TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Babae sa Vietnam nagtamo ng second-degree burns matapos sumabog ang lobo malapit sa kandila ng kaniyang cake

3 min read
Babae sa Vietnam nagtamo ng second-degree burns matapos sumabog ang lobo malapit sa kandila ng kaniyang cake

Iwasan na maidikit ang balloon sa apoy kapag may mga okasyon.

Isang Vietnamese na babae ang nagtamo ng second-degree burns matapos sumabog ang hawak niyang mga balloon nang madikit ito sa kandila ng kanyang birthday cake. Ang dapat sanang masayang selebrasyon ay nauwi sa isang nakakatakot na insidente na naging viral sa social media.

Ayon sa paunang ulat ng PhilStar Life, naganap ang insidente habang ipinagdiriwang ni Giang Pham ang kanyang kaarawan. Sa isang Facebook post noong Pebrero 20, ibinahagi niya ang 8-segundong video kung saan makikita ang pagsabog ng mga lobo habang hawak niya ang kanyang cake. Sa video, makikitang masayang kumakanta ang kanyang mga bisita nang biglang sumabog ang mga lobo matapos madikit sa apoy ng kandila, dahilan upang matakpan ng apoy ang kanyang mukha at itaas na bahagi ng katawan.

Sumabog na balloon, paano ito nangyari? 

sumabog na balloon

Screenshot mula sa Instagram Video ng Insidente

Ayon kay Pham, hindi niya alam na delikado ang hydrogen-filled balloons. Ang hydrogen ay isang highly flammable gas na maaaring sumabog kapag nalapit sa init o apoy. Sa nangyaring insidente, ang mga lobo na kanyang hawak ay nadikit sa kandila, na naging sanhi ng mabilis na pagsabog. Sa lakas ng pagsabog, nagkaroon siya ng first- at second-degree burns sa kaniyang mukha at katawan.

Dahil sa kanyang mga sugat, kinailangan niyang sumailalim sa gamutan, ngunit sa kabutihang-palad, ayon sa kanyang doktor, hindi mag-iiwan ng permanenteng peklat ang kanyang mga paso. Gayunpaman, aabutin ng ilang buwan bago bumalik sa normal ang kulay ng kanyang balat.

sumabog na balloon

Screenshot mula sa Instagram Video ng Insidente

Ang panganib ng mga flammable balloons 

Karaniwang ginagamit ang mga lobo bilang dekorasyon sa mga celebration kagaya ng mga birthday, kasal, binyag, at iba pa, subalit hindi lahat ng lobo ay ligtas. Ang ilang lobo ay may hydrogen, na mas mura ngunit lubhang delikado. Sa halip, mas mainam gumamit ng helium balloons, na hindi nasusunog at mas ligtas sa mga celebration. 

5 tips para sa ligtas na celebration

sumabog na balloon

Larawan mula sa Freepik

Para maiwasan ang ganitong trahedya, narito ang ilang safety tips para sa mas ligtas na selebrasyon:

  1. Gumamit ng helium balloons – Iwasan ang hydrogen dahil ito ay madaling magliyab.
  2. Huwag ilapit ang mga lobo sa apoy – Panatilihing malayo ang mga lobo sa kandila, fireworks, at iba pang pinagmumulan ng init.
  3. Siguraduhin ang kalidad ng mga lobo – Bumili lamang sa mga mapagkakatiwalaang tindahan at alamin kung anong gas ang ginamit.
  4. Panatilihing may distansya ang mukha sa kandila – Huwag hayaang lumapit nang sabay ang mukha, lobo, at apoy.
  5. Maghanda ng first-aid kit – Mahalaga ang agarang lunas kung may hindi inaasahang aksidente.

Ang insidenteng ito ay isang paalala na dapat tayong maging maingat sa bawat detalye ng ating mga selebrasyon. Sa wastong pag-iingat, masisigurong ligtas at masaya ang bawat pagdiriwang.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

 

TheDailyGuardian

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Babae sa Vietnam nagtamo ng second-degree burns matapos sumabog ang lobo malapit sa kandila ng kaniyang cake
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko