Alamin ang epekto ng sepsis sa buntis sa kwento ng isang ina na labis na trauma ang inabot dito.
Ina, pinutulan ng dalawang paa dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis
Isang nanay mula sa Texas na si Callie Colwick, 30 years old ang pinutulan ng dalawang paa at bahagi ng kaliwang kamay dahil sa kaniyang high-risk pregnancy at komplikasyon sa sepsis.
Ina, pinutulan ng dalawang paa dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis | Image from South West News Service
Ipinagbubuntis noon ni Callie ang kaniyang pangawalang anak sa asawa niyang si Kevin. Pagkatapos ng 15 weeks, dito na siya nakaramdama ng iba’t-ibang sintomas ng seryosong pagbubuntis katulad ng matinding pagdurugo. Sa kaso ni Callie, siya ay maaaring nakaranas ng komplikasyon sa placenta. Labis siyang nagdurugo dahil sa paglaki ng kanyang placenta sa may uterine wall nito. Ito ay tinatawag na “Placenta Accreta”.
Ayon sa pagsusuri, maaaring magdulot rin ng premature birth ang kondisyon na ito.
Sa interview kay Callie sa South West News Service, pumunta agad siya sa ospital nang maramdamang lalabas na ang kaniyang baby. Nawawalan na siya noon ng pag-asa at iniisip niyang mababa ang tyansang makaka-survive ang kanyang anak at mailalabas niya itong buhay.
“They put me in the pregnancy wing. Here we were in this room, surrounded by women giving birth and babies crying and we were told that Quinn had no chance of survival and we were just waiting to give birth to him.”
Dagdag pa nito na sobrang nahirapan siya sa kanyang kalagayan dahil kailangan niyang mag-intay ng ilang linggo sa ospital. Ang tangi lang niyang nagawa ay ang mag-intay sa resulta at paglabas ng kanyang pangalawang anak.
Pagkatapos ng ang ilang araw, tagumpay naman na ipinanganak ni Callie ang kanyang anak na si Quinn ngunit ito ay stillborn. Dahil sa sobrang liit at kulang sa timbang ng kaniyang anak, agad rin itong binawian ng buhay.
Ina, pinutulan ng dalawang paa dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis | Image from South West News Service
Bukod pa rito, nagkaroon ng matinding trauma si Callie dahil sa nangyari. Kaya naman labis na dugo ang lumabas sa kaniya.
“I wasn’t responsive, my eyes would roll to the back of my head and I was burning up. My fever had spiked way too high and they were packing ice onto me.”
Ibinahagi pa nito ang labis labis na pinagdaanan ng kaniyang asawa. Kakamatay lang ng kanilang pangalawang anak habang siya ay kritikal ang lagay dahil sa labis na dugong lumalabas sa kaniya.
Nagkaroon ng matinding trauma si Callie sa kanyang uterus at mabilis rin itong kumalat sa kanyang buong katawan.
Mabilis na inatake ng sepsis ang buong katawan nito dahilan para tanggalin ang kaniyang uterus. Dumating rin sa oras na malaki ang naitutulong sa kaniya ng breathing machine dahil malala na rin ang pag-atake ng sepsis sa kaniyang kidney at lungs.
“They had to take out my uterus. The sepsis shut down my kidneys and my lungs so I was on a breathing machine.”
Ina, pinutulan ng dalawang paa dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis | Image from South West News Service
Dahil sa labis na pagkasira ng tissue sa dalawang paa at bahagi ng kamay ni Callie, kinailangang putulin ito ng mga doctor. Tinanggal ang dalawa niyang paa pati na rin ang dalawang daliri sa kaniyang kaliwang kamay.
“I remember coming to, in extreme pain and confusion. My husband had to explain what happened. I had everything minus my uterus and my feet.”
Umabot rin ng taon ang itinagal ni Callie sa intensive care unit. At taong 2018 nga ng siya ay tuluyang nakauwi sa kanilang bahay. Dito na siya nagsimulang bumangon ulit. Nagkaroon na siya ng prosthetics at custom wheelchair.
“It’s a lightweight custom-built chair so I can pick it up by myself. I can actually wheel myself around in it.”
Sa tulong rin ng karamihan, nagkaroon siya ng pagkakataon na maging madali ang kaniyang kalagayan dahil sa wheelchair.
Source:
Fox News
BASAHIN:
Alamin ang sintomas ng sepsis, at kung paano ito maiiwasan
Halak ng 11-buwan baby, sintomas na pala ng nakamamatay na sepsis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!