Song Joong Ki at Song Hye Kyo, officially divorced na!

lead image

Song Hye Kyo at Song Joong Ki, officially divorced na. At nagkasundo na walang division of properties na mangyayari.

Song-song couple divorce, opisyal na!

song-song couple divorce

Image from Soompi Forums

Ito ang pinakalatest na report sa hiwalayan ng South Korean superstars na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo. Ito ay matapos ma-finalized ang kanilang divorce ngayong araw sa isang closed-door meeting sa Seoul Family Court. Ang magkabilang panig ayon sa report ay nagkasundo sa isang settlement. Ito ay ang hindi pagkakaroon ng division of properties o alimony.

Ayaw naman maglabas ng detalye ng Seoul Family Court tungkol sa iba pang impormasyon na napag-usapan sa settlement ng Song-Song couple divorce.

Samantalang, mabilis naman na naglabas ng statement ang UAA Korea, ang talent agency ni Song Hye Kyo. Kinumpirma nga nila na parehong pumayag ang parehong panig ng isang divorce ng walang alimony o division of property.

Ito ang kabuuang pahayag ng UAA Korea tungkol sa final decision ng Song-song couple divorce:

“Hello. This is UAA.

“Actress Song Hye Kyo’s divorce was finalized today (July 22) at the Seoul Family Court.

“We inform you that the arbitration procedure was completed with both sides agreeing on a divorce without alimony or division of property.”

Song-song couple divorce

Matatandaang ginulat ni Song Joong Ki ang kanilang mga fans matapos itong mag-file ng divorce nito lamang June 27. Halos isang taon at walong buwan lang matapos ng sila ay maikasal ni Song Hye Kyo noong October 31, 2017.

Ang itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan ay “personal differences.”

Ngunit may mga spekulasyon ang Korean at Chinese media outlets na ang maaring dahilan ng hiwalayan ay third party. At ang itinuturong may kaugnayan dito ay ang South Korean actor na si Park Bo Gum. Ang aktor na nakasama ni Song Hye Kyo sa pinakalatest niyang romance drama na “Boyfriend”.

Ang tsimis na ito ay agad namang pinabulaanan ng Blossom Entertainment, ang talent agency ni Park Bo Gum at sinabing ito ay hindi totoo.

Habang ayon naman sa report ng Taiwan Apple Daily ay may namuong affair daw umano si Song Joong Ki sa make-up artist ng former wife nito na si Song Kye Kyo. Ito daw ang dahilan kung bakit ito ang unang nag-file ng divorce.

Nagsimula magkakilala at mag-date ang Song-Song couple ng parehong pagbidahan ang Korean drama series na Descendants of the Sun noong 2016. Dahilan para matuloy sa totoong buhay ang kanilang pag-iibigan at sinubaybayan hindi lamang ng mga Koreans kung hindi pati narin ng kanilang Pinoy fans.

 

Sources: The Star, Soompi

Photo: AllKPop

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner