Good news ulit para sa mga solo parent! Isinusulong ngayon ang mas pinatibay at mas dagdag benefits para sa mga single parent sa bansa. Ito ay para mabigyan ng dagdag benepisyo ang mga single parent na nagtataguyod mag-isa ng kanilang mga anak.
Single parent benefits in Philippines
Matatandaan na noong February 26, inaprubahan ng House Committee on Revision of Laws ang bill kung saan dinagdagan ang mga benefits ng mga single parent. Ito ay sa pamumuno ni Zambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla. Sa substitute bill na ito nakapaloob ang pagkakaroon ng 10% discount benefits sa mga single parent. Ito ay para sa mga basic needs ng kanilang anak katulad ng gatas, damit, vitamis o gamot. Magkakaroon din ng 7 days parental leave with pay kada taon ang mga solo parent.
Solo parent benefits in the Philippines | Image from Freepik
Senate Bill No. 1411 o Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020
Ngayong buwan naman, muling ikinasa ang Bill No. 1411 o mas kilala bilang Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020 ni Senator Bong Go. Sa bill na ito ay nag papakita ng mas matibay at mas enhanced benefits para halos 14 million single parent sa bansa.
Ayon sa speech ni Senator Bong Go sa kanyang proposal, idiniin nito na ang mga single parent ay parehong breadwinners at caregivers ng isang pamilya. Kaya naman mas mabuti na kilalanin sila at bigyang importansya sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na benepisyo bilang solo parent na nagtataguyod mag-isa ng kanilang anak.
Dagdag pa nito na kulang pa ang nakapaloob na benefits sa mga single parent sa existing law ngayon.
“Alam nating lahat na ang pagiging solo parent ay hindi madali. Solo parents are both the breadwinners and caregivers of their families. As such, they should be acknowledged appropriately. As the law now stands, the privileges and benefits awarded to them are insufficient and show a lack of understanding for the complexity of their needs,”
Sa bill na ito nakapaloob pa rin ang dagdag at special benefits ng mga single parent sa basic necessities katulad ng damit, pagkain, gamot at gatas ng bata. Magkakaroon rin ng tuition fee discount both public at private ang mga bata na itinataguyod ng single parent.
Solo parent benefits in the Philippines | Image from Unsplash
Dagdag rin dito ang employment benefits para sa mga solo parent katulad ng pagpapababa ng required length ng serbisyo para makakuha ng benefits. Matatandaan na nakapaloob sa existing law, ang requirement upang makakuha ng employment benefits ang isang solo parent ay kailangang ito ay nagtatrabaho atleast one year. Samantalang sa bill na ikinakasa ngayon, nakasaad dito na mapapababa nito ang required length. Ang dating atleast 1 year, ngayon ay magiging 6 months na lang at ang 7 days parental leave ay kailangang bayad pa rin both government at private sector. Narito rin ang comprehensive package katulad ng livelihood development services at counseling services.
“Under the existing law, solo parent employees who have rendered service of at least one year shall be granted a parental leave of not more than seven working days. The proposed measure lowers the required length of service to six months. Instead and specifies that the leave should be granted with pay,”
Ayon sa kinakasang bill, ang gobyerno ay kailangang gumawa ng comprehensive program na Package of Social Protection Services for solo parents and their children. Dagdag financial assistance rin ang matatanggap lalo na ang mga indigent solo parents kung sakaling maipapasa ang bill na ito.
“I am pushing for these amendments to the existing law to cater to as many solo parents as possible. To help them build a stronger family, and to support them as productive members of society,”
Sa proposal rin na ito, mas mabibigyan ng sapat na benefits at importansya ang mga single parent. Ito ay para sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Single parent benefits in the Philippines | Image from DSWD
Solo Parent ID
Upang makakuha ng Solo Parent ID, kailangan ay pasok ka sa qualifications nito. Kung sakaling pasok ka, maaaring magpalista lamang sa Local Social Welfare and Development Office ng inyong munisipyo para sa Solo Parent ID. Narito ang mga qualifications para rito.
- Hiwalay sa asawa
- Biyuda/biyudo
- Annulled
- Inabandona ng asawa
- Hindi sapat ang mental na kapasidad
- Asawa ng nakakulong
- Sinumang miyembro ng pamilya na tumatayo bilang head of the family bunga ng pag-abandona, pagkawala o matagal na pagkawalay ng magulang o ng solo parent
Upang basahin ang kumpletong detalye sa pagkuha ng Solo Parent ID, pindutin lamang ito.
Source:
Senate of the Philippines
BASAHIN:
Solo parent ID: Kwalipikasyon, application, at benepisyo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!