Matalinong bata: Mga dapat taglayin ng magulang para sa success ng kanilang anak

Moms, sundin ang tips na ito para maging successful ang anak mo. | Lead image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga magulang, sapat na sa kanila na makitang mabuti at lumalaki na matalinong bata ang kanilang anak. Iba ang fulfilment na nararamdaman nila sa bawat achievement na natatanggap ng mga ito, sa school man o sa mismong development nila.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Anim na sikreto ng mga magulang na may succesful at matalinong anak
  • Ang benepisyo nito sa paglaki nila

Ngunit paano nga ba magpalaki ng successful at matalinong anak? Ano ang sikreto?

6 sikreto ng mga magulang na may successful na anak

Narito ang sabi ng mga researcher para maging successful din ang anak mo..

Matalinong bata: Mga dapat taglayin ng magulang para sa success ng kanilang anak | Image from Freepik

1. Kumain ng sabay-sabay

Napapanatili ang malapit na relasyon at compact na komunikasyon ng magulang sa anak sa pamamagitan ng pagkain sabay-sabay. Ayon pa sa isang organisasyon, napapababa nito ang pagkakataon ng teenage pregnancy, depression at obesity. Bukod dito, napapaganda pa ang vocabulary ng bata at napapataas ang kanilang tiwala sa sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Hayaang magkamali

Kapag narinig ang salitang “mali”, ano ang agad na naiisip natin? Negatibo agad ‘di ba? Lagi rin nating sinasabi na “Hindi ako magkakamali.”, pero sa kabilang bahagi, malaki ang naitutulong ng pagkakamali sa pagkatao ng bawat isa. Napapatibay ng ating nakaraan ang loob at prinsipyo na mayroon tayo ngayon.

Ayon kay Dr. Stephanie O’Leary, isangpsychologist,

“Your willingness to see your child struggle communicates that you believe they are capable and that they can handle any outcome, even a negative one.”

Gaya sa mga bata, ‘wag ipamukha sa kanila na kasalanan ang magkamali. Hayaan silang matuto sa kanilang nagawa na kasama ang iyong gabay. Ayon kay Dr. O’Leary, nakabubuti sa mga bata ang kamalian. Dito unang nade-develop ang kanilang kakayahan kung paano hawakan o patakbuhin ang isang problema. Kasama na ang konsepto kung paano nila kayanin ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matalinong bata: Mga dapat taglayin ng magulang para sa success ng kanilang anak | Image from Unsplash

3. Maglaan ng sapat na oras para sa screen time

Kahit na ano pa ang sabihin natin na hindi papagamitin ng gadget ang ating mga anak, hindi talaga ito nasusunod lalo na sa panahon ngayon. Tatandaan natin na hindi naman masama ang gumagamit ng smartphone o tablet, nagiging mali lang ito kapag sobra-sobra na ang paggamit ng iyong anak.

Ayon sa mga researcher, tuluyang binabago o sinasakop ang utak ng mga bata kapag sila’y pinabayaang gumamit ng gadgets sa matagal na oras. Pinipigilan nito ang development ng kanilang atensyon, pokus at bokabularyo. Kaya naman maglaan ng screen time para sa iyong mga anak.

BASAHIN:

STUDY: Ito ang epekto ng MUSIC sa brain ng bata

Pinakamatalino sa magkakapatid ang panganay, ayon sa pag-aaral

Binabasahan mo ba ng libro ang anak gamit ang tablet? Ito ang epekto sa bata, ayon sa mga eksperto

4. Basahan ng libro

Ayon sa pag-aaral ng mga researcher sa New York University School of Medicine, ang mga batang mahilig basahan ng kanilang magulang ng libro ay mas mataas ang tiyansa na bumilis ang development sa lenggawahe, literatura at kakayahan na magbasa.

“In other words, reading for pleasure was linked to greater intellectual progress, in vocabulary, spelling, and mathematics.”

Ayon ito sa The Guardian.

5. Bigyan ng impluwensiya na mag-travel

Kahit bata pa lamang, maganda kung lagi mong isasama sa iyong mga lakad ang anak mo. Dito siya mae-expose sa iba’t ibang tao, bagay, lugar at kultura. Kahit hindi lubos na naiintindihan ang paligid, maganda itong panimula sa kaniyang social skills.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod pa rito, tataas ang tiyansa na ito ay maging outgoing person, adventurous at hindi takot na sumubok ng bagong bagay.

Matalinong bata: Mga dapat taglayin ng magulang para sa success ng kanilang anak | Image from Unsplash

6. Hayaang gumawa ng gawaing bahay

Likas na sa mga bata ang maging masunurin at curious sa iba’t ibang bagay.

Magandang sanayin na gumawa ng gawaing bahay ang iyong anak pagkatapos nitong kumain. Hayaan na siya ang magligpit ng sarili niyang pinagkainan. Isa pang pagsasanay ay turuan siyang ligpitin niya ang sariling laruan at ilagay sa tamang lagayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa gawaing ito, matututunan ng iyong anak ang maging responsable at magkaroon ng kusa sa mga bagay.

 

Source:

Business Insider

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano