X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

2-anyos na may "trangkaso" namatay habang natutulog

4 min read
2-anyos na may "trangkaso" namatay habang natutulog

Ayon sa Southlake Regional Health Centre, si Sophia Farah ay mayroong 'trangkaso' ngunit agad ring binawian ng buhay habang natutulog.

Binawian ng buhay si Sophia Farah habang natutulog, ayon sa Southlake Regional Health Centre kung saan siya ipinatingin, siya ay mayroong trangkaso.

2-years old na may “trangkaso” namatay habang natutulog

Labis pa rin ang kalungkutan ni Arzo Wahab nang mamatay nang hindi inaasahan ang kaniyang 2 years old na anak habang natutulog, siyam na buwan na ang nakakaraan.

Ayon kay Wahab, mga bandang pasko nang sila ay magkaroon ng lagnat ng kaniyang anak na si Sophia. Agad naman siyang gumaling ngunit ang kaniyang anak ay hindi. Habang ito ay may trangkaso, nanghihina na rin ito samahan pa ng ppagsusuka at pagiiba ng kulay ng mata.

southlake regional health centre sophia farah

Southlake Regional Health Centre Sophia Farah | Image from CTV News

Nang patuloy na tumataas ang lagnat ni Sophia Farah, agad nila itong dinala sa The Hospital for Sick Children sa Toronto. Halos 13 hours din ang ginawa nilang paghihintay.

Kinabukasan, nagtungo sila sa isang walk-in clinic at ipinatingin ang anak. Ayon sa clinic, kailangan ni Sophia ng agarang paggamot. Kaya naman isinugod sa Southlake Regional Health Centre ang bata.

Ayon sa ina ni Sophia, dito na niya naramdamang may mali sa anak niya. Dahil halos sampung araw na ang lagnat ng bata, pinakiusapan ni Wahab kung maaari bang bigyan ang anak niya ng antibiotic o tignan man lang ang dugo nito.

“We saw the resident doctor and we told her everything, we said she is puking green, which is a sign of infection.”

Advertisement

Pumayag ang doktor ngunit agad itong binawi at sinabing okay lang ang anak niya at nadagdagan lang ang viral infection nito.

“They just keep telling me she has the flu. We asked her so many times to do tests but we kept getting brushed off. I told the doctor that her eyes don’t look the same – this is my kid, I knew she wasn’t well.”

Kilala ni Wahab ang kaniyang anak at alam niya kung may mali ba rito. Ayon sa kaniya, pilit niyang pinapakiusapan na gamutin o tignan ang kaniyang anak ngunit sinasabi lang nila na si Sophia ay may lagnat lamang. “The doctor was claiming it was a viral infection without actually checking anything. No blood work, no tests done. It was from just visually seeing her.”

southlake regional health centre sophia farah

Southlake Regional Health Centre Sophia Farah | Image from CTV News

Ayon sa CTV News Toronto, ipinakita ng Southlake Regional Health Centre ang mga medical document ng bata. Dito makikita na noong January 3, ang heart rate ng bata ay sobrang taas at umabot ng 164. Habang ang lagnat nito ay 38.4 degrees na samahan pa ng sobrang panghihina.

Gastroenteritis, ito ang findings ng ospital sa batang babae. Napag-alaman na na-discharged si Sophia dalawang oras lang bago ito dalhin sa ospital. Abiso ng unang ospital, kailangan lang niyang maging hydrated habang umiinom ng Tylenol sa umaga at gabi.

Pinapabalik ng ospital sina Wahab at Sophia kung hindi pa rin bumubuti ang kalagayan nito sa loob ng apat na araw. Ngunit tatlong araw pa lang ang nakakalipas, agad itong binawian ng buhay habang natutulog.

Naririnig nila sa gabi ang anak niya na tila nabibilakuan kaya naman agad na humingi sila ng tulong.

“My husband woke up and called the police. Officers did CPR on her and took her to the hospital but they couldn’t find a heartbeat.”

Wala pang nailalabas na final result sa nangyari sa batang babae. Ngunit ayon sa coroner, si Sophia ay namatay dahil sa Strep A na hindi naglaon ay naging septic. Isa itong bile infection at pneumonia.

southlake regional health centre sophia farah

Southlake Regional Health Centre Sophia Farah | Image from CTV News

Wala pang inilalabas na final investigation sa pagkamatay ni Sophia.

Nakiramay naman ang College of Physicians and Surgeons of Ontario (CPSO) sa pagkamatay ng bata. Ayon rin sa kanila, walang nasuspinde na physician na kasama sa kaso ni Sophia habang pending ang imbestigasyon.

Malaki ang pagkadismaya ni Arzo Wahab sa ospital kung saan dinala niya ang kaniyang anak. Ayon sa kaniya, “I am just so angry with the health-care system. We kept being told by the doctors she was fine and we believed them.”

Nagpaplano na ang pamilya ni Sophia Farah sa gagawing aksyon laban sa Southlake Regional Health Centre.

 

Source:

CTV News

BASAHIN:

COVID-19 virus, kumakapit sa balat hanggang 9 na oras kapag nagkaroon ng contact dito

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • 2-anyos na may "trangkaso" namatay habang natutulog
Share:
  • OPEN LETTER: Babae ka, hindi ka mahina – Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa iyo

    OPEN LETTER: Babae ka, hindi ka mahina – Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa iyo

  • Open letter para sa mga magulang na may anak na may cancer: Laban lang!

    Open letter para sa mga magulang na may anak na may cancer: Laban lang!

  • 6-anyos na bata nasa kritikal na kondisyon matapos bugbugin ng nanay ng kaniyang kalaro

    6-anyos na bata nasa kritikal na kondisyon matapos bugbugin ng nanay ng kaniyang kalaro

  • OPEN LETTER: Babae ka, hindi ka mahina – Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa iyo

    OPEN LETTER: Babae ka, hindi ka mahina – Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa iyo

  • Open letter para sa mga magulang na may anak na may cancer: Laban lang!

    Open letter para sa mga magulang na may anak na may cancer: Laban lang!

  • 6-anyos na bata nasa kritikal na kondisyon matapos bugbugin ng nanay ng kaniyang kalaro

    6-anyos na bata nasa kritikal na kondisyon matapos bugbugin ng nanay ng kaniyang kalaro

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko