Anu-ano ang mga benepisyo ng cord blood banking?

Worth it nga bang gumastos para sa cord blood banking process? Narito ang benepisyo ng proseso para sa iyong pamilya.

Stem Cord vs Cord Life: Ano ang stem cord blood banking at ano ang mga benepisyong makukuha kung isasagawa ito.

Ano ang stem cord blood banking?

Ang stem cord blood banking ay ang proseso na tumutukoy sa pagba-bank o pag-store ng cord blood o dugo mula sa pusod ng isang bagong panganak na sanggol.

Stem Cord vs Cord Life

Image from Freepik

Sa pamamagitan ng isang sterile noodle ay kinukuha mula sa umbilical vessels ang cord blood saka ito ilalagay sa storage bag. Ito ay maayos na ipapack at itatabi sa cord blood bank upang mai-store ng pangmatagalan.

Benepisyo ng cord blood banking

Makakatulong ito na malunasan ang maraming uri ng sakit

Paliwanag ng mga eksperto, ang umbilical cord ng mga sanggol ay nagtataglay ng high concentration ng stem cells na ginagamit sa ngayon na panglunas sa maraming sakit. Ito ay aprubado ng FDA bilang isang treatment sa halos 80 na sakit. Tulad ng lymphoma, leukemia, anemia, inherited metabolic disorders, solid tumors at orthopedic repair. Pinag-aaralan rin sa ngayon ang posibilidad na malunasan nito ang mga sakit tulad ng autism, cerebral palsy at Alzheimer’s disease.

Stem Cord vs Cord Life

Image from New Scientist

Maari itong magamit ng iyong anak at mas mataas ang chance na mag-match ito sa sinumang miyembro ng inyong pamilya

Hindi tulad ng bone marrow at iba pang transplant procedures, mas madaling mag-match ang mga cord blood sa mga pasyente.

Ayon sa mga research, may 25% chance na maging perfect match ang cord blood ng magkapatid. May 50% chance naman na sila ay maging partial match, habang may 100% chance naman na mag-partial match ang cord blood ng isang mag-ina o mag-ama. Kahit na mga tiyo, tiya, lolo, lola pati mga extended family members ay may malaking probability na mag-match at maka-benepisyo sa banked cord blood.

Base parin sa pag-aaral ay mas mababa ang tiyansa ng isang pasyente ng makaranas ng komplikasyon kung makakatanggap ng stem cells mula sa isang kamag-anak o kapamilya.

Pinapababa nito ang risk ng graft vs host disease o GvHD sa allogeneic transplants.

Maliban sa mataas ang tiyansa ng mag-match ang banked cord blood ng isang magkapamilya, pinapababa rin nito ang risk na makaranas ng graft-versus-host disease o GvHD ang isang pasyente. Ito ang kondisyon na kung saan inaatake ng immune system ang katawan ng pasyente na madalas na problema sa post-transplant. Ito ay maaring maging isolated o hindi seryosong kaso, ngunit ito rin ay maaring maging acute, chronic o nakamamatay.

Stem Cord vs Cord Life

Image from Globe Predict

Painless at madaling gawin ang cord blood banking process

Hindi rin nagbabanta ng harm o panganib ang cord blood banking process sa isang mag-ina. Dahil sa ito ay kinukuha sa pusod ng bagong panganak na sanggol na painless at hindi makakasama sa kaniya.

Accessible ang sarili mong cord blood sa oras na ito ay kailanganin.

Sa oras na magkasakit ang iyong anak o isang miyembro ng pamilya ay mas madali itong makuha. Mas mura rin ang magagastos sa cord blood banking kumpara sa paghahanap ng stem cell na mag-mamatch sa inyong pasyente. Bagamat ang mismong proseso rin ay may kamahalan.

Dito sa Pilipinas ay wala pang public banks na gumagawa ng cord blood banking process ng libre. Tanging mga private banks lang ang mayroon sa bansa ngayon na nagsasagawa ng proseso at nag-istore ng cord blood para sa future use ng isang Pilipinong pamilya. Ito ay ang Stem Cord Philippines at Cord Life.

Stem Cord vs Cord Life

Stem Cord Philippines

Isa sa mga cord blood bank na mayroon sa bansa sa ngayon ay ang Stem Cord Philippines. Ito ay nag-ooperate sa Pilipinas magmula pa noong 2002. Ngunit ito rin ay kilala bilang experienced at established private cord blood at cord stem cell bank sa Singapore. Ito ay sumusunod sa internal standards na itinalaga ng FACT-NetCord kaya naman sinisiguro nito ang reliable na proseso at storage ng cord blood ng kanilang mga customers.

Sa ngayon ay mayroon na silang 42,000 na kliyente. Kabilang na ang mga celebrities na sina Judy Ann Santos, Lea Salonga, John Estrada at Tessa Prieto-Valdes. Bagamat hindi basta isinasapubliko ng kompanya ang halaga ng serbisyo nila.s

Cord Life Philippines

Nandyan rin ang Cord Life Philippines na nagsimulang mag-operate dito sa Pilipinas noong 2010. Ito ay DOH-registered, ISO-certified at AABB-accredited cord blood banking facility.

Pagdating sa presyo ang stem cord blood banking sa Cord Life ay umaabot ng P183,000 sa loob ng 18 years. Pumapatak ito ng P10,170 kada taon, P850 kada buwan o P28 kada araw.

Ilan naman sa kilalang Pinoy celebrities na kliyente ng Cordlife ay sina Camille Pratts, Jolina Magdangal, Neri Miranda, Bianca Manalo at Dimples Romana.

 

Source:

Cord Life, Stem Cord Philippines, John Hopkins Medicine

Basahin:

Ready ka na ba manganak? You need at least P108,000 according to study

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!