Miriam Quiambao, pinuri ang kanyang stepson bilang "Best Kuya" sa kanilang baby

Miriam Quiambao, pinuri ang kanyang stepson bilang "Best Kuya" sa kanilang baby

"Best kuya" ang stepson ni Miriam Quiambao na si Josh Roberto dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanilang newborn baby na si Elijah.

Isang nakatutuwang pasilip sa buhay ng first time mom na si 1999 Miss Universe 1st Runner up Miriam Quiambao-Roberto ang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang baby boy na si Elijah Roberto.

Ang kanyang stepson na si Joshua Roberto kasi ay nagpapakita na ng pagiging responsableng kuya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Praise God, Joshua has been taking well to his little brother. It seems gone were the days when he’s been feeling threatened with the baby’s impending arrival. Now he’s so tender hearted and just wants to be carrying Elijah every chance he gets. It’s so cute to see them together. ???? . The little one recognizes Joshua’s voice. Perhaps it’s because Josh has been talking to Elijah even while I was still pregnant. The baby calms down whenever he hears his big brother’s voice. . Elijah even gave him gifts when Kuya came to visit us at the hospital. One of them is this shirt that says “Best Kuya Ever.” I’m sure Kuya will live up to his new role. ????❤️ . John 13:34-35 “A new command I give you: Love one another. As I have loved you, so you must love one another. By this everyone will know that you are my disciples, if you love one another.” . #BrotherlyLove #LuckyMeInstantMommy #NewMomAt43

A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888) on

"Best kuya" ang Stepson ni Miriam Quiambao

Sa caption ni Miriam Quiambao, ibinahagi niya na bago pa dumating si baby Elijah ay hindi umano pabor si Joshua na magkaroon ng nakababatang kapatid. Ikinabahala nila ito ng kanyang asawang si Ardy Roberto.

Ngunit nawala ang kanilang pangamba nang makita ang pagbabago kay Josh mula ng ipinanganak si baby Elijah.

"It seems gone were the days when he’s been feeling threatened with the baby’s impending arrival." sabi ni Miriam.

"Now he's so tender-hearted and just wants to be carrying Elijah every chance he gets. It's so cute to see them together." dagdag pa niya.

stepson ni miriam quiambao

Kapansin-pansin din ang pagiging malapit ng loob ng stepson ni Miriam Quiambao kay baby Elijah dahil nagiging kalmado ang baby kapag naririnig ang boses ng kanyang kuya Joshua.

"The little one recognizes Joshua’s voice. Perhaps it’s because Josh has been talking to Elijah even while I was still pregnant. The baby calms down whenever he hears his big brother’s voice" ani Miriam.

Ipinost sa Instagram ang litrato ng stepson ni Miriam Quiambao habang karga ang kanyang kapatid. Makikitang nakasuot ng statement shirt ang bata, na regalo umano ni baby Elijah para sa kanyang kuya.

"Elijah even gave him gifts when Kuya came to visit us at the hospital. One of them is this shirt that says 'Best Kuya Ever'. I’m sure Kuya will live up to his new role." saad sa caption ni Miriam sa litrato.

Si Joshua ay anak ng kanyang asawang si Ardy Roberto sa previous relationship nito. Ikinasal si Miriam at Ardy noong March 2014 at unang anak nila si baby Elijah. Itinuturing na milagro ni Miriam ang kanyang pagdadalantao sa edad na 43.

Congratulations sa inyo, Miriam, Ardy at Kuya Joshua!

 

Source: ABS-CBN, Instagram

Images: Miriam Quiambao Instagram

BASAHIN: Miriam Quiambao on marriage and becoming an ‘instant mommy’

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner