sa pamilya. Tutuon ito sa paglutas ng personal na relasyon at mga role conflict.

3. Parent effectiveness services

Kabilang ang pagbibigay at pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ukol sa early childhood development, behavior management, health care, rights and duties ng mga magulang at mga bata.

4. Critical incident stress debriefing 

Kinabibilangan ng preventive stress management strategy na idinisenyo upang tulungan ang mga solo parent sa pagharap sa krisis at mga kaso ng pang-aabuso.

5. Mga espesyal na proyekto

Para sa mga indibidwal na nangangailangan ng proteksyon na kinabibilangan ng pansamantalang tirahan, pagpapayo, legal na tulong, pangangalagang medikal, konsepto sa sarili o pagbuo ng ego, pamamahala sa krisis at pagpapayaman sa espirituwal.

Samantala ang solo parent na kumikita na mas mababa sa poverty threshold na itinakda ng National Economic Development Authority (NEOA). Dumaan ito sa assessment ng isang DSWD worker at makakatanggap ng karapatang serbisyo at assistance mula sumusunod na sangay ng gobyerno.

    • Health services (DOHI
    • Educational Services (CHED, TESDA)
    • Housing (NHA)
    • Parental Leave (Employer. DOLE. CSC)

Ang solo parent naman na kumikita na mas mataas sa itinakdang poverty threshold ng NEOA ay makakakuha lang ng limitadong benepisyo tulad ng flexible work schedule, parental leave at iba pang benepisyong itatakda ng DSWD.

6. Solo parent leave 

Ang Solo Parent Leave ay ang benepisyong kaakibat ng Solo Parent Act. kung saan ang isang solo parent ay maaaring lumiban ng pitong araw sa trabaho.

Ito ay para magampanan ang kaniyang tungkulin bilang magulang para sa mga anak na hindi bababa sa gulang na 18 years old o kung 18 years old pataas pero hindi kayang suportahan ang sarili o may physical o mental disability.

Ang 7 day parental leave na ito ay maaaring gamitin sa isang taon. Maliban pa sa leave benefits na itinakda ng DOLE sa isang regular na empleyado,

Ang Solo Parent Leave ay maaaring gamitin ng isang solo parent ayon sa sumusunod na dahilan.

  • Kailangang dumalo sa mga importanteng pangyayari o milestone ng kaniyang anak tulad ng birthday, communion, graduation, at iba pa.
  • Kailangang gampanan ang tungkulin bilang isang magulang tulad ng pag-e-enroll sa school, PTA meetings at iba pa.
  • Punan ang pangangailangang medical, social, spiritual at recreational needs ng kaniyang anak.
  • Iba pang pangyayari na kailangan ang presensya ng solo parent para magampanan ang responsibilidäd at tungkulin niya bilang isang magulang sa kaniyang anak.
  • Ang maling paggamit ng benepisyong ito ay dadaan sa kaukulang imbestigasyon na maaring magpawalang bisa ng eligibility sa mga naturang benepisyo.

Magagamit din ang solo parent leave sa mga sumusunod na kundisyon:

  • Ang Solo parent ay dapat nagtatrabaho na sa ahensiya o kumpanyang pinagtatrabahuhan na hindi bababa sa isang taon, tuloy-tuloy man o putol-putol.
  • Maaaring magamit ang parental leave ng pitong araw na tuloy-tuloy o paunti-unti na nakadepende sa pagsang-ayon ng head ng agency office na pinagtatrabahuhan ng isang Solo parent.
  • Dapat magamit ang parental leave taon-taon at hindi maaaring ipalit sa cash.
  • Ang hindi paggamit nito sa isang taon ay hindi nangangahulugan magagamit ito sa susunod na taon. Tanging pitong araw lang na parental leave ang nakatalaga sa isang solo parent sa isang taon.

7. Solo parent ID benefits sa discounts

Ang ilang mga lungsod tulad ng Quezon City at Pampanga ay nag-aalok ng 20% na discount para sa mga solo parent.

Mayroon ding panukala sa senado na naglalayong amyendahan ang Solo Parent Act. Ang panukalang batas ay naglalayong magbigay ng karagdagang discounts at benepisyo para sa mga solo parent.

Ito ay nasa proseso pa ng pag-aaral kung ito’y isasabatas.

Nawawala naman ang karapatan ng isang solo parent na gamitin ang mga benepisyo at pribilehiyo sa ilalim ng Solo Parent Act kapag siya ay nagbago na ng status o kung saan hindi na lamang siya ang mag-isang nagtataguyod sa kaniyang mga anak.

Ang hindi pagre-renew rin ng Solo Parent ID taon-taon ay awtomatikong palatandaan na ang isang solo parent ay nagbago na ng kaniyang status at hindi na nasa ilalim ng Solo Parent Act.

Ngunit para magamit at makuha ang mga benepisyong ito kinakailangan ng isang Single parent na magkaroon ng SoIo parent ID. Ito ang patunay na ang isang Single parent ay kuwalipikadong solo parent na naaayon sa proseso sa ilalim ng Solo Parent Act.

Pero ano nga ba ang batayan para masabing ikaw ay solo parent? Narito ang mga kwaiipikasyon.

Solo Parent Qualifications

  • Biyuda/biyudo
  • Hiwalay sa asawa
  • Napawalang-bisa o annuled ang kasal
  • Inabandona ng asawa o kinakasama
  • Sinumang indibidwal na tumatayo bilang magulang ng bata/ng mga bata
  • Sinumang miyembro ng pamilya na tumatayo bilang head of the family bunga ng pag-abandona, pagkawala o matagal na pagkawalay ng magulang o ng solo parent
  • Biktima ng panggagahasa
  • Asawa ng nakakulong at/o hinatulang mabilanggo
  • Hindi sapat ang mental na kapasidad
solo-parent-id

Benefits ng solo parent ID | Image from Freepik

Kung kuwalipikado ka sa pagiging solo parent, mahalagang magpalista sa inyong Local Social Welfare and Development Office ng inyong munisipyo. Upang makapag-apply ng Solo Parent ID na nangangailangan ng patunay ng mga sumusunod na dokumento.

Solo Parent ID Requirements

  • Barangay Certification – mahalagang may di kukulangin sa anim na buwang naninirahan sa nasabing barangay
    • May angkop na dokumento gaya ng:
      – Deklarasyon ng pagkawang bisa ng kasal (Declarationo of Nullity of Marriage)
      – Katibayan o medical certificate na hindi sapat ang mental na kapasidad
      – Certificate of No Marriage (CENOMAR)
      – Birth certificate ng anak
      – Income Tax Return (ITR) o anumang angkop na dokumento na nagpapatunay sa antas ng kita ng solo parent o cetification mula sa ingat-yaman o Treasurer ng Barangay o Munisipyo
      – Kasulatan o certificate mula sa Kapitan ng Barangay na nagsasaad ng kalagayan ng pagiging isang solo parent

Matapos makumpleto at maipasa ang mga dokumento, ang Solo Parent ID ay makukuha paglipas ng tamlumpung araw na kailangang irenew taon-taon.

Samantala ang solo parent na kumikita na mas mababa sa poverty threshold na itinakda ng National Economic Development Authority (NEDA).

Dumaan ito sa assessment ng isang DSWD worker ay makatatanggap ng karapatang serbisyo at assistance mula sa sumusunod na sangay ng gobyerno.

  • Health Services (DOH)
  • Educational Services (CHED, TESDA)
  • Housing (NHA)
  • Parental Leave (Employer, DOLE, CSC)

Ang solo parent naman na kumikita na mas mataas sa itinakdang poverty threshold ng NEDA ay makakuha lang ng limitadong benepisyo tulad ng flexible work schedule, parental leave at iba pang benepisyong itatakda ng DSWD.

solo-parent-id

Benepisyo ng solo parent ID | Image from Unsplash

Paano kumuha ng Solo parent ID?

Kung ikaw ay solo parent at wala pang solo parent ID, ito na panahon upang asikasuhin ang mga kinakailangang dokumento para makakuha ng benepisyo.

Ang solo parent ay dapat mag-apply para sa isang Solo Parent Identification Card (Solo Parent ID) mula sa Lungsod/Municipal o Tanggapan ng Social Welfare and Development (C/MSWD).

Kapag ang C/MSWD Office ay naglabas ng Solo Parent ID, ang isang solo parent ay maaaring mag-apply para sa mga serbisyong kailangan niya mula sa C/MSWD Office o sa mga partikular na ahensya pagbibigay ng naturang tulong/serbisyo.

Sundin ang mga hakbang na ito para makakuha ng solo parent ID

  • Kumpletuhin ang mga dokumentong kinakailangan para sa registration
  • Punan ang Solo Parent ID Application Form (Ang link ay naiiba depende sa iyong lokasyon). Kung ikaw ay taga Quezon City, bumisita sa https://quezoncity.gov.ph/qcitizen-guides/how-to-apply-for-solo-parent/
  • Isumite ang iyong mga dokumento sa tanggapan ng DSWD sa iyong LGU o rehiyon
  • Bayaran ang mga kinakailangang bayarin
  • Maghintay ng 30 araw para sa assessment at evaluation
  • I-claim o kunin ang iyong Solo Parent ID sa DSWD

Ang solo parent ID ay ibibigay pagkatapos ng 30 araw mula sa petsa ng paghahain ayon sa Department of Social Welfare and Development. Ito ay dahil kailangang kumpletuhin ng social worker ang assessment at evaluation ng aplikasyon.

 

Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!