May funny delivery story ba kayo? Ako, oo, basahin ang funny experience ko na ito.
Ang panganganak ay isang mahirap at dakilang bagay. Parati akong pinapahanga ng mga ina sa hirap, na sa halip ay magreklamo, nagiging huwaran sila ng isang matibay na katangian. Sila ay nagkakapare-pareho sa pagiging isang matatag na kababaihan na handang lumaban sa hamon ng buhay.
Ako ay isang tipikal na Breadwinner ng aming tahanan. Ang aking ama, ay maagang tumigil sa paghahanap buhay gayundin ang aming ina kaya nang ako ay makatapos, sa akin na napunta ang mga responsibilidad upang matuntunan ang aming pamilya.
Hindi ako katulad ng iba na na-enjoy ang kanilang kinikita ng pansarili lamang. Ngunit ako ay pinasaya nito sa pamamagitan ng pagbibigay ngiti sa aking pamilya.
Sabihin na nating salat, mahirap at hindi sapat ang aking kinikita, ngunit bilang isang anak, hindi ko kayang makita sila na makaramdam ng hirap at lungkot sa buhay.
Hindi mabibili ng pera ang kasiyahan
Aminin natin na kahit ang katagang, “Hindi kaya bilhin ng pera ang kasiyahan”, ang totoo ay isa ito sa magiging sangkap upang magbigay saya sa lahat.
Hindi natin ito kailangan, ngunit ito ay nagiging importante sa buhay. Dahil sa pera, may nadudugtungang buhay, may sumasayang pamilya at nabubusog na sikmura.
Pero hindi ko man masabing naibigay ko sa kanila ang lahat alam kong minsan sa aking buhay ay akin silang napaligaya.
Nang ako ay magbuntis. Sobrang hirap ng aking pinagdaanan. Kaliwa’t kanan sa aking pamilya ang may karamdaman ganun din sa aking mapapangasawa. Ang aking anak ang naging isang biyayang minahal ng lahat agad ng kanilang malaman na ito’y aking nasa sinapupunan.
Ikatatlong buwan ng aking pagbubuntis ng aming mapagdesisyunan na kami’y magpakasal sa simbahan ng aking mahal na asawa. Bago ‘yon, napakahirap dahil ang lahat ng preparasyon at gawain ay akong ang umaako sapagkat gusto kong maging pokus at pulido ang lahat.
Pagsubok sa pagbubuntis
Ngunit habang nasa preparasyon December 2019, ako ay dinugo sa unang pagkakataon sa aking trimester. Sobrang lungkot ko agad ng makita ang isang malaking dugo sa aking damit.
Iyong buhay na aking dinadala ay natunaw na lang at umalis sa aking sinapupunan, subalit hindi pala. Kinaya ng aking anak na lumaban kasabay ng aking pagdadasal na bigyan ako ng magandang pagbubuntis.
Sa gitna ng pagod, nagkaroon kami ng isang masaya at memorable na araw ng pagiisang dibdib ng aking asawa. Pakiramdam ko ay nabasbasan ako at ang aking anak ng Panginoon upang magkaroon ng masayang pamilya.
Ngunit January ng sumunod na taon, ang aking Ama. Ay binawian ng buhay. Kasabay nito ang sunod sunod na trahedya sa mundo. Pagputok ng bulkang Taal, mga sunog sa iba’t ibang parte ng mundo, Bird flu at lalong ang pinakatatakutan natin hanggang sa ngayon na COVID19.
Larawan mula sa Shutterstock
Naging mahirap ang aking pagdadalang tao sapagkat ang mga pwedeng mangyari sa buhay ay napakahirap kalaban. Hindi natin alam kung kailan pwede tamaan.
Nagsimula na ang mga sinasabing mood swings ng aking pagbubuntis lalo na ang mga breakdown ko sa pag-iisip na sa gitna ng lahat ng nangyayari ito ba ay aking kakayanin.
Kinailangan ko pading maghanap buhay kahit maselan ang aking pagbubuntis sapagkat ako parin ang susuporta sa aking pamilya at ayaw kong ipaako lamang sa aking magiging asawa ang aking panganganak.
BASAHIN:
REAL STORIES: “CS dapat siya pero ipinilit pa rin na ipag-normal delivery”
Mom confession: “Dahil sa mabilisang labor, nagkaroon ako ng fourth-degree vaginal tear.”
REAL STORIES: “After 3 days ng labor, CS din pala ang ending!”
My Delivery Story
Ang aking Due date May 30 ng taong 2020. Ngunit isang malaking kaba sa dibdib ng April 16 ng nasabing taon, ako ay nakaramdam ng sakit ng puson katulad ng sa Dysmenorrhea.
Hindi ko masabi ‘yong kasing sakit. Para akong pinipilipit. Mas natakot ako ng sinabi ng Lola ng asawa ko na baka ako’y manganganak na dahil ito ay mga pangitain ng isang manganganak na.
Dinala ako sa hospital ng aking asawa at bayaw. Na sa gitna ng Pandemiya dala din namin ang takot at pangamba ng maaaring kalabasan ng aming anak.
Nasa 35 weeks pa lamang ako ng aking pagbubuntis. At nakasanayan na dito sa atin na katakutan ang pagkakaanak ng premature. Ngunit ako ay nagtiwala padin sa kakayahan ng Maykapal.
Sinabi ng doctor na pipilitin naming pakapitin ang sanggol upang matapos niya ang maturity nito. Ngunit sa aming pagpilit na siya ay kumapit, paubos na ng paubos ang aking panubigan at kapag hindi pa siya nilabas ay maaaring magkaroon pa ng pagkalason sa dugo ang aking anak.
Larawan mula sa Shutterstock
Mahigit dalawang araw akong bed rest at in labor. Sa sobrang sakit ay pinipilit ko na ang doktor na ako ay iCeasarean section. Ngunit sa kanilang assessment, ang aking anak ay maliit lamang at kakayanin ko itong inormal.
Pilit nang gustong magpakita sa mundo ng aking anak. Ginusto ko nading makita siya ng maaga upang siya ay maprotektahan ko sa aking gitna ng lahat ng nangyayari sa mundo.
Lumalaki na ang IE sa akin ng doktor. Hanggang ang tanging naaalala ko nalang ay sabihing dalhin na ako sa delivery room.
Nang magising ako, bigla na namang humihilab ang aking tiyan. Sobrang sakit at gustuhin ko mang sumigaw ay walang makakapagtanggal ng sakit.
Larawan mula sa author
Akala ko lahat ng bagay ay magiging seryoso sa aking panganganak. Ngunit isa sa bagay na sa kalagayan ko ay nakakainis at nakakapanggigil dahil sa sakit na aking pinagdadaanan, ako lang ba itong iniwan nalang muna na nakabukaka sa delivery bed habang naghihintay ng Full CM?
Funny delivery story ko
Isa ako sa mga in pain labor na sinasabi ng mga nurse na tahimik at hindi maligalig paanakin. Tahimik lang ako at nagsasalita kapag sobrang hirap ng pag-contract ng aking tiyan. Halos 2 araw akong nag-labor.
Ngunit sa nakakatawang pagkakataon, sinasabihan lang ako ng nurse na lalaki, “Mommy relax ka lang, normal lang yan.” Na sa sobrang normal, narinig ko nalang na naglalaro sila ng Mobile Legends at narinig kong… “Welcome to Mobile Legends”
Delivery story. | Larawan mula sa author
Kada hilab ng aking tiyan ay naririnig ko ang pag atake at paglalaro ng mga ito. Sobrang sakit pero hindi ko na ito maintindi dahil nandidilim na ang mata ko sa sobrang sakit.
Hanggang naging successful naman ang delivery ko. Dahil sa pandemic, sobrang naging maingat ang mga proseso kaya ‘di ko man lang nameet yung mga nagpaanak sa akin. Lolokohin ko pa nga sila na maglaro kami ng isang game.
Mahirap man, at least may babalikan tayong bagay upang tayo ay mapatawa
Pero naisip ko, siguro binibiro lang din ako ng pagkakataon, na sa gitna ng lahat ng hirap na aking pinagdadaanan, may mababalikan tayong bagay upang tayo ay mapatawa at mapasaya. Na hanggang ngayon magiging proud ako to share kasi unique yung story.
Delivery Story. | Larawan mula sa author
Some may find it unprofessional, pero may rason din siguro na we can still understand them kasi that’s the way they handle pressure.
And since paanakan talaga ‘yong pinag-anakan ko, sanay na rin sila at alam kung saan sila aaksyon. Some may say I could report it. But I don’t mind. Kasi premature pa rin ‘yong baby ko that time. I, though, masaya na nakalabas na si baby pero still in doubt kasi naconfine pa siya ng 1 week sa NICU.
Larawan mula sa author
Pero luckily, ang anak ko, gusto talagang lumaban para sa amin. Ngayon, she is 1 year and 5 months already, healthy and so bibo. Sobrang flattered ako na ang galing padin ni Lord. Na when you trust the Lord’s process, everything’s come into place.
Ikaw anong kwentong FUNNY DELIVERY mo? 🙂
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!