Mababasa sa artikulong ito:
- Ang mahalagang bagay na dapat matutunan ng mga magulang sa still face experiment.
- Bakit mahalaga ang atensyon na ibinibigay mo kay baby?
- Mga paraan kung paano ka makikipag-bond kay baby.
Sa ngayon, karamihan sa atin ay hook na hook sa entertainment na ibinibigay ng makabagong teknolohiya. Sa kung paano nila mas pinapadali ang ating trabaho at pakikipag-connect sa iba lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.
Nariyan na nawiwili tayo ng kaka-chat sa social media o kaya naman sa pagbababad sa kakanood ng telenovela. Sa hindi mo nga namamalayan ay mas marami pa ang oras na inilalaan mo sa harap ng iyong gadget kaysa sa iyong anak.
Isang habit na ayon sa isang pag-aaral na pinamatang still face experiment ay may negatibong epekto sa iyong anak lalo na sa isang sanggol.
People photo created by freepik – www.freepik.com
Ano ang still face experiment?
Ang still face experiment ay isang pag-aaral na isinagawa ng American developmental psychologist na si Edward Tronick noong 1970’s. Ito ay ginawa upang maipakita kung paano nakakaapekto sa emotional development ng isang sanggol ang reaksyon at atensyon na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang magulang.
Paano ito isinagawa?
Ang pag-aaral ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-o-observe sa reaksyon ng isang baby sa dalawang magkaibang sitwasyon kasama ang kaniyang ina.
Sa unang sitwasyon ay makikitang very happy ang isang baby habang nilalaro at kinakausap ng kaniyang ina. Siya ay gumagawa ng mga sounds para makipag-communicate habang patuloy ang pag-ngiti at pagtawa.
Ang ina ng sanggol ay nilalaro rin siya, hinahawakan at kinakausap na para bang nagkakaintindihan sila. Matapos ang ilang minuto ay ihaharap patalikod ng ina ang kaniyang ulo at iiwas ng tingin sa kaniyang sanggol.
Makalipas ang ilang segundo ay muling haharap ang ina sa kaniyang sanggol. Subalit sa sitwasyong ito, siya naman ay naka-still face na. O walang reaksyon sa kahit anumang ginagawa at pagtawa ng kaniyang sanggol. Ito ay kaniyang ginawa sa loob ng dalawang minuto.
Reaksyon ng sanggol
Sa puntong ito ay makikita na ginagawa lahat ng sanggol ang kaya niyang gawin para mapansin ng ina at mabago ang reaskyon nito. Nariyan na magtuturo siya ng mga bagay sa kaniyang paligid.
O kaya naman ay igagalaw-galaw ang kaniyang kamay at katawan. Nang makitang walang pababago sa mukha ng kaniyang ina ay nagsimula ng mag-iiyak ang sanggol.
Matapos ang 2 minuto, bumalik sa normal ang mukha ng ina. Siya muli ay nakipaglaro at nakipag-usap sa kaniyang sanggol. Makikita na mula sa pag-iyak ay bigla ring nabago ang itsura ng sanggol. Ito muli ay tumatawa at lumiwanag na ang mukha.
Findings ng pag-aaral
Baby photo created by jcomp – www.freepik.com
BASAHIN:
Ang mga dapat mong malaman at asahan sa development ng iyong anak
4 na masamang epekto sa mata ng bata sa sobrang pagbababad sa gadget
May pag-aaral rin na isinagawa na ang ama naman ang iniharap sa sanggol sa ilalim ng dalawang nabanggit na sitwasyon. Tulad ng reaksyon ng sanggol sa tinuran ng ina ay ganoon din ang naging reaskyon na ipinakita ng sanggol kahit ang kaharap niya ay kaniyang ama.
Mula sa pag-aaral ay may nabuong konklusyon ang mga psychologists. Ito ay ang kahalagahan ng atensyon na ibinibigay ng magulang sa anak kahit na siya ay baby pa.
Para sa licensed marriage at family therapist na si Michelle Tangeman ang ginawang pag-aaral ay isang halimbawa ng madalas na nagaganap sa loob ng ating mga bahay sa ngayon sa araw-araw.
Ito ay ang mga oras na tayo ay may ginagawang gawaing-bahay na isinasawalang-bahala natin ang pagtawag ng ating anak. O kaya naman ay masyado tayong nakababad sa ating cellphone habang ang anak natin ay nasa ating harap at naghihintay ng ating atensyon.
Mula sa ginawang eksperimento ay makikita ang naging pagbabago sa reaksyon ng sanggol. Nang hindi na pansinin ng kaniyang ina siya ay nagmukhang confuse at distress na.
Ito umano ang nararamdaman ng ating mga anak sa oras na binabalewala natin sila. Paano kung ang parehong sitwasyon na ito ay nangyayari ng paulit-ulit sa araw-araw?
Ayon sa isang pag-aaral, ito ay may long-lasting effect sa kanila. Sila umano’y nahihirapang magtiwala at maka-relate sa iba. Ganoon din ang i-regulate ang feelings nila.
Payo ng mga eksperto
Kaya naman payo ni Tangeman mas maging present sa iyong anak. Kung may ginagawa ay makakatulong na i-acknowledge siya sa tuwing siya ay may sinasabi o tinatawag ka. Makakatulong ang pagsasabi ng mga salitang, “Naririnig kita”, “Nakikita kita” o kaya naman ay “Nandyan na ako.”
Paano makikipag-bonding sa iyong anak?
Woman photo created by senivpetro – www.freepik.com
Malaking bagay rin ang mauupo ka sa harap niya, tumingin sa kaniyang mga mata at makipag-usap sa kaniya. Huwag balewalain si baby. Makipag-bonding sa kaniya at bigyan siya ng iyong oras at atensyon.
Gawin ito sa pamamagitan ng regular ng paghawak o pag-cuddle sa kaniya. Masahiin ang kaniyang katawan. Pakikipagkuwentahan sa kaniya. Pagpasyal sa kaniya habang iyong karga. Pati na ang paghalik at pagyakap sa kaniya.
Ipagpatuloy ito habang siya ay lumalaki. Sabayan siyang kumain. Magbasa kayo ng libro, maglaro o kaya naman ay magkuwentuhan. Maaari ring mag-sayawan o mag-kantahan.
Sulitin ang oras na maliit pa ng iyong anak. Sapagkat sa oras na lumaki na siya ay marami ng pupukaw sa kaniyang atensyon. Ikaw naman ang mahihirapang kumuha ng atensyon niya.
Maging always present sa iyong anak. Tandaan na sa ngayon sa bata niyang edad ay ikaw ang mundo niya. Ang taong mahalaga sa bawat hakbang at development na nararanasan niya sa kaniyang paglaki.
Source: