Maraming nabigla noong lumabas ang balita na nasusunog daw ang SM Megamall. Ayon sa ABS-CBN news, nagmula ang sunog sa isang basement ng construction site katabi ng sikat na mall. Dahil sa makapal na usok, na nagdulot na rin ng mabigat na trapik sa Ortigas, maraming nag-akalang sa mismong Megamall ito sumiklab.
Sa isang panayam sa ABS-CBN news, sinabi ng SM Supermalls na ang kanilang Emergency Response Team kasama ang Bureau of Fire Protection ay tumugon agad sa emergency. Ayon sa kanila, isang bahagi lamang ng mall ang naapektuhan ng usok.
Ni-reassure naman nila ang publiko na sinisiguro nila ang safety ng lahat ng tao sa loob.
Naganap ang sunog kaninang 7:30. Naapula rin ang apoy pagkatapos ilikas ang mga tao sa bandang Fashion hall, dahil sa makapal na usok pababain sa basement level ang mga tao sa mall na naka-park malapit sa naapektuhang bahagi ng mall.
BASAHIN: Anong Dapat Gawin Kapag Na-Trap sa Sunog sa Mall?