5 home remedies para sa sugat sa nipple habang nagbe-breastfeeding

Nahihirapan ka ba sa masakit na nipples dahil sa matagal na pagpapadede? Ang mga simple at natural na remedies na ito ay maaaring makatulong upang malunasan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi mo ba ma-enjoy ang breastfeeding dahil sa namamaga at may sugat na mga nipple?

Kung ang iyong nipples ay namumula, nangangati o nananakit, maaaring ikaw ay nakakaranas ng nipple thrush. Ito ay dahil sa candida albicans, isang uri ng fungus na namumuhay sa basa at mainit na bahagi ng katawan, tulad ng bibig, vagina, diaper area, bra pads, at nipples.

Ang nipple thrush ay isa sa mga problema ng mga nanay na nagpapadede na nagdudulot para sila ay hindi na magpadede.

Pero ‘wag kang mag-alala, narito ang isang maigsing gabay ukol sa nipple thrush, mga nagiging dahilan nito, at kung paano ito gagamutin.

Pananakit ng suso dahil sa breastfeeding

Ang pananakit ng suso, o tinatawag din na nipple pain, ay hindi normal sa pagpapadede. Bagaman ang  nipples ay sensitibo sa mga unang araw ng panganganak at pagpapadede.

Ang nagsusugat na nipples o suso ay nagpapakita ng problema. Kung nakakaramdam ng ganitong pananakit, mainam na magpatingin agad sa doktor.

Pero kung ikaw ay nakakaranas ng sugat o cracked nipples, maaaring ito ay nipple thrush. Kapag ang iyong nipples ay nasugatan o nasaktan, maaari itong magkaroon ng thrush infection. Ibig sabihin nito ang thush na nagdadala ng candida fungus ay maaaring pumasok sa nipples o sa suso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang breast at nipple thrush (isang fungal infection) ay pwedeng ma-develop kahit matapos ang panganganak. Pero mas madalas itong nangyayari sa mga unang linggo matapos manganak. Narito ang ilan sa mga palatandaan at sintomas:

  • Habang nagpapadede ay nakakaramdam ng malala at mahapding pananakit ng nipples – tamang pagkakadikit ay walang kinalaman sa pananakit. Ang paghapdi ng nipples ay tumatagal ng buong araw at hindi lamang habang nagpapadede. Ang pananakit naman ng suso ay nagkakaiba depende kung ito ay nasa nipples at/o nasa suso. Maaaring maranasan ang matinding pananakit, tusok-tusok, pakiramdam ng pagkapaso, at pag-iinit sa buong dibdib.
  • Maaaring mas naging pinkish at makintab ang kulay ng nipples. Gayunpaman, maaaring normal lang ito.
  • Ang arreola o balat sa nipples ay nangangati, dry, at nagbibitak-bitak
  • Habang o tuwing nagpapadede, ang pakiramdam ng tusok-tusok ay nararamdaman sa loob ng suso.

Dahilan ng pagkakaroon ng cracked nipples o sugat sa nipple habang nagpapadede

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag hindi angkop ang posisyon ng sa dibdib sa pagpapadede ay maaaring magdulot trauma at dulot ng pagsipsip. Ito ang dalawang karaniwang sanhi ng bitak-bitak sa nipples o cracked nipples.

Ang hindi angkop na pagposisyon ay maaaring sanhi ng iba’t ibang kadahilanan. Ang pagpapadede ay kasanayan para sa parehong nanay at anak. Kailangan ng pagsasanay upang maayos na mailagay ang nipples sa bibig ng sanggol at ang kanilang katawan sa katawan ng ina.

Ang pagpisil sa nipples ay isang paraan ng mga baby na hindi makadede ng maayos upang maprotektahan ang kanilang sarili sa matinding pagkabigo.

Kung ang pagkakakapit ng sanggol ay masyadong mabagal, maaaring kinakailangan itong padedehin ng mas madalas. Ito ay sa kadahilanang maaaring hindi gaanong nakakakuha ng gatas ang sanggol kapag pinapadede.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa La Leche League International, sa ilang pagkakataon, pinipisil ng baby ang nipples dahil sa anatomical abnormalities tulad ng:

  • Tounge-tie
  • Mataas na panlasa
  • Maliit na bibig
  • Maikling frenulum
  • Umuurong na baba

Ang iba pang kadahilanan na kinokonsidera ay:

  • Nipple confusion (possible ito kapag nagpapadede, nagpapagatas gamit ang bote at pinapagamit ng pacifier ang baby)
  • Nahihirapan sa pagsipsip
  • Habang nagpapadede ay binabawi ng sanggol ang kanyang dila o hindi io makapuwesto ng maayos

Mahirap malaman kung ano ang nagiging dahilan ng nagbibitak-bitak at nananakit na nipples para hindi na ito muling maranasan.

Mainam na magpakonsulta sa isang certified lactation consultant. Matatasa nila ang iyong latch at paraan ng pagpapadede. Sinusuri din nila paraan ng pagdede at lakas ng iyong sanggol.

Home remedies para sa sugat na nipple dahil sa breastfeeding

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa pang paraan upang malaman kung ikaw ay may nipple thrush ay kung ang malalim at nagtutusok na pananakit ay hindi hindi nababawasan kahit na inayos na ang pagkakakabit o posisyon kapag nagpapadede. Narito ang ilan sa mga home remedies para sa pananakit dahil sa pagpapadede.

  1. Paggamit ng sarili gatas bilang balm

Ang pagkakaroon ng antibacterial properties ay isa sa mga kayang gawin ng gatas ng ina. Kaya naman maaari itong makatulong at magamot angnanunuyo at nagbibitak na nipples.

Mangyaring pahiran ng ilang patak sa bahagi ng nipple na apektado, bago at pagkatapos ng pagpapadede, at hayaan itong matuyo.

  1. Maglagay ng warm compress

Ang paglalagay ng warm compress sa ibabaw ng iyong suso bago magpadede ay hindi lamang nakakapagpawala ng sakit sa nipple. Kundi nakakapagpadami din ng gatas at nakakalinis ng paligid nito. Maaari ring maligo gamit ang maligamgam na tubig.

  1. Moisturize

Ang mga langis tulad ng olive oil, coconut oil, o sweet almond oil ay nakakatulong upang mabawasan ang panunuyo sa pamamagitan ng malaliman na pag-moisturize sa nagbibitak na nipples.

Isa pang maaaring gamitin ay ang tea tree oil! Ito ay mayroong antiseptic properties na maaaring makatulong sa paggaling at maiwasan ang muling pagsusugat ng nipples.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Gumamit ng kapangyarihan ng herbal

Gamitin ang kapangyarihan ng mga halamang gamot tulad ng natural na aloe vera at dinurog na dahoon ng basil, na nagtataglay ng natural na katangian ng pagpapagaling.

Huwag lamang kalimutan na hugasan ang ipinahid aloe vera ng maayos bago magpadede, sapagkat napag-alaman na nagdudulot ng diarrhea sa mga sanggol.

  1. Chamomile tea

Ito ay isang uri ng anti-microbial at anti-inflammatory properties na hindi lang gumagana kapag iniinom, gumagana din ito kahit na ilagay lamang ang tea bag sa mga apektadong lugar.

Matapos pigain ang mga sobrang tubig, hayaan itong lumamig, iwan ang tea bags sa ibabaw ng nipples ng ilang minuto. Lagi lamang tandaan na hugasan itong mabuti ng maligamgam na tubig bago magpadede.

Iba pang paraan para maibsan ang problema sa nipples ay ang palagi itong mahanginan, madalas na pagpapadede, pagpapalit ng posisyon kapag nagpapadede.

Iwasan din ang pagsusuot ng masisikip na bra, madalas na magpalit ng bra pads, at iwasang gumamit ng sabon, alcohol, o petroleum-based products kapag hinuhugasan ang nipples.

Medications sa sugat na nipple while breastfeeding

Pamahid na antifungal ointment para sa ‘yong nipples at pangmumog para sa iyong sanggol ay ilan sa mga karaniwang gamot na ibinibigay para sa nagpapadedeng ina at kanilang anak.

Sundin ang instruksyon ng doktor sa paraan ng paggagamot. Lahat ng over-the-counter (OTC) na gamot para sa’yo at iyong baby ay dapat ipaalam muna sa inyong pediatrician kapag ikaw ay nagpadede. Ang mga antifungal na kadalasang ginagamit upang gamutin ang nipple at oral thrush ay:

  • Miconazole
  • Clotrimazole
  • Nystatin
  • Fluconazole

Maaaring subukan ang Mama’s Choice Intensive Nipple Cream – Best Budget-friendly and Halal Nipple Cream. Nakakatulong ito sa pag-moisturize ng balat para maiwasan ang pag-crack nito.

Gawa ito sa mga natural ingredients na walang halong chemicals. Food-grade quality din ito kaya siguradong ligtas para sa iyong baby. Hindi mo na rin ito kailangan hugasan o punasan bago mag-breastfeed.

Tested ang produktong ito sa mga laboratoryo sa Singapore kaya nakakasiguro ka sa bisa at kalidad ng Mama’s Choice Intensive Nipple Cream.

Gayunpaman, mas mainam pa rin na magpakonsulta sa doktor bago sumubok ng kahit anong gamot. Kahit sa mga home remedies, maaari mong tanungin ang iyong doktor upang makumpirma kung ito ay makakabuti ng iyongsitwasyon o makakapagpalala lamang.

Mommy, naranasan mo na bang magkaroon ng nipple thrush? Anong paraan ng paggamot ang swak sa’yo? I-komento mo iyan sa baba!

 

Kung nais basahin ang English version ng article na ito, i-click dito!

Updates by Margaux Dolores

Isinalin sa wikang Filipino ni Shena Macapañas

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Written by

Shena Macapañas