STUDY: Kaugnayan ng paglalaro ng jigsaw puzzle ng bata sa kanyang pag-drawing at painting

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pag-aaral, may certain age ang mga bata na magsimulang maglaro ng jigsaw puzzle. At isa ito sa mga unang hakbang nila sa pagkilala sa mga imahe hanggang sa pagsisimulang magpinta at mag-drawing.

 

Ang ating mga anak, lalo na kung nagsisimula pa lamang sila sa kanilang stage of development at iba’t ibang milestones, ay mahilig maglaro. Hindi hiwalay sa paglalaro na ito ang paghawak ng mga tao na nakakatulong sa kanilang recognition ng mga kulay, hugis, at texture.

Imahe mula sa | Image by Freepik

Sa kanilang sinusubukang paglaruan, kabilang ang jigsaw puzzle. May certain age lamang kung kailan nakakabuo ng mga simpleng puzzle ang ating mga anak mula 4 na taon pataas. Ang mga jugsaw puzzles ay mga larawan na kailangang nakikilala para mabuo nila ito nang maayos.

Ano kaya ang kaugnayan ng jigsaw puzzle sa pagsisimula nilang bumuo ng sariling larawan sa pamamagitan ng pag-drawing at painting?

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paglalaro ng jigsaw puzzle ng ating mga anak

Ayon sa pag-aaral ng Child Development journal, ang mga batang nasa edad na 3 years old ay gumagamit ng trial-and-error. Ang trial-and-error na ito ay minsan successful at hindi sa pagbuo ng jigsaw. Ngunit, pagtuntong nila ng edad na 4 years old, gumagamit na sila ng mga information sa pagbuo ng puzzle. Dito mas nagiging successful ang pagtapos na mabuo ang jigsaw puzzle.

Imahe mula sa | Image By vecstock

Kongklusyon ng research team, ang pagsubok na ito na magbuo ng jigsaw puzzle ay foundation ng kanilang talent sa art. Kasama na rito ang pagpinta at pagdodrawing.

Jigsaw puzzle at pagbuo ng picture

Sa pag-aaral ni Dr. Doherty, wala pang nailalathalang research sa paglalaro ng jigsaw puzzle ng mga bata. Kakatuwa ang pagtalakay niya sa natuklasan sa recognition ng mga bata sa larawan kaugnay sa jigsaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil ang pagkakaintindi ng mga bata sa mga larawan ay mga representations, hindi hiwalay na usapin ang jigsaw dito. Kung nalalaman daw ng mga bata kung paano naiintindihan ang mga imahe, posibleng madali para sa kanila ang jigsaw.

Simula ng pag drawing gamit ang jigsaw puzzle

Imahe mula sa | Image By vecstock

Dagdag pa ni Dr. Doherty, ito ang kauna-unahang pag-aaral sa paglalaro ng mga bata ng puzzle. At ginagamit nila ang kanilang pagkaunawa ng mga larawan para mabuo ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dugtong pa ng kanilang pananaliksik, nakita din nila kung aling stage of development nagsisimulang makilala ng mga bata ang nature ng mga larawan. At mula rin dito, napatunayan nilang nagsisilbing foundation at simula ng pag drawing at painting ang paglalaro ng puzzle na ito.

 

Tandaan

Hayaang mag-explore ang ating mga anak sa mga bagay na interesado sila. Kasabay nito, gabayan din sila upang mas maintidihan nila ang mga bagong bagay na kanilang natutuklasan. Ito ay posibleng patungo sa kanilang kasanayan at mga talento.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Isinulat ni Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Nathanielle Torre