Korean stars Song Joong Ki at Song Hye Kyo, hiwalay na!

lead image

Narito ang pahayag ng kampo nina Soong Joong at Song Hye Kyo sa kanilang hiwalayan.

Song-Song couple divorce ang laman ng mga balita ngayon na ikinagulat ng kanilang mga tagahanga. Narito ang dahilan ng nakakalungkot na hiwalayan.

Song-song couple divorce

Unang nagkatambal sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo sa Korean telenovela hit na Descendants of the Sun noong 2016. Dito ay napakilig at napansin na ng mga manonood ang chemistry ng dalawa.

Isang taon matapos ang success ng kanilang telenovela ay patuloy na pinakilig ng Song-Song couple ang kanilang fans nang gawin nilang totohanan ang kanilang pagtatambal na nauwi sa pagpapakasal. Ito ay nangyari noong October 2017 na sinubaybayan rin hindi lamang ng mga Korean fans ng top Korean stars kung hindi pati narin ng mga Pilipino.

Ngunit wala pa mang dalawang taon matapos maikasal ay isang balita ang gumulat at nagpalungkot sa mga fans nila. Ito ay ang headlines ngayon sa mga pahayagan at online news ng Song-Song couple divorce na kaliwa’t-kanang pinag-uusapan.

Ayon sa mga report ay nag-file na ng divorce ang Korean actor na si Song Joong-ki sa kasal nila ng misis na si Song Hye-Kyo. Ito ay inanunsiyo ng abugado ng aktor na si Park Jae-hyun na nag-aasikaso ng kanilang divorce nito lamang Huwebes.

Kaugnay ng ginawang hakbang ay nagbigay ng pahayag si Song Joong-ki na naka-address sa kaniyang mga taga-hanga.

song-song couple divorce

Image from AsiaOne

Pahayag ni Song Joong-ki

Narito ang pahayag ng aktor sa pamamagitan ng kaniyang management agency na Blossom Entertainment:

Hello. This is Song Joong Ki.

First, I’d like to apologize for delivering this unfortunate news to the many fans who love and care for me.

I have begun the process of filing for divorce from Song Hye Kyo.

Rather than denouncing one another and arguing over who is to blame, I hope that the divorce process can be wrapped up amicably.

I ask for your understanding in regards to the fact that it is difficult to discuss the details of my personal life, and I will recover from my current wounds and do my utmost as an actor to repay you through great productions in the future.

Thank you.

Ilang oras matapos mailabas ang pahayag ni Soong Joong Ki tungkol sa divorce nila ng asawang si Soong Hye Kyo ay agad din namang naglabas ng pahayag ang talent agency ng aktres.

Dahilan ng Song-Song couple divorce

Sa ngalan ng aktres ay narito ang pahayag ng talent agency niyang United Artists Agency o UAA:

We find it fortunate that we are greeting you with unhappy news. After careful consideration, actress Song Hye Kyo and her husband are taking the first steps toward a divorce.

The reason (for the divorce) is differences in personality and because two were unable to overcome their differences. They were forced to come to this decision.

We respectfully ask for your understanding in regards to the fact that we cannot confirm any further details out of respect for the two actors’ personal lives. Additionally, we urge you to refrain from making scandalous posts and speculative comments.

Bago pa man ang anunsiyong ito ng Song-Song couple divorce ay may mga spekulasyon na hindi na maganda ang pagsasama ng mag-asawa ilang buwan lang matapos silang ikasal. Ngunit pareho nilang itinanggi ito.

 

Source: Korean Herald, Soompi, Soompi News
Photo: Soompi Forum & AsiaOne (Blossom Entertainment)

Basahin: Song Joong-ki and Song Hye-kyo wed in tightly guarded ceremony

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner