X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

4 Filipino couples na successful sa buhay at may happy family

4 min read
4 Filipino couples na successful sa buhay at may happy family

Sila ang dapat ninyong gawing modelo para sa masaya at matagumpay na pagsasama.

Sino-sinong successful Filipino celebrity couples ang kilala at hinahangaan mo? Alam mo ang kanilang kuwento?

Pagiging supportive ng magkarelasyon at pag-abot ng tagumpay na magkasama

Nagiging mas matatag ang isang relasyon kapag nagbibigay ng suporta ang magkapareha sa isa’t-isa. Kapag nararamdaman nilang nauunawaan at pinahahalagahan sila, mas kumpiyansa silang ituloy ang kanilang mga goals at maabot ang tagumpay. Ang magkasamang pag-focus sa parehong pangarap at goals sa buhay ay nagpapalakas ng kanilang samahan. At ang pag-iencourage sa isa’t-isa ay nagiging mahalagang motibasyon ng kanilang pagsasama.

Dito sa Pilipinas ay maraming successful Filipino celebrity couples ang naabot ang tagumpay ng magkasama. Mula hirap at ginhawa, lungkot at saya ay magkasama. Ilan nga sa kanila ay ang sumusunod:

Successful Filipino celebrity couples

  1. Lovely Abella at Benj Manalo

lovely abella at benj manalo family

Larawan mula sa Facebook

Si Lovely Abella ay isang kilalang dancer at aktres. Habang si Benj Manalo naman ay isa ring aktor at anak ng komedyanteng si Jose Manalo. Sila ngayon ay mag-asawa na at mayroong anak. Sa mga social media post ng dalawa ay makikitang suportado nila ang isa’t-isa, hindi lang sa kanilang career kung hindi pati narin sa negosyong pinapasok nila.

Nakamit ng mag-asawa ang tagumpay hindi lamang sa showbiz industry kundi pati na rin sa negosyo. Si Lovely ay may sariling online store, at si Benj naman ay patuloy na umuunlad bilang aktor. Ang kanilang kakayahang balansehin ang buhay-pamilya, negosyo, at kanilang career ay nagbigay sa kanila ng kasikatan bilang mga influencer. Madalas silang nagtutulungan sa paggawa ng content na nagpapakita ng kanilang pamilya, mga paglalakbay sa buhay, at mga inspirasyonal na kwento, na lubos na tumatagos sa kanilang mga tagasubaybay.

2. Cong TV (Lincoln Velasquez) at Viy Cortez

successful filipino celebrity couples

Larawan mula sa Instagram

Si Cong TV ay sikat na YouTuber na kilala sa kanyang mga nakakatawang vlogs. Habang si Viy Cortez ay isa ring social media influencer at negosyante. Ang relasyon ni Cong at Viy ay isa sa mga pinaka-minamahal na pagsasama sa online community ng mga Pilipino. Ipinapinakita kasi nila ang realidad sa buhay ng maraming Pilipino. Pati na ang kanilang suporta sa paggawa ng content at mga negosyo ng isa’t isa. Madalas na pinupuri ni Viy ang pagiging malikhain ni Cong, habang hinahangaan naman ni Cong ang pagiging negosyante ni Viy.

Si Cong at Viy ay magkasamang nabuo ang isang online empire na may milyon-milyong followers. Ang mga comedy at gaming content ni Cong TV ay nagbigay sa kanya ng pangalan sa YouTube. Habang si Viy Cortez naman ay kilala para sa kanyang skincare business na “Viyline.” Ang kanilang relasyon, puno ng katatawanan at tunay na pagmamahal, ay umaantig sa kanilang mga fans.  Ito ang naging dahilan upang maging matagumpay silang influencer couple. Kamakailan nga lang ay ibinahagi ni Viy na nakalipat na sila ni Cong sa kanilang bahay.

“Love proud ako satin 🥰.”

Ito ang bahagi ng caption ng post ni Viy kung saan makikita silang nagkikiss ni Cong sa kanilang bagong bahay.

Itinuturing sina Cong at Viy na isa sa mga successful Filipino celebrity couples dahil sa kanilang rags to riches story.

3. Iya Villania at Drew Arellano

iya villania and drew arellano family

Larawan mula sa Facebook account ni Iya Villania

Kilala ang mag-asawang ito dahil sa kanilang active lifestyle at matibay na pagpapahalaga sa pamilya. Madalas magtulungan sina Iya at Drew sa mga proyekto sa TV at kapwa nila sinusuportahan ang fitness journey ng isa’t isa. Madalas purihin ni Drew si Iya para sa pagiging mahusay na ina at host. Habang si Iya naman ay palaging sumusuporta sa mga proyekto ni Drew sa pagho-host ng mga travel shows.

Parehong matagumpay sa kani-kanilang career habang binubuo ang isang magandang pamilya. May apat na anak na sila at kasalukuyang buntis si Iya sa kanilang panglimang anak.

4. Kryz Uy at Slater Young

kryz uy and slater young family

Larawan mula sa Instagram

Si Kryz Uy isang fashion at lifestyle blogger. Habang si Slater Young ay isang engineer at dating nanalo sa isang reality TV show. Ang mag-asawa parehong nakabuo ng makapangyarihang presensya sa online. Kilala sila sa pagsuporta sa mga hilig ng isa’t isa—si Kryz sa kanyang blogging at social media work. At si Slater naman ay sa kanyang negosyo sa engineering at pag-popodcast.

Magkasama rin silang nagpapatakbo ng kanilang YouTube channel na kung saan nagbabahagi sila ng mga vlog tungkol sa kanilang buhay pamilya, pag-aalaga ng mga anak, at pagtratravel. Patuloy na umuunlad si Kryz bilang isa sa mga nangungunang influencer sa Pilipinas. Habang ang kakayahan ni Slater sa engineering at digital content creation ay mas yumayabong pa. Sila rin ay mga kilalang endorser ng mga brand na tungkol sa pamilya.

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Advertisement

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • 4 Filipino couples na successful sa buhay at may happy family
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko