Isang ina ang nagbahagi sa Facebook ng kaniyang nakakatakot na karanasan. Ito ay nang mapansin niyang biglang nagbago ang ugali ng kaniyang anak. Aniya, nagkaroon raw ng suicide risk ang 7-taong gulang niyang anak, at dahil raw ito sa internet at sa mga online games.
Posible nga bang magkaroon ng ganitong epekto ang internet sa mga bata? At ano naman ang magagawa ng mga magulang tungkol dito?
Suicide risk na dala ng internet, hindi dapat balewalain
Para sa maraming tao, malaki ang naitutulong ng internet. Ito ay nagagamit upang makaalam ng mga balita, makipag-usap sa mga tao mula sa ibang bansa, at makipag-reconnect sa mga kaibigan na matagal nang hindi nakakausap. Kung tutuusin, isa na ngang necessity, o pangangailangan ang pagkakaroon ng internet para sa atin.
Ngunit mayroon din itong masamang epekto sa mga kabataan. Dahil sa dami mga positibong dulot ng internet sa ating mga buhay, ito rin ay nagdadala ng negativity, lalong-lalo na sa mga bata.
Halimbawa na lamang ang naging karanasan ng inang si Meridy Leeper. Ibinahagi niya ito sa Facebook, at inuudyok ang mga magulang na mag-ingat kapag pinapagamit ng internet ang kanilang mga anak.
Ayon kay Meridy, natuto kung paano magpakamatay ang kaniyang 7-taong gulang na anak dahil sa mga online games at YouTube videos. Ito raw ay dahil madalas maraming nagsasabi ng “go kill yourself” sa mga online games na ito. Pati raw ang mga videos sa YouTube na dapat ay pambata, mayroon rin daw ganitong klaseng mga mensahe.
Dahil dito, nakaranas ng matinding anxiety attack ang anak ni Meridy. Napakabata pa ng 7-taong gulang upang magkaroon ng ganitong klaseng problema, pero ayun na nga ang nangyari sa anak niya. Bukod dito, nakita raw ni Meridy na gumuhit ang kaniyang anak ng larawan na may ipinapakitang taong nagbigti at nagpakamatay.
Sana raw ay maging maingat ang mga magulang pagdating sa ganitong mga bagay, dahil posibleng ang kanilang anak naman ang maapektuhan nito. Mahalaga raw na bantayan ng mga magulang kung ano ang ginagawa ng kanilang mga anak online. Bukod dito, dapat kontrolado rin ang nagiging screen time ng mga bata.
Sumang-ayon sa kaniya ang mga netizens
Sa post ni Meridy, sumang-ayon lahat ng mga magulang na dapat maging maingat sa internet. Iba na ang mga panahon ngayon, at dapat maging mapanuri ang mga magulang sa mga pinapanood at nilalaro ng mga bata. Hindi na sapat ang pinababayaan lang silang maglaro o magtingin ng videos, mahalagang kasama rin daw ang mga magulang kapag nasa internet ang mga bata.
Ito ay upang maipaliwanag ng mga magulang ang ilang mga konsepto, at para na rin masiguradong walang maling nilalaman ang pinapanood na videos ng mga bata.
Ilang mga paalala sa mga magulang
Para sa ating mga matatanda, sanay na tayong mag-filter ng mga bagay-bagay na nababasa natin sa social media, at sa internet. Ngunit para sa mga bata, madali silang maimpluwensiyahan ng mga negatibong bagay. Kaya dapat gumawa ng mga hakbang ang mga magulang upang hindi magkaroon ng masamang karanasan ang mga bata habang gumagamit ng internet.
Heto ang ilang mga tips na dapat tandaan:
- Huwag hayaang mgaing sobrang dependent sila sa screentime para lang hindi sila mainip. I-encourage sila na maglaro sa labas o gamit ang mga tunay na laruan.
- Ang mga baby edad 18 months pababa ay hindi dapat pinapagamit ng smartphone o kahit anumang gadgets.
- Siguraduhing pumili ng high-quality na palabas sa TV para sa iyong anak. Tabihan sila lagi kapag nanonood ng mga video, lalo na kapag online sila.
- Limitahan ang screen time ng iyong anak. Huwag sosobra sa isa o dalawang oras kapag ang anak mo ay mahigit dalawang taong gulang na.
Source: Facebook
Basahin: Momo Suicide challenge led to deaths of two children