Isang araw ito sa isang taon na may pagkakataon tayong magpasalamat sa babaeng nagbuwis ng buhay para sa atin, nag-aruga, nag-asikaso at sinisiguradong ligtas tayo sa araw araw—kahit anong edad pa tayo.
Nariyan pa rin ang bulaklak at tsokolate at alahas, pero paano nga ba magiging mas memorable kay nanay ang araw na ito?
Isang araw para sa Reyna ng Tahanan.
May mga packages ang mga hotel na kasama na ang kuwarto, pagkain, pati spa. Di ba’t sakto ito para kay Mommy, lalo na kung marami kayong magkakapatid na maghahati-hati sa regalong ito.
- DUSIT THANI MANILA. Ang Mother’s Day special ng Dusit Thani Manila ay ang My Fair Lady room package mula P6,000++. Kasama dito ang complimentary buffet breakfast sa Pantry para sa 2 tao, complimentary upgrade para sa mas malaking kuwarto, at welcome amenity para sa mga nanay, 90-minute Devarana Spa treatment voucher na nagkakahalagang P1000, at isang raffle ticket sa Mother’s Day draw ng hotel.
Sa Benjarong Restaurant, ang Thai chef na si Watcharapon Yongbanthom ay gagawin ang paboritong heirloom recipe ng nanay niyang si Kai Pa Lo, at ihahanda mula May 11 hanggang 13, 2018, sa halagang P2,500 nett.
1223 Epifanio de los Santos Ave, Makati, 1223 Metro Manila, Philippines
Phone: +63 2 238 8888 - MANILA DIAMOND HOTEL Mayron silang Wonder Mom room package, na kasama ang buffet breakfast para sa 2 tao, sa Corniche (tanghalian o hapunan), complimentary food at beverage voucher sa Bar27, at iba pang regalo mula P8,500 nett. Pumunta sa website ng Diamond Hotel gamit ang promo code WOMOM.
Roxas Boulevard, Corner Dr. J., Quintos St, Malate, Manila, 1000 Metro Manila, Philippines
Phone: +63 2 528 3000
Tanghalian o hapunan sa isang masarap na eat-all-you-can buffet.
Siya palagi ang nagluluto para sa atin—ngayong araw na ito, pagpahingahin siya at dalhin sa mas malaking hapag-kainan na hindi siya ang magluluto. Marami nang buffet ngayon na may handang masasarap at kakaibang mga putahe. Narito ang ilan sa mga buffet places na pasok sa budget, lalo kung marami kayong kapamilya.
-
BITE (Buffet in Time Espalanade)
Kakaiba ang sistema sa BITE. Ito ay isang time-based payment system kung saan ang bayad ay depende sa oras na mananatili at kakain kayo sa restawran. Mayron silang eat-all-you-can ng Asian at Western dishes.
Para sa:
30 minutes ng buffet time, buong araw – ₱168
Mga susunod na minuto, buong araw – ₱25 kada 10 minuto
Unlimited time, buong araw – ₱368
Second Floor, J.T Centrale, 1686 Fuguso Corner Huertas Street, Santa Cruz, Manila
Contact Number: 0950 500 0888
Opening hours : 11:00AM – 2:00PM, 6:00AM- 10:00PM
-
SODAM
Kung gusto ni nanay ng authentic Korean buffet, kilala ang Sodam sa kanilang all-you-can-eat grilled meat dishes at home-cooked cuisine.
Monday hanggang Friday – Lunch at Dinner ₱319
Weekends at Holidays – Lunch at Dinner ₱349
17 J. Abad Santos Drive, Little Baguio, San Juan City
Contact Number: 0905 393 4190
Opening hours: 11:30AM to 2:30PM; 6:00PM to 10:00PM
-
Chef Laudico Guevarra’s
Dadalhin kayo sa tong 1920 sa heritage house na ito ng Guevarra’s by Chef Laudico. Napakasarap ng kanilang mga Pinoy specials tulad ng Angus Tapa, Bagnet, Kare-Kare, Lechon, at marami pang iba. Kumpletos rekados—may appetizers, soups, at panghimagas, na siguradong magugustuhan ni nanay.
Monday – Sunday Lunch ₱399
Monday – Sunday Dinner ₱499
387 P. Guevarra St. cor. Argonne St., Addition Hills, San Juan City
Contact Number: 2 705 1811
Opening hours: 11:00AM – 2:00PM; 2:00PM – 12:00AM
-
Shaburi Restaurant
Kung Japanese food naman ang hanap, iparanas kay nanay ang shabu-shabu experience. May handa silang Japanese hotpot na may unlimited premium meats at seafood, kasama ang mamahalin at masarap na wagyu beef. May 5 sabaw na pagpipilian: Original Konbu, Sukiyaki, Soy Milk Miso, Chicken Collagen Paitan, at Hot Miso.
Weekdays, Lunch at Dinner: Adult – ₱499, Child – ₱325
Weekends at Holidays, Lunch at Dinner: Adult – ₱599, Child – ₱405
Level 4, Uptown Mall, 36th Street Corner 9th Avenue, Fort Bonifacio, Taguig
Contact Number: 02 805 2932
Opening hours: 10:00AM-10:00PM
-
Mudpie Heaven
Hindi ito buffet place, pero kilala ang Mudpie Heaven sa kanilang napakasarap na pagkain at panghimagas. Ngayong Linggo, May 13, 2018, may libreng dessert sa bawat meal na oorderin.
Riverfront Dr, Makati, Metro Manila
-
The Dessert Museum
Kung mahilig sa sweets at desserts, dalhin siya sa The Dessert Museum dahil libre ang mga mommies sa Mother’s day! Kailangan lang mayrong isang paying guest sa bawtat nanay na libre. Ang The Dessert Museum ay isang 12,000-sq. ft. space na may 8 kuwarto ng panghimagas.
G/F, S Maison Mall, Conrad Hotel Manila, Mall of Asia Complex, Pasay City
Store Hours: 10:00 AM – 10:00 PM (Last tickets sold by 8:00 PM)
Mobile: +63 917 506 2670
Pagpahingahin si nanay at bigyan ng Spa experience.
Para sa pagod niya sa buong taon, bigyan naman siya ng “break” at iparanas sa kaniya ang magic ng spa. May mga mani-pedi, masahe, o kaya ay gupit at bagong hairstyle, pati sauna at facial. Kung puro babae kayo, pwedeng maging Spa day para sa inyong lahat ito.
- Sa REJUVA AESTHETICS LASER CENTER, may facial mas, diamond peel at photo dynamic therapy na P1000 lang, imbis na P1600, para sa mga nanay sa buong buwan ng Mayo 2018.
38 Timog Avenue, Quezon City, 1200 Metro Manila, Philippines
- Sa I’M HOTEL, mayron silang Superwoman Treat sa halagang P2,488 nett, kasama na ang Aromassage, foot spa, eye care o hot oil treatment, free-flowing wllness tea, wellness suite (steam, sauna, at onsen), at gamit ng Spa Executive Suite sa loob ng 3 oras, at dinner buffet! (Hanggang May 31, 2018).
I’M Hotel Makati Ave. cor. Kalayaan Ave., Makati City. +632 7557 877 • spareservations@imhotel.com.
Mag-shopping!
Para naman sa mahilig mamili, ito ang perfect gift. Gawing exciting—dalhin siya sa mga paborito niyang shops o mall, at bigyan siya ng vouchers, o di kaya’y papiliin siya ng gusto niya at bayaran ito sa counter. May mga tindahang may binibigay na discount para sa espesyal na araw lang na ito. Hindi kailangang mamahaling mall o tindahan; malay mo, espesyal na sa kaniya kung sa Divisoria o Quiapo siya dalhin, dahil ito ang paborito niya. Tanungin siya, o alamin kung saan ang paborito niya, at dito siya dalhin.
Manood ng sine.
Marami ding palabas ngayong Mother’s Day na kagigiliwan ng mga nanay, kung sila ang tipo na mahilig manood ng sine. Papiliin siya kung ano ang gusto niya at sama-samang manuod nito.
Dalhin siya sa isang weekend getaway, o balikang trip papunta sa beach.
May mga malapit na beach na pwedeng puntahan. Agahan lang para makaiwas sa matinding traffic. Kung si nanay ay mahilig sa tabing-dagat, kahit na makasimoy lang ng sariwang hangin, o malayo sa magulong siyudad, makaka-relax na ito para sa kaniya. Magdala ng libro, musika, pagkain, mga malalaro ng buong pamilya—o kahit magkwentuhan lang. Siguradong ikatutuwa na ni nanay na panoorin ang mga apo na naliligo o nagtatampisaw sa dagat.
Sa Club Balai Isabel, sa Tanauan, Batangas, maraming mga special Mother’s Day offer ngayong Mayo 11- 13, 2018. May family lunch, masahe, at access sa pinakamataas na inflatable aqua park sa gitna ng Taal Lake. Mayron ding espesyal na harana para sa mga nanay sa May 12, 2018 mula 7 pm hanggang 9 pm sa Terraza Restaurant.
Para sa mga aktibong nanay, dalhin siya sa yoga, zumba, aoerobics, o gym para mag-ehersisyo.
Marami nang mga gym at workout places para sa mga health buffs at active moms. Nariyan ang Gold’s Gym, Fitness First, at PlanaForma na nagtuturo ng iba’t ibang makabagong technique kasabay ng sayaw, pilates at yoga.
Sa PlanaForma, mayrong 2 for 1 Newcomer’s Special kasama ang Zumba at Piloxing, sa halagang P650 lamang. Mayron ding Drop in sa halagang P650 kada tao, at Newcomer’s Monthly Special na P3,500 kada tao. Tumawag o magsadya sa kanilang gym para malaman ang kanilang mga offers.
17th Floor Frabelle Building Rada St. Legazpi Village (Wildflour and Nikkei at the Ground Floor) Makati • +63 917 658 4640
3F Il Terrazzo, Tomato Morato cor ScoutMadrian Quezon City, 09565826458
Maghanda sa bahay.
Hindi lahat tayo ay may malaking budget. Kung limitado ang budget, o simple lang na salu-salo ang gusto ni nanay, gawing espesyal pa rin sa paghahanda ng mga paborito niyang pagkain sa bahay. Basta’t magkakasama, sapat na ang manuod ng TV kasama siya, at makipagkwentuhan maghapon, habang humihigop ng sopa, umiinom ng kape at kumakain ng ensaymada. Pagsilbihan si nanay, at hingin ang tulong ng mga apo, sa pagtuturing kay Lola na parang reyna.
READ: Last minute gift guide for Mother’s Day 2018!