Kilalang Ocean Adventure theme park sa Subic Bay ang Subic Ocean Park. Ito ay matatagpuan sa Ilanin Forest West, Subic Bay Freeport Zone. Ito ay 18 taon nang nasa ilalim ng pamamalakad ng Subic Bay Marine Exploratorium (SBMI). Subalit, maaaring magsara na ang kilalang theme park.
Nuong 2007, nagkaroon ng kasunduan ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at SBMI. Ang kontrata ay magtatapos sana sa 2057. Subalit, sa ngayon ay nanganganib ang nasa 500 empleyado na maaaring mawalan ng trabaho.
Paglabag sa kontrata ng Subic Ocean Park
Ayon kay SBMA chairman and administrator Wilma Eisma, nagkaroon ng paglabag sa kontrata ang SBME. Ayon dito, kasama sa kanilang kasunduan ang pag-develop ng nasa 100 hectares ng lupa sa 500 hectares na inuupahan nito. Subalit, hindi umano sumunod ang SBMI sa nakasaad.
Ayon kay Eisma, nakasaad sa kasunduan ng dalawang grupo na ide-develop ng SBMI and nasa 20% ng 500 hectares na inuupahan. Subalit, sa taon na ito, dapat ay natapos na ang napagkasunduang development sa 100 hectares. “Pinangako nila na ang almost 100 hectares should have been developed already by this time,” sabi ni Eisma.
Ngunit, nilabanan ito ng CEO at presidente ng SBMI na si Robert Ianne Gonzaga. Ayon sa kanya, nasa 20 hectares na ang kanilang nai-develop ngunit hindi maka-usad dahil sa SBMA. Kanyang binanggit na nakapag-sumite na sila ng mga plano para sa development tulad ng para sa 5 hectares na adventure trails. “Kayo nga ‘yung nagtatali ng kamay namin para ‘di makapag-develop e,” dagdag pa ni Gonzaga.
Itinanggi ni Eisma na nagsumite na ng development plans ang SBMI. Ayon sa kanya, kahit hindi man bawiin ang 100 hectares na hawak ng SBMI, wala silang plano at pera para i-develop ito.
Kung hindi magkasundo ang dalawang panig, maaaring magsara ang Subic Ocean Park sa loob ng dalawang taon.
Source: ABS-CBN News
Photo: Ocean Adventure
Basahin: Foreign national na hinayaang dumumi ang anak sa baybay ng Boracay, pinaghahanap at pananagutin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!