STUDY: May kinalaman ang pattern ng magulang sa pagpapalaki sa batang spoiled

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hirap na bang pagsabihan ang batang spoiled? Alamin ang mga patterns ng magulang na maaaring kaakibat ng  pagiging spoiled ng inyong anak.

 

Imahe mula sa | Image by Freepik

Karamihan, isinisisi sa generation ng mga batang nasa kasalukuyang panahon ang kanilang pag-uugali at pagiging spoiled. Sa kabilang banda, maaaring mai-trace din ito sa kung paano nga ba ang naging pattern sa pagpapalaki sa mga batang spoiled.

Pagpapalaki ng batang spoiled

Mga mommies! Alam ninyo bang ang tamang pagbibigay ng rewards sa behavior ng inyong anak ay malaking factor din sa apg-abot nila ng kanilang development at milestones. Ngunit, kailangang maging mapagmatyag din tayo sa mga patterns na maaaring magdulot ng problema sa kanilang pag-uugali.

Batang spoiled

Isa sa mga kasalukuyang problema tungkol sa development ng mga batang nasa generation Z ay ang pagiging spoiled. Makikita natin ito sa mga naunang behavior nila tulad ng fussiness at ng kanilang tantrums. Makikita ito mula sa pagkain, pagpili ng mga bagay, pagdedesisyon at iba pa.

Imahe mula sa | Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sa isang artikulo ng Psychology Today, pinalilitaw na ang patterns at maging attitude nating mga magulang ang isa sa pinakamalaking factor sa behavior ng ating anak. Batay pa sa pagpapaliwanag, ang priorities sa buhay nating mga parents ay malaking reflection sa kung paano nakikita ng mga anak ang konsepto ng value.

Ang mga nakalaang priorities ba sa bahay ay isinasantabi dahil sa luho? Baka kailangan na din nating baguhin ang ganitong attitude as parents.

Pagpapalaki sa anak

Ano nga ba ang tamang pagpapalaki sa anak, hindi lang sa mga kabilang sa generation Z at batang spoiled? Sa katulad na artikulo, maikling pinaliwanag ang mga tamang gawin sa pagpapalaki sa anak na spoiled.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Imahe mula sa | freepik

  • Baguhin ang mga pattern na matagal nang kinasanayan ng mga anak.
  • Sa pagbibigay ng pera, huwag basta-basta magbigay nito nang walang dahilan.
  • Papiliin o bigyan ng limited options ang anak sa mga luho. Dito, mas malalaman at magiging matimbang ang kailangan kaysa kagustuhan.
  • Turuan kung aling mga bagay ang hihingiin bilang regalo.
  • Ipakita ang mga pagkain, laruan, bagay, o ano pa man na nakikita sa TV na hindi naman totoo ang lasa, epekto o hitsura. Turuan silang sumuri ng mga dapat bilhin na quality.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan

Walang masama kung bibigyan ng pangangailangan ang ating mga anak. Mahalaga pa rin na matutunan nila ang pagpapahalaga sa mga bagay kaysa nagiging behavior ng paghingi ng mga ito dahil gusto lamang.

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinulat ni Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Nathanielle Torre