STUDY: Negatibong epekto ng tatlong anak o higit pa sa kanilang cognitive function paglaki

Batay sa makabagong pananaliksik, natuklasan na ang pagkakaroon ng tatlong anak o mas marami kaysa dalawa ay may negatibong epekto. Ang negative effect na ito ay nakatuon sa cognitive function ng mga anak, sa kanilang paglaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kultura nating mga Asyano, maging Pilipino, nakagisnan na ang pagkakaroon ng tatlong anak o higit pa. Sa ganitong kagawian, mas sumisidhi ang pag-survive ng lahi. Gayundin, sa nakagawian ng mga unang henerasyon, mas malaking investment kapag malaki ang size ng pamilya.

Imahe mula sa | Image by Lifestylememory on Freepik

Sa pagiging marami ng anak, mas marami din ang nagiging katuwang ng mga parents sa mga gawain at trabaho. Pero, sa proseso ng pagpapalaki, mas mahirap naman ang sitwasyon na ito.

Dahil sa mga hamon at struggle sa pag-aaruga ng tatlong anak o higit pa, nagiging hati ang budget, effort at mas nakakapagod para sa mga parents.

Pagkakaroon ng maraming anak: tatlong anak vs. dalawang anak

Imahe mula sa | pexels.com

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Ayon sa pag-annotate ng Science Daily sa bagong study ng Columbia University, nakita nila ang pagkakaiba ng kalagayan depende sa family size. May malaking pagkakaiba ang pamilyang may tatlong anak o higit pa sa pamilyang may dalawang anak.

Makikita sa inilabas na survey ng Survey of Health, Aging, and Retirement in Europe (SHARE) na sa paglaki ng mga batang nasa malaking family size, magkakaroon sila ng problema sa kanilang cognitive function.

Epekto ng tatlong anak o higit pa sa cognitive function ng mga bata

Ang epekto ng tatlo o higit pang anak ng isang pamilya ay may negatibong mukha rin. Maliban sa mas magiging masaya sa loob ng bahay, dito mabubuo rin ang social skills na bubuo sana at magpapatibay sa isang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang healthy na cognitive function ay magtutulak sa isang tao na kahit matanda na, mas nakakaya nilang maging independent. Dagdag pa, tuloy-tuloy ang pagiging socially active at nanatiling productive late in life.

Imahe mula sa | pexels.com

Sa kaso naman ng mga taong lumaki sa pamilyang may maraming anak, kabaligtaran ang nagiging epekto. Mas nagiging unhealthy ang kanilang cognition lalo na ng maabot nila ang later-life stage.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan

Ang pagtuklas at pagkatuto ng mga tao ay hindi laging nasusukat sa dami ng kasama. Kung kaya, hindi laging sagot din ang maraming anak sa pagkakaroon ng healthy at masayang pamilya.

Sa pagbuo rin ng pamilya, laging tandaan na magplano at manatiling reproductively healthy.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Nathanielle Torre