Ang summer camps at workshops ay di lamang para sa mga school-aged kids. Marami nang mga activities ngayon na dinisenyo para sa mga toddler na kahit nagsisimula pa lamang kilalanin ang sariling kakayahan, ay handa nang lumabas sa mundo at makisalamuho sa ibang bata at ibang tao.
Ano ang pwedeng gawin ng mga magulang para hindi lang puro TV, gadgets at mga nanny o lolo at lola ang kasama ng mga batang 2 hanggang 4 na taong gulang ,buong maghapon?
Ano ang mga mahahalagang values at skills na kailangang matutunan ng bata? Narito ang mga kakayahan na dapat pagyamanin, at ilang summer workshops na bagay sa bawat kakayahan.
Tulungan siyang magkaron ng mga bagong kakilala at kaibigan
Mahalagang makasama ang anak sa mas mahabang oras, hangga’t maaari, lalo’t bata pa ito. Pero hindi rin naman sapat na tanging mga magulang, kasambahay, yaya, at lolo at lola lamang ang palaging kasama at kausap ng bata sa imporanteng edad na ito. Kaya’t ang mabuting gawin ay dalhin siya sa mga lugar na may makakalaro siya, o kaya’y magplano ng mga playdates kasama ang mga anak ng kaibigan, kapitbahay o mga pinsan ng bata na kasing-edad niya. Ang pakikipagkilala, pakikipaglaro, pakikisalamuha, at pakikipagkaibigan ng isang toddler ay isa sa mga importanteng milestones sa edad na 18 buwan hanggang 36 buwan, at makakatulong sa healthy development nito, ayon sa Statutory framework for the early years foundation stage Setting the standards for learning, development and care for children from birth to five, ng United Kingdom Department of Education (pub. March 2017)
Subukan ang programa ng:
Creative Explorers School for Children
Mayron silang Play Group para sa mga 2 hanggang 3 taong gulang, na isang Summer Preschool na maghahanda para sa mga unang beses na papasok sa eskwelahan sa susunod na Academic Year. Tatlong beses lamang ito kada linggo, Para naman sa mga batang 4 hanggang 5 taong gulang, mayrong Literacy at Math Games Playshop. Ang dalawang ito ay magsisimula sa April 16 hanggang May 11, 2018.
47 Visayas Avenue, Quezon City, Philippines
+63 2 924 0904
https://www.facebook.com/pg/creativeexplorersschool/about/?ref=page_internal
Bigyan siya ng mga oportunidad na matuto ng mga skills, lalo na sa musika
Ang bawat bata ay kailangan ng pagkakataon na makinig at matutong gumalaw sa salaw ng musika at kumanta, dahil ito ang pinaka-epektibong paraan ng isang toddler na matuto ng literacy skills, at magiging pundasyon niya para sa pagsulat at pagbasa sa kaniyang paglaki, ayon pa rin sa EYFS journal. Kahit hindi pa niya tuluyang matututunan kung paano tumugtog ng isang instrumentong pang-musika, ang paggamit nito ay isang mahalagang pagkatuto para sa kaniya. Natututo siyang makinig at matuto ng tunog, bukod pa sa pagpapayaman ng kakayahan niya sa social interaction.
Kaugnay nito, pwede pang mag-host ng isang dance party, na isang takdang oras kung saan magsusuot ng gusto niyang costume o damit ang bata, at magpapatugtog si Mommy o Daddy ng mga paborito at usong dance music. Mag-imbita ng mga kalaro para sa “afternoon dance party”, at maghanda ng munting meryenda para party mode talaga.
Subukan ang programa ng:
BALLET PHILIPPINES
Mayron silang Play School, Children’s Ballet, at Music para sa mga batang mula 2-4 taong gulang.
BPDS – CCP, 832-3689 | BPDS – SM Aura Premier, 531-4456 | Maritess A. Yong School of Dance – Greenhills, +639156306968 | BPDS – Victoria Sports (Quezon City), 09279185238 website: ballet.ph
Hayaan silang matutong lumangoy
Ito ang isang kakayahan na mabuting matutunan mula pagkabata. Ano pa nga ba ang pinakamasayang gawin kapag tag-init kundi maglagi sa tubig. Kung maagang ipapakilala ang tubig at paglangoy sa bata, magkakaron siya ng natural na hilig at kakayahan sa paglangoy.
Subukan ang programa ng:
AQUALOGIC SWIM CO.
Ang AquaBabies class ay para sa mga batang mula 6 na buwang hanggang 35
buwang gulang, at AquaTots/AquaKids para sa mga batang 2.5 taong gulang
hanggang 14 taong gulang. May Batch 1 sa April, Batch 2 sa May at Batch 3 sa June.
Ito ay sa Makati, Ortigas, at Parañaque.
Mobile number: +63 917 858 2782 at +63 917 675 2782;
Landline number: +63 2 7036386 Website https://aqualogicswimco.com
Ipakilala sa kaniya ang buhay camp
Gawing exciting at masaya ang paglalagi sa bahay—gumawa ng indoor “fort” o tent, at mag-indoor o di kaya’y backyard camping. Hindi naman kailangang malaking lugar, basta’t creative at resourceful ka, makakagawa kayo ng paraan. Ilang kumot, unan, mga laruan, flashlight lang at meryenda tulad ng popcorn, pwede nang mag-camping. Isang paraan ito para matuto ng maraming skills, tulad ng creativity, social at emotional, pati na rin physical. Kung maaga pa ay naipakilala na sa kaniya kung ano ang camping at ang kasiyahan nito, madadala niya ito paglaki, at sa totoong camping na ay magiging interesado din siya.
Subukan ang programa ng:
GALILEO EASTWOOD
Mayron silang Summer Zoofari Day Care Program para sa mga batang 2 hanggang 4 na taong gulang, kung saan may art exploration, puzzles at shape sorters, dance, at music, stories at circle time para mapagyaman ang social-emotional skills at listening skills para sa pagsunod sa mga panuntunan at instructions, halimbawa. Simula ng mga klase itong April 2018 (limited slots).
Tel. no. 0905 – 4582853 or 730 – 3721
CONSIS BETTER LEARNING CENTER
Mayron silang Summer Learners Lab, na iba’t ibang exploration laboratory para sa
iba’t ibang edad. Ang Wonder Lab ay para sa mga batang 2 hanggang 6 na taong
gulang. Magsisimula ito sa April 16 hanggang May 18, 2018.
Tel. no. 09 17 – 5302115 or 541-5142 ; Website: www.consislearning.com
Lumikha ng sariling aklat at artwork
Ibabad ang bata sa pagbabasa at sa mga libro, kahit hindi pa siya marunong magbasa. Maglagay ng Reading Corner na may book box o book shelf, at bigyan siya ng Silent Reading Time kung saan malaya siyang pumili ng gustong “basahin” na libro. Oo, uupo lang siya at magbubukas ng aklat, pero ito ang pinakauna niyang reading skill, na magiging pundasyon ng isang mahusay na literacy skills paglaki. Magtakda din ng oras para sa storytelling, kung saan ang magulang ang magbabasa para sa bata. Gawing kapwa audience ang mga manyika at stuffed toys ng bata, para masaya. Pagkatapos ay hikayating magkwento ang anak, habang dino-drawing niya ang sinasabi. I-record ito at isulat pagkatapos, para maging orihinal na libro na akda ng iyong anak!
Bigyan siya ng mga pang-kulay tulad ng crayons at pintura, at hayaan siyang mag-pintura o gumuhit. Mag-ipon ng mga papel na gamit na pero pwede pang mapag-drawingan ng bata.
Subukan ang programa ng:
THE LEARNING LIBRARY
Mayron silang Reading, Filipino at Writing classes para sa mga batang 3 taong
gulang pataas, na magsisimula ngayong April 2018.
Tel. no. 0917-8282669 o mag-email sa inquiry@learninglibraries.com.
READ: Delicious dieting: Summer fruits that can help you lose postpartum weight quickly!