LOOK! Sunshine Cruz super proud sa anak na 1st honor

Masayang-masaya si Sunshine Cruz sa achievement ng kaniyang anak na si Samantha sa school. Ayon sa aktres isa ito sa inspirasyon niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinida ni Sunshine Cruz ang bagong achievement ng kaniyang anak na si Samantha sa kaniyang social media.

Sunshine Cruz sa mga anak: You inspire me to work harder

Ibinahagi ni Sunshine Cruz sa isang Instagram post ang dalawang picture. Makikita sa isang picture na magkasama sila ng kaniyang anak na si Samantha. Habang sa ikalawang larawan naman ay ang graduation photo ng anak.

Larawan mula sa Instagram ni Sunshine Cruz

Ayon kay Sunshine Cruz, noong first at second term ay 2nd honor ang kaniyang si Samantha. At ngayong third term ay nasungkit nito ang unang karangalan o first honor. Sobrang proud ang aktres sa sipag at husay ng kaniyang mga anak na mag-aral.

“2nd honors for 1st and 2nd term. 1st honors for 3rd term. You know how much this means to me,” caption ni Sunshine sa kaniyang Instagram post.

Larawan mula sa Instagram ni Sunshine Cruz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa nito, ang kaniyang mga anak ang patuloy niyang inspirasyon para sipagin sa pagtratrabaho.

“You girls always inspire me to work harder. Konti nalang College ka na. Proud of you my Sam. At sigurado akong proud din ang dad at Tita Kath mo sa iyo/inyo. Congratulations! I love you anak!!”

Binaha ng pagbati ang nasabing IG post mula sa mga fan at mga kaibigan ng pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang commenter, “Beauty with brains like mommy. Keep making us proud Sam! Also Angelina and Chesca. Congratulations and see you soon.”

Larawan mula sa Instagram ni Sunshine Cruz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buhat noong 2013 nang maghiwalay si Sunshine at ang dating asawang si Cesar Montano ay ang aktres na ang tila tumayong ama at ina sa mga anak. Mayroong tatlong anak na babae ang aktres. Ito ay sina Angelina, Samantha, at Francheska. Mula sa pagiging housewife ay naging full-fledged working momma si Sunshine. Kung saan ay binabalanse nito ang kaniyang oras sa pagiging isang ina, at pagiging artista sa show business.

September 2018 nang ganap na ma-annul ang kasal nina Sunshine at Cesar.

Sinulat ni

Jobelle Macayan