Na-encounter mo na ba ang music app na Spotipay at napatanong ka na rin ba kung legit or not ito? Kailangan mong basahin ang balitang ito, mommy o daddy! Dahil ang Spotipay, scam pala!
Spotipay scam nabiktima mga mangingisda, kamag-anak ng OFW sa Bataan!
Hindi inaasahan ng mga residente ng Bataan ang umano’y panloloko na ginawa sa kanila ng nagpakilalang CEO ng Spotipay.
Sumugod sa National Bureau of Investigation, Bataan District Office ang ilang kalalakihan upang ireklamo umano ang lalaking nambudol sa kanila sa pamamagitan ng app na Spotipay.
Ano ba ang Spotipay net?
Ang Spotipay net ay isang music app. Ayon sa mga biktima, kailangan mo raw na magbayad ng subscription plan kada buwan para magkaroon ng access sa app. Ang nakahuhumaling sa app na ito, hindi ang pakikinig ng musika kundi ang posibilidad na kumita nang malaki at mabilis.
Pwede ka raw kasing kumita ng pera kung makikinig ka ng mga kanta sa Spotipay araw-araw. Umaabot daw ng 35 hanggang 250% ang pangakong balik ng perang ibinayad sa subscription.
Ayon sa isa sa mga biktima sa interview ng News 5, “Nag-start po kasi kami sa P1,500 na subscription. Ngayon after 7 days po ‘yun nagiging P2,025. Once na natapos mo ‘yong task mo, may amount na papasok. Yung 5,000 namin sa plan, 30 days po ‘yun magiging P21,000.”
Naranasan naman umano nila na kumita rito noong umpisa. Nakapag-withdraw umano sila ng pera at dahil nga sa bilis at laki ng kita, marami ang ginustong mag-subscribe sa nasabing app. Hanggang umabot na sa mahigit 250 residente ang na-engganyo.
Karamihan umano sa mga biktima ay mangingisda, empleyado at kamag-anak ng mga OFW.
Scam alert! Mga biktima lalong nabaon sa hirap!
Laking panlulumo ng mga biktima sa sinapit nila.
Saad ng isa pang biktima, “Sa ngayon, lahat ng mga tao rito nagbenta ng kung anu-ano maibigay lang ‘yung sinasabi nila, pero walang nangyari. Lalo kaming nadiin sa hirap at kaming lahat ay may utang pa ngayon.”
Ang tinuturong salarin ng mga residente ng Bataan ay ang lalaking nagngangalang Fritz Sandiang-Abay na nagpakilala bilang CEO ng Spotipay. Bukod dito ay marami pa itong kasabwat.
Madalas daw na nakikipag-meeting ito sa mga subscriber at pumunta pa nang personal sa Bataan kasama ang mga kasabwat nito. Kaya naman madali nitong napaniwala ang mga residente. Kaya lamang, nitong nakaraang buwan ay bigla na lang itong naglaho at hindi na nila ma-contact.
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso at tinutugis ang nagpakilalang CEO.
Spotipay legit or not? Babala ng SEC hindi ito rehistrado
Samantala, matatandaang noong nakaraang buwan ay naglabas ng abiso ang Security and Exchange Commission hinggil sa issue kung legit ba ang Spotipay.
Ayon sa SEC, hindi rehistrado sa kanila ang naturang kompanya kaya HUWAG mag-invest dito!
“Based on information received by the Commission, an individual claiming to represent SPOTIPAY with DTI Certificate of Business Name Registration SPOTIPAY ONLINE STREAMING SERVICES allegedly issued in favor of one FRITZ MANGALINDAN SANDIANG-ABAY, is enticing the public to invest their money in said entity.”
Based on the Commission’s database, SPOTIPAY/SPOTIPAY ONLINE STREAMING SERVICES, is NOT REGISTERED as a corporation or partnership and OPERATES WITHOUT THE NECESSARY LICENSE AND/OR AUTHORITY to solicit, accept or take investments/placements from the public nor to issue investment contracts and other forms of securities defined under Section 3 of the Securities Regulation Code (SRC).
Hence, the public is advised NOT TO INVEST or STOP INVESTING in any investment scheme being offered by any individual or group of persons allegedly for or on behalf of and to exercise caution in dealing with any individuals or group of persons soliciting investments for and on behalf of it.”