X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

REAL STORIES: "After 3 days ng labor, CS din pala ang ending!"

5 min read

Maraming buntis ang nag-alala nang mag simula ang pandemya noong nakaraang taon. Iba’t ibang preparasyon at paraan ng pag-iingat ang ginagawa ng bawat pamilya. Bukod dito, marami ding nagbago pagdating sa sistema ng pagtanggap ng pasyente sa mga klinika at laboratoryo ng hospital.

Pagbubuntis ngayong pandemic

Sabik kaming mag-asawa sa bawat check up at ultrasound. Ngunit dahil sa tinayong sistema upang mapanatiling limitado at kontrolado ang taong pumapasok sa bawat kwarto ng doktor at laboratory.

Hindi basta basta pinapapasok ang mga kasama ng pasyente sa loob ng clinic. Siguradong karamihan ng mister ay ganito ang naranasan ngayon. Talagang ibang-iba sa nakasanayan.

c section delivery

Larawan mula sa Baby photo created by prostooleh – www.freepik.com

Kalimitan, sa unang trimester nagiging maselan ang pagbubuntis. Kaya naman binantayan namin maigi ang bawat pagkain na aming ihahain para makasiguro na tama ang sustansya at dami ng aking kakainin.

Ito rin ay para maiwasang tumaas ang aking blood sugar at hindi magresulta ng Gestational Diabetes in Pregnancy. Maliban dito, naging normal at maayos ang kabubuan ng aking pagbubuntis hanggang sa ako ay mag-labor; isa sa pinaka-inaabangan at kinatatakutan ng mga nagdadalang tao.

Ika-36 na linggo ng pagbubuntis ko

Nasa ika-36 na linggo kami ng aming pagbubuntis nuong nakaramdam ako ng palagiang pag-hilab ng tyan. Dahil unang beses ko itong naramdaman, hindi ako sigurado kung ito na nga ang pinakahihintay naming “hilab” na nagsisilbing senyales na malapit ng manganak ang isang babae.

Para makasiguro, kumonsulta kami kaagad sa aking doktor at dito na nagsimulang bantayan ang bawat galaw at hilab ng aking tyan.

c section delivery

Larawan mula sa iStock

Dito na rin ako binigyan ng ilang gamot na makakatulong sa kalusugan ng sanggol kung sakaling lumabas ito ng mas maaga sa aking tiyan.

Mas napa-aga rin ang pag-swab test namin ng aking asawa. Isa ito sa protocol ng mga ospital para makasiguro sa tamang paggamot ng pasyente kung sakaling sila ay may COVID o wala bago ang operasyon.

“After 3 days ng labor, CS din pala ang ending!”

Gayunpaman, sinigurado pa rin ng aming doktor na makaabot sa ika-37 linggo ang sanggol sa aking tiyan kaya pinayuhan niya kaming mag bed-rest.

Sumunod na naramdaman ko ang palagiang pag-hilab ng tiyan tatlong araw bago ako nanganak at dito na din ako inadmit sa ospital. Ang akala naming maagang panganganak, inabot pa rin ng tatlong araw sa pag-labor!

REAL STORIES: After 3 days ng labor, CS din pala ang ending!

Larawan mula sa iStock

Ang pagsuot ng face mask at face shield habang nagle-labor ay kasama sa patakaran sa loob ng ospital. Bukod dito, isa pang epekto ng pandemya ang mag-isang pagle-labor ng karamihan sa mga manganganak.

Hindi naging madali para sa akin ang pag labor dahil mababa ang aking pain tolerance. Naalala ko pa nuong nakiusap ako kung pwedeng itigil muna pansamantala ang pangpa-hilab ng tyan dahil sa sobrang sakit.

BASAHIN:

#AskDok: 13 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng cesarean delivery

Mga kumplikasyon sa panganganak na kailangan mong malaman

Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak

3rd ng labor ko

Sa pangatlong araw ng aking pagle-labor, ang aking cervix ay nasa 4cm dilation pa rin. Bukod sa sakit ng hilab ng tyan, dito na nagsimulang mag-iba ang aking pakiramdam.

Nakaramdam ako ng hirap sa paghinga at pagbaba ng oxygen level sa dugo — ilan sa mga sintomas ng COVID-19. Bilang protocol ng ospital, maraming test ang ginawa na kalaunang napag alamang mayroon akong pneumonia.

Dahil rito, madalian akong inilipat sa ibang kuwarto habang nasa kalagitnaan ng pagle-labor. Naging iba ang epekto nito sa akin. Mas lalong naging masakit ang hilab ng aking tyan at hindi na ako mapanatag.

Nagdulot din ito ng stress sa baby kaya napag desisyunan na mag-emergency c section delivery na at sa araw na ring yun, nailabas ang aking baby boy.

Dahil sa naging sitwasyon, hindi ko agad nahawakan at nakita ang aking anak. Inihiwalay din sya sa ibang sanggol habang hinihintay pa ang resulta ng aking pangalawang swab test.

Pagkatapos ng operasyon, sa “isolated area” ako pinagpagaling ng mag-isa at tanging cellphone lang gamit pang communicate sa aking asawa.

Nagtagal ako duon ng panibagong 3 araw hanggang sa makumpirma na negative pa rin ang resulta ng aking panibagong swab test.

Ang pag-upo, pag-lakad at iba pang kadalasang binabantayan sa bagong panganak lalo na kung c section delivery ay ginawa ko ng mag-isa dahil naka-isolate ako.

Mga napagtanto ko sa panganganak ng c section delivery at pagbubuntis sa panahon ng pandemic

Totoo na ang pagle-labor at panganganak ang isa sa mga hindi malilimutang parte ng pagbubuntis. Kahit gaano ka katakot, may mga pangyayari na hindi mo aakalaing kakayanin mo pala.

Hindi lang pisikal ngunit pati emosyonal na nakakaapekto ang kasalukuyang sitwasyon sa mga nagbubuntis dala ng pandemya. Hindi man sa lahat, ngunit ang pagkakaroon ng kasama at karamay sa sitwasyon na ito ay importante para sa isang nagdadalang tao.

REAL STORIES: After 3 days ng labor, CS din pala ang ending!

Anxiety, stress, depression dahil sa quarantine at iba pang emosyonal na resulta ang kalimitang nagiging epekto ng pagkabahala sa COVID at naranasan ko rin ang mga ito.

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

ddc-calendar
Get ready for the baby’s arrival by adding your due date.
OR
Calculate your due date
Any views or opinions expressed in this article are personal and belong solely to the author; and do not represent those of theAsianparent or its clients.
img
Written by

Charmaine de Castro

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Real Stories
  • /
  • REAL STORIES: "After 3 days ng labor, CS din pala ang ending!"
Share:
  • Mom confessions: "Sinabi ng nanay ko na kaartehan lang ang postpartum depression ko"

    Mom confessions: "Sinabi ng nanay ko na kaartehan lang ang postpartum depression ko"

  • Pregnant woman thought she had a stomachache but it was actually her baby ready to come out

    Pregnant woman thought she had a stomachache but it was actually her baby ready to come out

  • "Motherhood has no time-outs," said one mom who had to continue breastfeeding despite breast abscess

    "Motherhood has no time-outs," said one mom who had to continue breastfeeding despite breast abscess

  • Mom confessions: "Sinabi ng nanay ko na kaartehan lang ang postpartum depression ko"

    Mom confessions: "Sinabi ng nanay ko na kaartehan lang ang postpartum depression ko"

  • Pregnant woman thought she had a stomachache but it was actually her baby ready to come out

    Pregnant woman thought she had a stomachache but it was actually her baby ready to come out

  • "Motherhood has no time-outs," said one mom who had to continue breastfeeding despite breast abscess

    "Motherhood has no time-outs," said one mom who had to continue breastfeeding despite breast abscess

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pagbubuntis.