Request ba ng mga kids na bisitahin ang rides sa Star City during the weekends? Bumuo kami ng listahan ng mga dapat niyong malaman bago puntahan ang sikat na theme park.
10 things you need to know before visiting Star City ngayong 2023
During weekends or holidays, of course parating request ng kids ang mamasyal. Kadalasang gusto ng marami sa kanila ay ang amusement park. Kung sa Metro Manila ka nakatira, hindi ka na lalayo pa dahil nandyan ang Star City!
If you are planning to visit Star City during the weekends this year 2023, narito ang mga dapat mong malaman:
Star City rides: Park schedules
Hindi pa everyday na nag-ooperate ang Star City. Makakapunta pa rin naman ang pamilya during the weekends dahil bukas ang park twuing Thursday, Friday, Saturday, at Sunday.
Simula noong January 16, 2023 ang park schedule ng Star City ay 2pm hanggang 10 pm tuwing Huwebes at Biyernes. Bukas naman ito ng Sabado at Linggo mula ala-una ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi. Maaari ding bisitahin ang kanilang Facebook page para sa iba pang detalye.
Paano pumunta sa Star City?
Ang Star City ay matatagpuan sa Cultural Center of the Philippines complex sa Pasay City. Kung sasakay ng public transportation tulad ng LRT maaaring bumaba sa Vito Cruz Station. Kung MRT naman, bumaba sa Pasay Station at mag-transfer sa kabilang LRT.
Makakapunta ka sa park nang 15 minutes lamang kung mula sa Makati City. 5 minutes mula sa Manila City, 15 minutes (via Espana) at 3o minutes (via EDSA) kung magmumula ka naman ng Quezon City. Kung may sarili namang sasakyan narito ang ilang routes na maaaring i-take:
- Para sa Northbound via Diosdado Macapagal Blvd. – Dumiretso sa Jalandoni St. Kumanan sa Vicente Sotto St. CCP Complex
- Para sa Northbound via J.W Diokno Blvd. – Kumanan papunta sa Atang Dela Rama (Sofitel Hotel) at kumanan sa Vicente Sotto St. CCP Complex
- Para sa mga galing sa Makati Buendia Avenue – Kumanan sa Jalandoni St. at kumanan muli sa Vicente Sotto St. CCP Complex
- Para sa Southbound via Roxas Blvd. – Kumanan sa Vicente Sotto St. CCP Complex
Star City rides and attractions
Sa ngayon ay marami nang binuksan ang Star City na rides upang maging available sa public. Ilan sa mga rides na maaaring ma-enjoy ng mga kids ay:
- Grand Carousel – Isang malaking carousel ang mayroong sa park kung saan mai-enjoy ng bawat kids. Hinahayaang nilang magride mag-isa ang mga guest na 42 inches pataas habang ang mga mas maliliit pa ditong bata ay kailangan may gabay ng adult.
- Kiddie Bumper Cars – Let the kids enjoy riding these cars and bump with each other.
- Frosty Train – Sa ride naman na ito required na 34 inches to 42 inches ang height ng guest.
Marami pang mae-explore sa Star City kung bibisitahin sila.
Star city entrance fee 2023: How to buy tickets?
Tanong ng marami, “Paano kami makakapag-avail ng tickets para sa Star City?” Para sa mga tickets, maaring bisitahin ang kanilang website o magtungo sa gate ng Star City.
Star City entrance fee 2023
Mayroong 2 tickets na maaaring i-avail, una ang Star Pass sa halagang Php 699 kung saan maaaring ma-access ang park at all rides ngunit ang Snow World at lahat ng coin operated rides ay may separate fees. Samantalang ang Star Pass + Snow World naman ay mabibili sa halagang Php 889.00 kung saan naman lahat ng rides maging ang Snow World ay mapupuntahan.
Star city rides: Discounts
Para makapag-avail naman ng PWD at Senior Citizen discounts kinakailangang pumunta sa main entrance dahil hindi napa-proccess ng online system ito.
Teachers’ Month Promo
Mula September 7, 2023 hanggang October 1, 2023 makabibili ang mga guro ng Star Pass sa halagang P499 lamang. Tingnan ang mechanics sa poster sa ibaba:
Birthday free pass
Free entrance fee promo para sa mga magbibirthday ngayong buwan ng September. Kailangan mo lang magsama ng apat na paying companion. Ang bawat isang kasama mo ay magkakaroon din ng 10% discount sa kanilang entrance fee. Kailangan lamang magpakita ng birth certificate o ano mang valid ID na magpapakita ng iyong birthday. Maaari lamang itong i-avail kung sa gate ng Star City bibili ng ticket. Hindi ito pwede sa online ticketing.
Pwede bang magdala ng pagkain at inumin?
Kung nagbabalak na magbaon ng foods for the family ay huwag na dahil hindi pinapayagan ng Star City na magpasok nito. Mayroon namang mga stalls at kainan din sa loob ng park kaya no need to worry.