X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

STUDY: Mas masaya ang misis, mas mahaba ang buhay ni mister

4 min read

Karamihan sa atin ay narinig na siguro ang kasabihang, "happy wife = happy life." Siguro ay iniisip ninyong kasabihan lang ito, ngunit base sa isang pag-aaral, mukhang may katotohanan nga ang kasabihang ito.

Pampahaba raw ng buhay ang pagkakaroon ng "happy wife"

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Rutgers University, natagpuan na ang iyong husband's life satisfaction ay mas humahaba kapag inilalarawan ng kanilang asawa na ang kanilang kasal o pagsasamang mag-asawa ay masaya diumano.

Pero ating tingnan ang kasabihan na ito sa ibang anggulo at ating itanong ang mas nakakaintrigang tanong: Pagnagkaroon ba ng masayang asawa (well regardless kung ano ang kasarian nito) ay hindi lang humahantong sa masayang buhay kundi mas mahabang buhay? Ayan ang katanungan sasagutin sa pagsasalik ng mga Netherlands researchers.

Sa pag-aaral na ito, ang social psychologist na si Olga Stavrova ay ineksamin ang isang national representative sample na sumasaklaw ng over 4,000 na mag-asawa na may edad 50 pataas. Ang mag-aasawang ito ay sinubaybayan ng walong taon at sinukat sa psychological at physical variables. Ang nakakalungkot lang hindi lahat ng mga mas may edad na kasali ay umabot hanggang walong taon, kung kaya't ang mga namatay o namatayan ang isinama sa pag-aaral.

Ang pinakapansin-pansin na resulta sa pag-aaral ay ang life satisfaction ng iyong asawa ay kaakibat diumano ang kabawasan sa pagkamatay ng maaga.

Sa madaling salita, ang mga mister na may masayang mga misis di-umano ay mas mahaba ang buhay kumpara sa mga mister na may hindi masayang mga misis. Ang mahalaga din sa resultang ito nagkaroon ng resulta ang pag-aaral regardless kung ano ang kanilang kasarian, etniko, education level, household income, o kahit na pa ang kanilang sexual orientation.

Ayon pa sa naging resulta, ang mga mister di-umano na may mga hindi masayang misis ay mas mataas ang risk of death nila kaysa sa mga mister na may masayang misis. Syempre bukod sa good diet, healthy weight, at regular na ehersisyo na magpro-protekta sa iyo sa maagang pagkamatay, posible rin kung mayroon kang masayang asawa.

Ano ang dahilan para dito?

Maraming paliwanag tungkol dito. Tulad na nga lamang kapag ang misis ay masaya, mas maaalagaan nila ang kanilang mister lalo na kung ito ay maysakit. Pwede ring kapag masaya ang misis, mas madalang ang kanilang pag-aaway, ibig sabihin mas kaunti rin ang stress ng mister.

Isa pang paliwanag na ineksamin sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-asawang di-umano na may masayang disposisyon ay mas physically active daw. At kung mas aktibo ang partner, mas aktibo rin ang isa. Sa huli, sinuportahan ng resulta ang kanilang konklusyon na ang masayang misis na engaged sa mas maraming physical activity ay associated sa kanilang mister na mas maging aktibo at associated din sa kanilang mister na may lower likelihood of death di-umano.

Importanteng alalahanin pa rin natin na sa kabila ng pag-aaral na ito na ang happy wife at mortality ng mister ay related, hindi ibig sabihin nun yun talaga ang dahilan. Marami pang kailang ma-eksamin na variable pero syempre meron pa rin itong relatable na rason kung bakit maaari silang magkaakibat. Itong pag-aaral di-umano ay first of its kind kung kaya't marami pang pananaliksik ang kailangan gawin dito, pero syempre hindi maitatago na ang mga naunang resulta ay nakakaintriga nga naman.

Ito ang takeaway point ng pag-aaral na ito: Sa susunod na mayroon kang oportunidad na mapasaya ang iyong misis—marahil sa pag-surprise sa pagbibigay ng regalo kahit hindi nila kaarawan o di kaya naman bigyan sila ng back rub kahit hindi nila hinihingi, o kahit sa simpleng pagsuporta sa kanilang mga pangarap sa buhay—gawin mo. Hindi lang ito magbe-benepisyo sa iyong misis, kundi may benepisyo rin ito sa iyo. Syempre same lang iyon sa iyong misis, dapat rin nilang gawing masaya ang kanilang mga mister. Di ba nga sa isang relasyon dapat laging "give" at "take."

 

Source: Psychology Today

Basahin: STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa

Partner Stories
24/7 COVID-safer Home? Yes, it's Possible with Panasonic nanoe™ X Generator Mark 2
24/7 COVID-safer Home? Yes, it's Possible with Panasonic nanoe™ X Generator Mark 2
Eight things to do when caring for a COVID-positive family member at home
Eight things to do when caring for a COVID-positive family member at home
Dr. Shiba Officially Launches its Revolutionary Dog Supplement Treats in the Philippines
Dr. Shiba Officially Launches its Revolutionary Dog Supplement Treats in the Philippines
H&M Spotlights the New Role Models of Today – Kids
H&M Spotlights the New Role Models of Today – Kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • STUDY: Mas masaya ang misis, mas mahaba ang buhay ni mister
Share:
  • STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa

    STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa

  • Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa

    Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa

    STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa

  • Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa

    Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.