Maaari pa bang umikot ang suhi na baby sa tiyan?
Suhi na baby sa tiyan? May pagkakataon talaga na mararanasan ito ng mga nanay ngunit maaari pa bang umikot ang sanggol sa sinapupunan ng ina para maging normal ito?
Pwede bang maikot ang suhi na baby sa tiyan? Alamin dito ang mga paraang pwede mong subukan.
Sa ikatlong trimester ng pagbubuntis, kabilang sa checkup na ginagawa ng mga doktor ay ang pagsuri ng kasalukuyang posisyon ni baby. Isa sa mga salitang maaari mong marinig mula sa iyong doktor ay suhi o naka-breech position ang iyong anak. Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Talaan ng Nilalaman
Suhi o Breech position
Malaki ang papel ng posisyon ni baby sa tiyan sa iyong panganganak. Depende sa kaniyang puwesto, matutukoy ng iyong doktor kung posible ba ang normal o vaginal birth o kailangan mong sumailalim sa isang cesarean delivery.
Habang nalalapit ang iyong panganganak, ang iyong sanggol ay unti-unti ring bumababa papunta sa iyong birth canal. Umiikot siya sa posisyon kung saan kumportable siya at kasya ang kanyang ulo.
Mayroong apat na posisyong maaaring gawin ang baby sa loob ng iyong tiyan. Isa sa mga ito ang breech position o suhi. Ito ang posisyon kung saan ang kaniyang puwet o paa ang nakaturo pababa sa birth canal.
May tatlong klase ng breech position – ang frank breech, footling breech at complete breech.
Sanhi ng Breech
Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit nagiging suhi ang posisyon ni baby sa tiyan?
Ayon kay Dr. Rebecca Singson, isang OB-gynecologist mula sa Makati Medical Center, isa sa mga pangunahing dahilan ng breech position ay ang pelvic area ng nanay.
“Usually, thats related on how adequate the pelvis of the mommy is. Kasi the head of the baby is the biggest diameter of the body, bigger than the butt, kaya hahanapin talaga ng head niya ‘yung biggest diameter. Kung adequate ‘yung pelvis, talagang bababa na ‘yung head. So it depends din kung gaano kaluwag ‘yung abdomen ni mommy kung merong space para makaikot si baby.” aniya.
Bukod sa pelvis ni mommy, narito pa ang ilang posibleng dahilan ng breech:
- Kaunti o sobrang amniotic fluid o panubigang nakapalibot sa fetus.
- Uterine fibroids (myoma) o smooth muscle tumors sa uterus.
- Kakaibang hugis ng uterus.
- May higit sa isang fetus ang nasa loob ng tiyan o may kambal o triplets na anak.
Maaari pa bang umikot ang suhi na baby sa tiyan?
Noong 2000, nagkaroon ng mga pag-aaral tungkol sa iba’t ibang breech birth experiences ng 2,100 na kababaihan sa 26 na mga bansa. Napag-alaman dito na hindi delikado sa mga nanay na manganak ng suhi na baby.
Subalit mataaas ang tiyansa na mamatay ang baby o magkaroon ng komplikasyon kapag ito ay ipinanganak na suhi kumpara sa mga baby na lumabas via planned C-section.
Kung ikukumpara rin ito sa mga sanggol na normal ipinanganak, ang mga suhi na baby ay may tiyansa na maipit ang ulo sa birth canal habang ipinanganak.
Ayon sa isang OB-Gyn mula sa Orlando Health Winnie Palmer Hospital for Women and Babies sa Florida na si Dr. Christine Greves, M.D.,
“Compression of the head during delivery can also cause trauma to the brain, bleeding in the brain or cord prolapse leading to death,”
Ang 2000 study na ito ang nagtulak sa American College of Obstetricians and Gynecologists at iba pang grupo para irekomendang dumaan sa scheduled cesarean ang mga nanay na suhi ang posisyon ng baby kapag ipanganganak.
Ngunit gaya ng ibang surgery, hindi pa rin maiiwasan ang magkaroon ng komplikasiyon sa cesarean section. Ayon sa pag-aaral, maraming babae ang mas pipiliing manganak ng normal o vaginally.
Ayon kay Doc Becky, 2 sa 3 sanggol ang nakabreech position sa kanilang ika-20 linggo pero kusa naman silang umiikot bago dumating ang ika-36 na linggo.
“Even as much of 2/3 of babies are in breech before 20 weeks, pero by the time na dumating ka sa 36-37 weeks. mga 7% na lang remain in breech. Kasi iikot usually ‘yan to cephalic.” aniya.
Dagdag pa niya, kadalasan naman ay umiikot ang sanggol papunta sa anterior position bago siya ipanganak. Sa katunayan, may mga pagkakataon na nakakaikot pa ang breech baby sa tamang posisyon bago isagawa ang cesarean delivery.
“Very rarely I have seen na inadmit ‘yung patient, breech, so emergency CS siya. Binababa pa ‘yung mga cesarean sa operating room which is four floors down. By the time dumating dun, pag-CS, nakaikot na ‘yung baby, cephalic na siya.” kuwento niya.
Mga paraan para umikot ang breech baby
Malamang ay marami ka nang nakikita o nababasang paraan sa pag-ikot ng suhi na baby sa tiyan. Isa rito ang nirekomenda ng aking chiropractor na paghiga sa hindi komportableng posisyon ang nanay o pagpuwesto sa ironing board o plantsahan. Pero gumagana ba ang mga ito?
Narito ang mga karaniwang estratehiya ng mga nanay sa pag-ikot ng suhi na baby sa tiyan.
Manual Manipulation
Sa pagbubuntis, lumulutang talaga ang sanggol sa loob ng sinapupunan. Ngunit habang ito’y lumalaki at lumalapit ang third trimester, nagiging kontrolado na ang kanilang mga galaw. Hirap na silang maka-ikot.
May isang proseso para maikot si baby sa tiyan kung saan tinutulak ng isang trained clinician ang tiyan ng nanay pababa para maging “head-down position” ang sanggol bago ito ipanganak. Tinatawag itong external cephalic version technique o ECV. Ginagawa ito sa ospital para ma-track ang heartbeat ni baby.
Noong 2018, isang pag-aaral ang isinagawa sa nasa 3,000 na kababaihan. Ayon dito, matagumpay na naikot ang mga suhi na baby sa tiyan ng nanay sa pamamagitan ng ECV. Sa 2,614 na pasiyenteng sumubok ng ganitong paraan, 85% ay matagumpay na nanganak vaginally nang walang komplikasiyon.
Noong 2015 naman, ang cochrane systematic review ng walong pag-aaral ang nagpatunay na epektibo ang paraan na ito dahil ang 1,308 na sumubok ay nagtagumpay. “When you review the medical literature, the only thing that’s been demonstrated to truly work is the external cephalic version,” dagdag pa ni Dr. Greves.
Bihira lamang ang komplikasyon dito ngunit ayon sa mga babaeng nakaranas nito, hindi komportable at may kaunting sakit ang naturang procedure.
Pero hindi nirerekomenda ang ECV sa lahat, lalo na sa mga babaeng may mababang amniotic fluid levels, may history ng abnormal na pagdurugo o iba pang komplikasiyon katulad ng pre-eclampsia.
Acupuncture at Moxibustion
Ayon kay Judith Schlaeger, Ph.D., isang certified nurse-midwife at assistant professor of nursing sa University of Illinois sa Chicago, makakatulong ang tradisyonal na gamot sa magandang energy flow at circulation ng uterine muscles para mag-iba ng posisyon ang sanggol. Ito’y kapag dahan-dahang tinusok ng karayom ang isang bahagi ng katawan o mas kilala nating acupuncture.
Isa sa mga uri ng acupuncture na pwede sa mga buntis ang moxibustion. Ito ay isang tradisyunal na Chinese technique para makaikot ang isang suhi na baby.
Gamit ang mga mainit na stick ng dried herb at itinutusok sa mga daliri sa paa. Pinaniniwalaang may kakayahan itong i-trigger ang ating hormones at ma-relax ang muscles na nakakahikayat sa iyong baby na gumalaw at umikot.
Ayon sa website ng Bolton NHS Foundation, ang moxibustion raw ay 66 porsyentong mas epektibo kaysa sa ECV.
Subalit ayon kay Dr. Schlaeger na naglimbag ng review sa 16 na clinical trials sa moxibustion para sa suhi na baby noong 2018, “There’s no consistent protocol that’s been determined to be effective.”
Pero sa kabila ng pagkakaroon ng ilang side effects, sa palagay niya, “Generally speaking, there’s no reason not to try it.”
Chiropractic Manipulation And Massage
May ilang chiropractor ang nag-aalok ng abdominal massage at adjustment para umikot ang baby sa sinapupunan ng nanay. Ang procedure na ito ay kilala bilang “webster technique,” kapag inaalis ang tension sa uterine ligaments at muscles ng nanay na sanhi ng hirap na paggalaw ng sanggol sa tiyan.
Subalit hindi lahat nagtatagumpay sa ganitong paraan. May pagkakataon na bigong matulungan ng Webster technique ang isang nanay na mababa ang level ng amniotic fluids. Kung nais mong subukan ito, humingi muna ng approval sa iyong doctor.
Postural Adjustments
Sa isinagawang 2012 Cochrane review, ipinagkumpara ang resulta sa 417 na kababaihan na may suhi na baby at ang kanilang postural adjustments ang dahilan ng pag-ikot ng sanggol.
Sa isinagawang 6 na pag-aaral, 2 ang nakitang may potensyal. Ito ay ang knee-chest position at pelvic tilts. Subalit napag-alaman din na ang 170 na kababaihan na ito ay may regular na ehersisyo sa 30th week pa lang ng kanilang pagbubuntis. Kaya naman posible pa rin ang pagiging suhi ng sanggol kahit ikaw ay may regular na ehersisyo.
Hindi naman delikado ang postural techniques na ito ngunit ayon kay Dr. Lareau, kailangan pa ring magpakonsulta sa iyong doktor kung susubukan ito. Huwag na ‘wag ding gagawin ang posisyon na ito sa inyong bahay.
“Most of us, myself included, want to feel like we’re doing something about an issue,” dagdag ni Dr. Lareau. “But I do always want women to understand that if it doesn’t work, it’s not because they didn’t do it right or they’re a failure. It’s just that the exercises are not that effective.”
Sleeping position ni Mommy
Para naman sa ibang eksperto, may isang posisyon ng pagtulog ng buntis na maaring makatulong para umikot ang baby sa tiyan.
Ayon kay Rue Khosa, ARNP, FNP-BV, IBCLC, isang board-certified family nurse practitioner, dapat humanap ng posisyon ang nanay kapag natutulog kung saan magiging maluwag ito at hindi naiipit ang kanyang pelvic area.
Aniya, makakatulong ang pagtulog ng nakatagilid nang may unan sa pagitan ng iyong mga tuhod at sakong. “The more room your baby has, the easier it will be for them to find their way to a vertex position,” dagdag niya.
Para sa akin, ang ironing board technique, moxa at chiropractic ay hindi naging mabisa para umikot si baby sa tiyan. Gayundin, hindi nirekomenda ng aking OB na sumailalim ako sa ECV dahil mababa ang aking amniotic fluids.
Sa huli, ipinanganak ko ang aking anak via C-section. Dito ko na-realize na ang surgery ay isang tamang desisyon.
Bago sumubok ng mga paraan para umikot ang iyong baby sa tiyan, laging sumangguni sa iyong OB-gynecologist para maiwasan ang mga aksidente o komplikasyon.
“Can You Flip a Breech Baby in the Womb?” ni Jyoti Madhusoodanan © 2020 The New York Times Company
Isinalin sa Filipino ni Mach Mariano
Additional sources:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.