Ang 4th degree vaginal tear ay kadalasang ginagawa sa operating room kasama ang anaesthesia imbes na sa delivery room.
Sa paliwanag ni Kathy Fray na isang senior Midwife at best-selling maternity author na, “Imagine your perineum and its adjoining pelvic floor is like a vase that had been dropped and broken, but then was carefully glued back together, and now closely resembles the original vase, and is fully functional and watertight, just with a few subtle cracks in it.”
Ang perineum at pelvic floor
Apat taon na ang nakakalipas ng ipinanganak ko ang aking panganay via natural birth. Hindi ko alam ang iniisip ko dahil pinili kong ‘wag mag-epidural. Hindi ko maipaliwanag ang sakit!
4th degree vaginal tear | Image from Freepik
Sa gitna ng panganganak ko, napansin ng mga midwife na nakalagay sa mukha ng aking anak ang kamay niya. Kaya naman para makaiwas sa vaginal tearing, kailangan nilang gawin ang episiotomy. Ngunit, huli na ito bago nagawa dahil nakalabas na ang baby ko.
Tumagal ng limang oras ang panganganak ko. Maiksi na ito kung tutuusin kung ikukumpara sa ibang nanay. Isa itong dahilan kung bakit dumaan ako sa 4th degree vaginal tear—masyadong maiksi ang panganganak ko.
Dahan-dahan dapat talaga ang paglabas ng baby ko pero hindi inaasahang mabilis itong makakalabas na naging dahilan ng pag-stretch ng aking perineum. Idagdag pa na nasa mukha nito ang kaniyang kamay kaya lumaki ang kaniyang ulo. Nagulat kami nang sinabi ng doktor ko na kailangang operahan ako.
BASAHIN:
Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak
Third trimester pregnancy guide: Lahat ng dapat mong malaman
Ina, pinutulan ng dalawang paa dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis
Surgery pagkatapos manganak
Madaling araw tumagal ang aking recovery, apat na oras din itong tumagal pagkatapos ng aking panganganak.
Agad kong naisip ang asawa ko na inaalagaan ang aking baby. Gusto ko siyang hawakan. Akala ko magiging ‘here’ ako pagkatapos ng natural birth pero hindi man lang ako makatayo at alaagaan ang aking baby.
Inabot ng anim na buwan ang aking pagpapagaling sa tulong ng physiotherapy sessions bawat linggo. Inaamin kong nahirapan ako kapag kailangan kong pumunta sa bathroom. Kinakailangan ko pang magsuot ng diaper, gaya ng payo ng aking doktor para maiwasan ang mga posibleng mangyari.
4th degree vaginal tear | Image from Unsplash
Ang pinaka malala ay hindi ako makatayo para bigyan ng gatas ang aking anak. Kailangan kong humiga sa kama para lang ma-breastfeed siya. Binilhan ako ng asawa ko ng doughnut cushion para sana makatulong sa akin ngunit nararamdaman ko pa rin ang matinding sakit. Kailangan kong humiga para mawala ang muscle stretches. Ganito lang ang aking ginagawa sa loob ng anim na buwan.
Nagkaroon ako ng matinding anxiety at depression dahil dito. Payo ng ibang nanay sa akin na kailangang kong kumonsulta sa legal na paraan, dahil dapat daw ay hindi nag-alinlangan na isailalim ako sa episiotomy ng ospital.
“They are wrong,” sabi ni Fray. “It is now very ‘old school’ and no longer ‘best practice’ in obstetric care to do prophylactic episiotomies – preventative ‘cuts’. That intervention was performed a lot for some time thought as being an effective way to ‘prevent bad tears’, but the outcomes were very conclusive that overall doing so habitually created more problems for women.”
“In general terms these days, unless the perineum is extremely taut and unyielding as I have seen with the likes of palates instructors and horse-riders, and so long as the baby’s heart-rate isn’t in foetal distress, then routine episiotomies should not be done as statistically, they do more harm than good.”
Pagbubuntis pagkatapos ng 4th degree vaginal tear
Noong six months na si baby, naka-recover na rin ako mula sa nangyari. Dito ko nalaman na buntis pala ulit ako, nagulat kami ng asawa ko.
Sabi ni Fray,
“That means a healthy sign that sexual function was returning to normal.”
Pinayuhan kami na planuhin namin ng maayos ang susunod kong pagbubuntis. Kailangan na abutin ng 18 months bago ulit ako magbuntis para mag-heal ang aking katawan. Dahil nga napaaga ang pagbubuntis ko, pinlano ng aming doctor na sumailalim ako sa caesarean.
4th degree vaginal tear | Image from Unsplash
“Giving birth vaginally again could be like intentionally dropping that vase again, but we won’t know until it happens, but it could be left with irreparable damage,” sabi ni Fray.
“The doctors wouldn’t have been keen for the growing size of your womb to be adding weight onto your healing pelvic floor.”
Magandang balita naman dahil mabilis ang naging paggaling ko sa aking 2nd pregnancy. Isang buwan lang inabot ang aking postpartum, naalagaan ko ng maayos ang dalawa kong baby.
Alam kong nakatulong ng malaki ang mga midwives at doktor ko sa aking panganganak. Sa kabila ng injury, hindi ako nagsisisi dumaan ako sa natural birth sa unang pagkakataon.
Bilang nanay, alam ko na ang kahulugan ng “no pain no gain”, at pagkatapos ng araw, alam kong worth it lahat ng hirap!
Ano ang 4th degree vaginal tear?
Ang 4th degree vaginal tear ay maituturing na severe, ito rin ay kinakailangang may anesthesia na ibibigay. Umaabot ito mula anal sphincter hanggang mucous membrane na kumo-konekta sa rectum.
Umaabot ng ilang linggo o buwan ang recovery ng pasyente.
This article was first published in Kidspot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!