Naging usap-usapan ang misis na si Jam ng mga netizen dahil sa pag-oonline selling nito ng mga gamit ng kanyang mister na “sumakabilang-bahay” o nagkaroon ng ibang kinakasama.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- “Sumakabilang bahay” na asawa ginawang online business ang mga gamit ng kanyang misis
- Mga epekto ng pangangaliwa
“Sumakabilang bahay” na asawa ginawang online business ang mga gamit ng kanyang misis
Masakit na maranasan sa isang relasyon ang pagtaksilan. Labis na nakakawasak ng pagkatao ang ipagpalit sa iba. Madalas nag-iiwan pa ito ng trauma at nakapagpababa ng self-esteem at self-confidence.
Kaya nga ang dating pagmamahal na mararamdaman ay mapapalitan ng galit kaya nagkakaroon ng kagustuhang gumanti. Sa kaso ng misis na si Jam, naisip niyang paraan ang pagbebenta ng gamit ng kanyang mister na nangloko sa kanya para maibsan ang sakit ng ginawa nito.
Nag-trending ang online business ni Jamille Margarita o kilala rin bilang Jam dahil sa pagbebenta nito sa social media ng mga gamit ng kanyang asawa. Sa video niya na nag-oonline selling, tinawag niya ito na “Asawang Sumakabilang-bahay Live Selling.”
Sa isang segment ng noontime show na Eat Bulaga, ikinwento niya ang relasyon nila ng mag-asawa. Ayon kay Jam, 7 taon na raw silang nagsasama ng mister at mayroong 3 anak na pare-parehong bata pa.
Nakaranas daw siya ng emotional abuse mula sa mister dahil sa masasakit na salitang kanyang natanggap. Iniwan daw sila nito para sa isang babae na bago na nitong karelasyon. Sinubukan daw ni Jam na tanungin ang mister kung bakit niya ito nagawa,
“Ako po tinatanong ko po siya kung ano bang problema, ano bang mali? Bakit ganyan, bakit iniiwan mo kami. Wala raw pong mali, wala raw pong problema sa akin. Pero hindi na raw po siya masaya. ‘Yun lang po ‘yung sagot niya sa akin.”
Una raw na naramdaman niyang parang hindi na niya asawa ang mister nang nagbubuntis ito sa kanilang pangatlong anak. Para raw may mali dahil intentional na ang pananakit nito sa kanya.
Noong mga panahon daw na iyon ang busy siya sa business kaya gabi na niya naaasikaso ang mister. Wala na raw pinararamdam na pagmamahal ito sa kanya at unti-unting nanlamig.
Nakaranas na raw siya na minumura siya nito at sinisigawan sa tuwing may itatanong siya o makikipausap. Nakikita na raw ito ng panganay nilang anak at sinasabihan silang huminto na. Nahirapan daw siya sa kalagayang ito pero pinilit niyang ipaliwanag ito sa kanya.
Kahit daw ginagawa niyang comedy ang pagbebenta ng mga gamit ng asawa, hindi pa rin daw siya nakaka-move on nang tuluyan sa nangyari.
BASAHIN:
Why serial cheaters will have difficulty changing, according to science
“It takes time po diba? It’s a long process. So, siguro po ginagawa ko lang ngayon wala na po akong choice eh. There’s no way to go po eh but to pick-up myself.”
Para sa kanya, naroon na raw siya sa part na tinanggap na niya pero nasa proseso pa rin siya ng pagmo-move-on.
Dagdag pa ni Jam, tatlong beses na raw silang iniwan nito para sa parehong babae. Hindi niya raw in-expect sa huling pagkakataon na magagawa pa ring gawin ng kanyang dating mister ang mangaliwa.
Hindi na raw niya nakikita ang sincerity kung sakaling bumalik pa ito kaya baka hindi na raw niya ito tatanggapin pa.
Inaalala niyang para raw hindi siya iwan, nagmakaawa siya sa mister. Dahil din sa panloloko ng kanyang asawa ay naisip niyang saktan ang kanyang sarili.
Naka-survive raw siya sa pangyayaring ito kaya naisip niya na tama na ang panloloko ng asawa. Inisip niya rin na dapat ayusin na niya ang kanyang sarili.
Dahil daw sa malalang pangyayari na ito, binubuksan ni Jam ang consideration na magpa-therapy sila ng kanyang mga anak. Pareho raw kasi silang naapektuhan kaya mainam na magpakonsulta sila.
“Naaawa na po ako sa mga anak ko eh, parang napapabayaan ko sila.”
Sa pagkakataon daw na ito ay pipiliin na niya ang kanyang sarili para sa mga anak nila.
Mga epekto ng pangangaliwa
Hindi biro ang cheating at hindi ito phase ng relasyon kaya dapat hindi ito dapat nararanasan. May matindi at long-term na epekto ito sa tao. Ang ilan sa maaaring maranasan ay ang mga:
- Pagbaba ng self-esteem
- Pagkakaroon ng trust issues
- Paninisi at pamamahiya sa sarili
- Labis na pagkagalit
- Pagkakaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD)
- Pagdevelop ng anxiety at depression
- Pagkaranas ng pagiging guilty