Pagpasok ng isang babae sa kaniyang pregnancy journey, kadalasan nararamdaman ang stress sa pagbubuntis dahil parehong katawan at pag-iisip ang napapagod. Sa malapit na paglabas ng sanggol sa tiyan ng ina, hindi maiiwasan ang pressure at takot ng ating mga nanay dahil sa haharaping responsibilidad o malaking demand.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pag-aaral tungkol sa maaaring maging koneksyon ng stress sa pagbubuntis sa lumalaking sanggol sa tiyan
- Pagbibigay ng suporta sa mga nanay na nakararanas ng stress
Normal na ito kung tutuusin lalo na sa ibang nanay ngunit marami namang paraan para mawala ang stress mo. Mahalagang tandaan ang mga ito dahil sa pagbubuntis, marami ang mararanasang pagbabago sa katawan na nakakaapekto sa paglaki rin ni baby.
Isa sa mga bagong natuklasan na mga researcher ay kung paano nakakaapekto ang stress sa pagbubuntis sa development ng utak ni baby. Ang pag-aaral na ito mula eLife ay nagsasabing ang maternity stress ay may long-term effect sa kanilang anak.
STUDY: Stress sa pagbubuntis, maaaring may epekto sa brain development ni baby
Ang pag-aaral na ito ay pinangunahan ng University of Edinburgh. Bilang bahagi ng gagawing pag-aaral, nangolekta sila ng hair samples mula sa 78 na buntis na babae. Ito ay para masuri ang lebel ng kanilang cortisol sa nakalipas na tatlong buwan.
BASAHIN:
STUDY: Panonood madalas ng TV ng mga bata, stress ang dala sa mga nanay!
STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng baby boy ang mga nakaranas ng stressful pregnancy
Work from set-up maaaring maging sanhi ng mas matinding stress, ayon sa mga eksperto
Ang cortisol ay may koneksyon sa response ng katawan sa stress ng tao. Kung mataas ito, mataas din ang nararanasan ng indibidwal.
Sa katunayan, ito ang unang pagkakataon kung saan ginamit ng mga researcher ang lebel ng hormone cortisol ng mga nanay para malaman ang koneksyon sa development ni baby. Malaki rin ang ginagampanang tungkulin nito sa paglaki ng sanggol.
Gumamit ng Magnetic Resonance Imaging o MRI ang mga researcher para masuri ang utak ng mga baby. Isa itong non-invasive scan habang sila ay tulog.
Napagalaman nila na kung mataas ang lebel ng cortisol sa buhok ng nanay, maaaring din itong makapagdulot ng “structural changes” sa amygdala ng sanggol. Isa itong parte ng utak kung saan responsable sa emosyon at social development.
Maaaring isa itong rason kung bakit ang mga nanay na nakararanas ng matinding stress sa pagbubuntis ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng anak na may emotional issue sa paglaki. Subalit paglilinaw nila, ang pag-aaral na ito’y hindi isinama ang analysis ng emosyon ng mga bata.
Pagbibigay ng suporta sa mga nanay na nakararanas ng stress
Ayon sa mga eksperto, ang mga nanay na may matinding stress o nakararanas ng mental health problems bago o pagkatapos man ito ng pagbubuntis ay kinakailangang humingi ng propesyonal na tulong. Importante rin ang suportang ibinibigay ng mga taong importante sa kaniya.
Bukod dito, bigyang importansya pa ang parehong mental at physical health ng mga buntis. Nakatutulong ito sa kanila pati na rin sa lumalaking sanggol sa kanilang tiyan.
Dagdag pa ng pag-aaral ang pagbibigay ng awareness para sa mga buntis na nakararanas ng matinding stress.
Ayon kay Sarah Brown, Chair ng Theirwthorld, “Thankfully, psychological treatments are very successful at helping mothers and children. And we hope that our findings could guide therapies in future to help spot those who might be most in need of support.”
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.