Maaari pa bang umikot ang suhi na baby sa tiyan?

Maaari pa bang umikot ang suhi na baby sa tiyan?

Suhi na baby sa tiyan? May pagkakataon talaga na mararanasan ito ng mga nanay ngunit maaari pa bang umikot ang sanggol sa sinapupunan ng ina para maging normal ito?

Pwede bang maikot ang suhi na baby sa tiyan?

Noong 35th week ng aking pagbubuntis, nilagay ko ang ironing board sa couch na inuupuan ko. Sa tulong ng aking asawa at iba’t ibang video tutorial sa internet, ginaya ko ang kanilang posisiyon para makumbinsing umikot ng 180-degree ang aking anak sa loob ng sinapupunan.

Maaari pa bang umikot ang suhi na baby sa tiyan?

Ang position na ito’y base sa isang chiropractor para sa mga suhi na baby. Nangyayari ang breech kapag ang paa ng baby ang unang lalabas imbes na ulo nito. Ang position na ito ay hindi nirerekomenda ng mga physician. Habang ang doktor ko naman ay inabisong gumamit ako ng matibay na board para maiwasan ang pagkahulog.

Maaari pa bang umikot ang suhi na baby sa tiyan?

Image source: iStock

Kadalasan, nasa tamang posisyon na ang mga sanggol pagsapit ng 35-37 weeks ng pagbubuntis. Ang tamang posisyon ng baby sa tiyan ay nauuna dapat ang ulo kapag lalabas na ito. Ngunit napagalaman na nasa 4% ng mga buntis ay may suhi na baby.  Sa kanilang paglaki sa ganitong posisyon, mas nagiging komplikado ang mga pangyayari.

Noong 2000, pinag-aralan ng mga researcher ang iba’t ibang breech birth experiences ng 2,100 na kababaihan sa 26 na mga bansa. Napagalaman na, hindi delikado sa mga nanay na manganak ng suhi na baby. Ngunit mataaas ang tiyansa na mamatay ang baby o magkaroon ng komplikasiyon kapag ito ay ipinanganak na suhi kumpara sa mga baby na lumabas via C-section. Kung ikukumpara rin ito sa mga sanggol na normal ipinanganak, ang mga suhi na baby ay may tiyansa na ma-stuck ang ulo sa birth canal habang nanganganak.

Ayon sa isang ob-gyn mula sa Orlando Health Winnie Palmer Hospital for Women and Babies sa Florida na si Dr. Christine Greves, M.D.,

“Compression of the head during delivery can also cause trauma to the brain, bleeding in the brain or cord prolapse leading to death,”

Ang 2000 study na ito ang nagtulak sa American College of Obstetricians and Gynecologists at iba pang grupo na kinakailangang dumaan sa scheduled cesarean ang mga suhi na baby kapag ipanganganak.

Ngunit hindi naiiba ang cesarean section sa ibang surgery at hindi pa rin maiiwasan ang magkaroon ng komplikasiyon. Ayon sa pag-aaral, maraming babae ang mas pipiliing manganak ng normal o vaginally.

Malamang ay marami ka nang nakikita o nababasang paraan sa pag-ikot  ng suhi na baby sa tiyan. Ito ay kapag humiga sa hindi komportableng posisyon ang nanay o pagpuwesto sa iron borad, pero gumagana ba ito? Narito ang mga karaniwang estratehiya ng mga nanay sa pag-ikot ng suhi na baby sa tiyan.

Manual Manipulation

suhi

Suhi na baby | Image source: iStock

Sa pagbubuntis, lumulutang talaga ang sanggol sa loob ng sinapupunan. Ngunit habang ito’y lumalaki at lumalapit ang third trimester, nagiging kontrolado na ang kanilang mga galaw. Hirap na silang maka-ikot. “It’s only around the 35-week mark that we’ll tell a woman their baby is breech,” ayon kay Dr. Susan Lareau M.D., isang ob-gyn at assistant professor ng obstetrics, gynaecology and reproductive sciences sa University of Pittsburgh. “At that point, we present them with the options of an external cephalic version or a scheduled C-section.”

May isang proseso para maikot si baby sa tiyan. Ito ay kapag tinutulak ng isang trained clinician ang tiyan ng nanay pababa para maging “head-down position” ang sanggol bago ito ipanganak. Ginagawa ito sa ospital para ma-track ang heartbeat ni baby.

Noong 2018, isang pag-aaral ang isinagawa sa nasa 3,000 na kababaihan. Ayon dito, matagumpay na naikot ang mga suhi na baby sa tiyan ng nanay sa pamamagitan ng E.C.V. Nasa 2,614 na pasiyente ang sumubok nito ay 85% nito ay tagumpay na nanganak vaginally na walang komplikasiyon. Noong 2015 naman, ang cochrane systematic review ng walong pag-aaral ang nagpatunay na ang paraan na ito ay epektibo dahil ang 1,308 na sumubok ay nagtagumpay. “When you review the medical literature, the only thing that’s been demonstrated to truly work is the external cephalic version,” dagdag pa ni Dr. Greves.

Bihira lamang ang komplikasiyon dito ngunit ayon sa mga babaeng nakaranas nito, hindi komportable at may kaunting sakit ang naturang procedure.

Ang E.C.V. ay hindi option para sa lahat. Lalo na kung mababa ang iyong amniotic fluid levels, isang history ng abnormal na pagdurugo o iba pang komplikasiyon katulad ng pre-eclampsia.

Acupuncture And Moxibustion

suhi

Suhi na baby | Image source: iStock

Ayon kay Judith Schlaeger, Ph.D., isang certified nurse-midwife at assistant professor of nursing sa University of Illinois sa Chicago, makakatulong ang tradisyonal na gamot sa magandang energy flow at circulation ng uterine muscles. Ito’y kapag dahan-dahang tinusok ng karayom ang isang bahagi ng katawan o mas kilala nating acupuncture.

Ngunit wala pang matibay na pag-aaral ang makakapagsabi kung ito ay epektibo. May ilan na gumagamit ng moxa, may iba rin na ginagamitan ito ng herbal treatment kasama ang acupuncture.

Ayon kay Dr. Schlaeger na naglimbag ng review sa 16 na clinical trials sa moxibustion para sa suhi na baby noong 2018,

“There’s no consistent protocol that’s been determined to be effective,”

Dagdag pa nito na may ilang side effects ang naturang procedure. “Generally speaking, there’s no reason not to try it.”

Chiropractic Manipulation And Massage

suhi

Suhi na baby | Image source: iStock

May ilang chiropractor ang nag-aalok ng abdominal massage at adjustment para umikot ang baby sa sinapupunan ng nanay. Ang procedure na ito ay kilala bilang “webster technique”, kapag inaalis ang tension sa uterine ligaments at muscles ng nanay na sanhi ng hirap na paggalaw ng sanggol sa tiyan.

Ngunit hindi lahat nagtatagumpay sa ganitong paraan. May pagkakataon na bigong matulungan ng Webster technique ang isang nanay na mababa ang level ng amniotic fluids. Kung nais mong subukan ito, humingi muna ng approval sa iyong doctor.

Postural Adjustments

Sa isinagawang 2012 Cochrane review sa anim na pag-aaral, ipinagkumpara ang resulta sa 417 na kababaihan na may suhi na baby at ang kanilang postural adjustments ang dahilan ng pag-ikot ng sanggol.

Dalawa lamang na pag-aaral ang nakitang may potensyal, ito ay noong 1987 at 1999. Ito ay ang knee-chest position at pelvic tilts. Ngunit napag-alaman na ang 170 na kababaihan na ito ay may regular na ehersisyo sa 30th week pa lang ng kanilang pagbubuntis. Kaya naman posible pa rin ang pagiging suhi ng sanggol kahit ikaw ay may regular na ehersisyo.

Hindi naman delikado ang postural techniques na ito ngunit ayon kay Dr. Lareau, kailangan pa ring magpakonsulta sa iyong doktor kung susubukan ito. ‘Wag na ‘wag ring gagawin ang posisyon na ito sa inyong bahay.

“Most of us, myself included, want to feel like we’re doing something about an issue,” dagdag ni Dr. Lareau. “But I do always want women to understand that if it doesn’t work, it’s not because they didn’t do it right or they’re a failure. It’s just that the exercises are not that effective.”

Para sa akin, ang ironing board technique, moxa at chiropractic ay hindi naging paraan para umikot si baby sa tiyan. At ayon pa sa aking ob-gyn na hindi ako pwedeng sumubok ng E.C.V. dahil mababa ang aking amniotic fluids.

Sa huli, ipinanganak ko ang aking anak via C-section. Dito ko na-realize na ang surgery ay isang tamang desisyon.

 

“Can You Flip a Breech Baby in the Womb?” ni Jyoti Madhusoodanan © 2020 The New York Times Company

Jyoti Madhusoodanan, Ph.D., is a science journalist and mom to a toddler.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

This story was originally published on 26 March 2020 in NYT Parenting.

Translated in Filipino by Mach Marciano

 

BASAHIN:

Max Collins ginawang smoothie ang PLACENTA (inunan) matapos manganak

Suhi si baby: Anong dapat gawin para maiwasan ito?

Preeclampsia at iba pang panganib sa panganganak

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

NYT Parenting

Article Stories
app info
get app banner