X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bakit nga ba importante ang STD testing ng mga buntis?

3 min read
Bakit nga ba importante ang STD testing ng mga buntis?

Ang pagkakaroon ng STD testing sa buntis ay makakatulong upang maagapan ang mga nakakahawa at nakamamatay na sakit sa mga sanggol.

Alam niyo ba na tumataas ang mga kaso ng newborn syphilis sa mundo? Ito ay dahil hindi agad nalalaman ng ibang mga ina na mayroon na pala silang ganitong uri ng sakit. At dahil isang uri ng STD ang syphilis, mahalaga ang STD testing sa buntis upang masiguradong ligtas ang mga bagong-panganak na bata.

STD testing sa buntis, gaano ka-importante?

Alam niyo ba na kahit hindi kayo nangaliwa sa inyong partner o asawa, ay posible pa ring magkaroon ng STD?

Posible itong mangyari kung kayo ay nakipagtalik sa mga dati ninyong karelasyon, at posibleng abutin ng taon bago kayo makakita ng mga sintomas. Kaya’t kung nagkaroon kayo ng sex partner bukod sa inyong asawa, kahit matagal na, importante pa rin ang STD testing sa buntis.

STD testing sa buntis

Mahalaga ang iba’t-ibang pagsusuri habang buntis upang masiguradong malusog ang iyong sanggol. Kasama na dito ang STD testing.

Lubhang mapanganib sa mga sanggol ang pagkakaroon ng newborn syphilis. Ito ay posibleng magdulot ng mga sumusunod na epekto sa mga bagong panganak na sanggol:

  • Hindi tamang hugis ng mga buto
  • Brain damage, o problema sa utak
  • Pagkabulag
  • Pagkabingi
  • Meningitis
  • Anemia

Naapektuhan ng syphilis ang bawat bahagi ng katawan ng isang tao. Kaya’t ganun na lang ang epekto nito sa mga sanggol na hindi pa malakas ang immune system.

Ang nakakatakot pa ay posibleng hindi agad lumabas ang sintomas ng syphilis sa isang sanggol. Posibleng abutin ito ng ilang linggo, o kaya ilang taon bago pa lumabas.

Mahalaga na maaga pa lang ay malaman na ng mga doktor kung nasa panganib na magkaroon ng syphilis ang bata. Ito ay upang magawan agad ito ng paraan at magamot habang maaga.

Paano makakaiwas sa newborn syphilis?

Hindi madaling pag-usapan ang tungkol sa mga nakaraang mga sexual partners, lalo na sa iyong asawa.

Ngunit mahalagang maging open kayo sa isa’t-isa at tanggapin kung ano man ang inyong nakaraan. Kung mayroon kayong mga agam-agam tungkol sa STD, ay mabuting magpa-test sa mga clinic habang maaga.

Ito ay lubos na makakatulong upang maiwasang kumalat ang STD hindi lang sa iyong asawa, ngunit pati na rin sa inyong magiging anak.

Hindi dapat ito ikatakot o ikahiya, dahil ito naman ay para sa kalusugan at kaligtasan ng iyong pamilya.

Para naman sa mga asawa, huwag ninyong awayin o ikahiya ang inyong mga partner kung sakaling magsabi sila na gusto nilang magpa-test sa STD. Importante ang pagiging supportive at maunawain sa mga ganitong usapin.

Ang tunay na pagmamahal at hindi mapanghusga, at kung ano man ang nakaraan ng iyong asawa, handa ka dapat na tanggapin ito dahil siya ang gusto mong makasama habangbuhay.

Source: Healthline

Basahin: STDs in marriage: Is it always a sign of infidelity?

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Bakit nga ba importante ang STD testing ng mga buntis?
Share:
  • 11 sintomas na maaaring may STD (sexually transmitted disease)

    11 sintomas na maaaring may STD (sexually transmitted disease)

  • Mycoplasma genitalium is a nasty new sex disease making women infertile

    Mycoplasma genitalium is a nasty new sex disease making women infertile

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • 11 sintomas na maaaring may STD (sexually transmitted disease)

    11 sintomas na maaaring may STD (sexually transmitted disease)

  • Mycoplasma genitalium is a nasty new sex disease making women infertile

    Mycoplasma genitalium is a nasty new sex disease making women infertile

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.