LOOK: Sunshine Garcia, ipinanganak na ang secoond baby nila ni Alex Castro

Congratulations Sunshine at Alex!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinanganak na ang 2nd baby ng former Sexbomb dancer na si Sunshine Garcia at actor-politician na si Alex Castor.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kilalanin ang Baby ni Sunshine Garcia
  • Karanasan ni Sunshine Garcia bilang isang magulang
  • Sunshine Garcia and Alex Castro love story

Kilalanin ang Baby ni Sunshine Garcia

Ang aktres at dating Sexbomb dancer na si Sunshine Garcia at ang aktor-politician na si Alex Castro ay nakatanggap ng isang maagang regalo sa Pasko nang isinilang ni Sunshine ang kanilang baby.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sunshine ang litrato ng kanilang bagong silang na anak na si Alexander na may caption na "Our baby Alexander".

Samantala sa kaniya namang Facebook post, ibinahagi niya ang short clip video ng kaniyang baby na may caption na "Hey guys meet our Baby Alexander. Thank you Lord sa paguide sa amin."

Baby ni Sunshine Garcia at Alex Castro. | Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"He’s here". Ang caption naman sa instagram post ng asawang si Alex Castro.

Baby ni Sunshine Garcia at Alex Castro. | Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Garcia

Noong Setyembre, inihayag ng aktres na gusto niya ng baby girl. Nag-post siya ng video clip ng kanilang gender reveal party na dinaluhan ng mga mahal sa buhay. Sa pagkakataong ito ay baby boy pa rin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Biro ni Sunshine sa asawa, "Ayaw pa din ng girl ha pwes gagawa ako ng paraan mamimili ka sa mga boys natin kung sino gagawin ko sa kanilang girl. Char."

Baby ni Sunshine Garcia at Alex Castro. | Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Garcia

Sa kaniya ring Facebook post, sinabi niya na,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"'Yong iniisip ko pina-prank lang nila ako. It’s a Boy talaga. 'Di bale may next time pa, importante healthy siya.”

Hindi naman pahuhuli sa tiktok dance si Sunshine habang nagbubuntis kay baby Alexander. Makikita pa rin ang kaniyang galing sa pagsayaw bilang siya ay naging Sexbomb dancer.

Kung minsan ay sinasabayan siya ng panganay na si Axel.

Hulyo ng taong ding ito, ibinahagi ni Sunshine sa Instagram ang magandang balita sa pamamagitan ng mirror selfie nila ng asawang si Alex Castro sa gym. Sa kuha, nakasuot siya ng workout set na nagpapakita ng kanyang baby bump.

“See you soon bunso. Excited na kaming makita ka. Pwede ka maging makulit ha 'wag lang kasing kulit ni Axel please.” Sulat ni Sunshine sa kaniyang post.

Bukod sa pagbati ng kaniyang Instagram followers, nakatanggap din si Sunshine ng mga mensahe mula sa mga celebrity friends, kabilang sina Kaye Abad, Lian Paz, Chynna Ortaleza, MJ Lastimosa, Nicole Hyala, Ritz Azul, at Pokwang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

8 baby shower ideas na siguradong pasok sa budget mo

Funny Delivery Story: "Sa tagal ng labor ko, nag-ML na 'yong mga nurse sa delivery room"

Magkano manganak ng normal ng delivery sa ngayon? Ito ang mga dapat mong malaman

Karanasan ni Sunshine Garcia bilang isang magulang

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa interview ni Sunshine sa Philippines Entertainment Portal (PEP) noong 2019, ibinahagi niya ang karanasan ng pagiging isang ina.

"Sa akin, nagwo-work ako, sanay ako magtrabaho 'tapos in one click, sa bahay ka lang, kailangan ito ang gagawin mo, magpapa-breastfeed ka, kailangan mo ayusin gamit niya."

Ayon pa sa kaniya, ang pinaka-challenging bilang isang magulang ay mawawalan at makukulangan ka sa tulog.

"Walang tulog, as in literal na wala akong tulog. Umikot talaga 'yong mundo ko, hindi siya ganun kadali. Minsan, dumarating 'yong time na parang pagod ka na, pagod 'yong utak mo, wala kang matinong tulog, minsan bibigay."

Mahirap man at malaki ang naging pagbabago sa takbo ng buhay niya, ito ay isa pa ring bagay na dapat enjoyin ng isang babae – ang pagiging ina.

Sunshine Garcia and Alex Castro love story

2015 nang magkakilala ang mag-asawa. Una silang nagkasama noong Marso at inulan ng kontrobersya dahil dating nililigawan ni Alex ang aktres na si Jef Gaitan bago ang kanilang relasyon.

Nag-propose naman ang aktor kay Sunshine taong 2017. Sa isang video, makikita na natigilan si Sunshine habang nagbibigay ng message si Alex sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Napaiyak naman si Sunshine sa sorpresa at sumagot ng “yes”.

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Garcia

“'Yong inakala ko na lagi na lang ako magiging audience kada may mag propropose at ikakasal.” Sabi ni Sunshine sa kaniyang instagram post.

“'Yong malapit ko ng tanggapin sa sarili ko na baka hindi para sa akin ang ganitong klaseng love story.. Hanggang sa dumating ka at binago mo 'yon.” dagdag niya.

Ikinasal naman ang dalawa noong March 2 sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila. Dinaluhan ito ng malalapit na kamag-anak at mga kaibigan.

Source:

Instagram

Written by

Kyla Zarate