STUDY: Mas masaya ang misis, mas mahaba ang buhay ni mister

Alamin ang pag-aaral na ito na magsisilbing paalala sa inyong mag-asawa na ang "happy wife" ay 'di lang "happy life," kundi "long life" din para kay mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karamihan sa atin ay narinig na siguro ang kasabihang, “happy wife = happy life.” Siguro ay iniisip ninyong kasabihan lang ito, ngunit base sa isang pag-aaral, mukhang may katotohanan nga ang kasabihang ito.

Pampahaba raw ng buhay ang pagkakaroon ng “happy wife”

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Rutgers University, natagpuan na ang iyong husband’s life satisfaction ay mas humahaba kapag inilalarawan ng kanilang asawa na ang kanilang kasal o pagsasamang mag-asawa ay masaya diumano.

Pero ating tingnan ang kasabihan na ito sa ibang anggulo at ating itanong ang mas nakakaintrigang tanong: Pagnagkaroon ba ng masayang asawa (well regardless kung ano ang kasarian nito) ay hindi lang humahantong sa masayang buhay kundi mas mahabang buhay? Ayan ang katanungan sasagutin sa pagsasalik ng mga Netherlands researchers.

Sa pag-aaral na ito, ang social psychologist na si Olga Stavrova ay ineksamin ang isang national representative sample na sumasaklaw ng over 4,000 na mag-asawa na may edad 50 pataas. Ang mag-aasawang ito ay sinubaybayan ng walong taon at sinukat sa psychological at physical variables. Ang nakakalungkot lang hindi lahat ng mga mas may edad na kasali ay umabot hanggang walong taon, kung kaya’t ang mga namatay o namatayan ang isinama sa pag-aaral.

Ang pinakapansin-pansin na resulta sa pag-aaral ay ang life satisfaction ng iyong asawa ay kaakibat diumano ang kabawasan sa pagkamatay ng maaga.

Sa madaling salita, ang mga mister na may masayang mga misis di-umano ay mas mahaba ang buhay kumpara sa mga mister na may hindi masayang mga misis. Ang mahalaga din sa resultang ito nagkaroon ng resulta ang pag-aaral regardless kung ano ang kanilang kasarian, etniko, education level, household income, o kahit na pa ang kanilang sexual orientation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa sa naging resulta, ang mga mister di-umano na may mga hindi masayang misis ay mas mataas ang risk of death nila kaysa sa mga mister na may masayang misis. Syempre bukod sa good diet, healthy weight, at regular na ehersisyo na magpro-protekta sa iyo sa maagang pagkamatay, posible rin kung mayroon kang masayang asawa.

Ano ang dahilan para dito?

Maraming paliwanag tungkol dito. Tulad na nga lamang kapag ang misis ay masaya, mas maaalagaan nila ang kanilang mister lalo na kung ito ay maysakit. Pwede ring kapag masaya ang misis, mas madalang ang kanilang pag-aaway, ibig sabihin mas kaunti rin ang stress ng mister.

Isa pang paliwanag na ineksamin sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-asawang di-umano na may masayang disposisyon ay mas physically active daw. At kung mas aktibo ang partner, mas aktibo rin ang isa. Sa huli, sinuportahan ng resulta ang kanilang konklusyon na ang masayang misis na engaged sa mas maraming physical activity ay associated sa kanilang mister na mas maging aktibo at associated din sa kanilang mister na may lower likelihood of death di-umano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Importanteng alalahanin pa rin natin na sa kabila ng pag-aaral na ito na ang happy wife at mortality ng mister ay related, hindi ibig sabihin nun yun talaga ang dahilan. Marami pang kailang ma-eksamin na variable pero syempre meron pa rin itong relatable na rason kung bakit maaari silang magkaakibat. Itong pag-aaral di-umano ay first of its kind kung kaya’t marami pang pananaliksik ang kailangan gawin dito, pero syempre hindi maitatago na ang mga naunang resulta ay nakakaintriga nga naman.

Ito ang takeaway point ng pag-aaral na ito: Sa susunod na mayroon kang oportunidad na mapasaya ang iyong misis—marahil sa pag-surprise sa pagbibigay ng regalo kahit hindi nila kaarawan o di kaya naman bigyan sila ng back rub kahit hindi nila hinihingi, o kahit sa simpleng pagsuporta sa kanilang mga pangarap sa buhay—gawin mo. Hindi lang ito magbe-benepisyo sa iyong misis, kundi may benepisyo rin ito sa iyo. Syempre same lang iyon sa iyong misis, dapat rin nilang gawing masaya ang kanilang mga mister. Di ba nga sa isang relasyon dapat laging “give” at “take.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Psychology Today

Basahin: STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement