LOOK: Sunshine Garcia, ikinasal na sa kaniyang nobyo na si Alex Castro

Mala-fairy tale ang naging kasal ng aktres na si Sunshine Garcia sa kanyang nobyo na si Board Member Alex Castro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakipag-isang dibdib na ang sexy actress at dating miyembro ng Sexbomb Girls na si Sunshine Garcia sa kaniyang nobyo na si Bulacan 4th District Board Member Alex Castro kahapon, March 3, sa Intramuros, Manila.

Dinaluhan ito ng kanilang pamilya at mga kaibigan sa showbiz at pulitika.

Kasalang Sunshine Garcia at Alex Castro

Nagkakilala ang dalawa sa isang network at naging magkaibigan. Si Sunshine ay miyembro ng Sexbomb Girls sa Eat Bulaga habang dati namang singer si Alex Castro sa isang reality singing contest sa parehong network.

Kalaunan ay naging aktres si Sunshine sa isa pang network at naging 4th District Board Member naman sa lalawigan ng Bulacan si Alex.

Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Manila Cathedral at ang reception naman ay sa grand ballroom ng Sofitel Philippine Plaza Manila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan sa mga celebrity na dumalo sa kanilang kasal ay ang ilang kasamahan ni Sunshine Garcia sa comedy show na Banana Sundae na sina Angelica Panganiban, Pooh, at John Prats kasama ang asawang si Isabel Oli.

Naging abay naman sa kasal ang mga kapwa dancers ni Sunshine Garcia na sina Mia Pangyarihan at Johlan Veluz ng Sexbomb Girls at Aiko Climaco at Rovie ‘Mariposa’ Cabigquez ng ASF Dancers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang panayam sa PEP.ph, ikinuwento ni Sunshine na naging hands-on sila ni Alex sa pagpa-plano ng kanilang kasal at maigi nila itong pinaghandaan.

“We made sure na binibigyan namin ng time ‘yong wedding. Nag-a-allot talaga kami ng time, minsan may mga event siya na hindi niya na napupuntahan dahil may sched kami regarding sa wedding,” ani Sunshine.

“Super hands-on din ni Alex sa wedding, ayaw niya may nami-miss,” dagdag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Higit tatlong taon ang naging relasyon nina Sunshine at Alex bago naging engaged noong December 2017.

Isinilang naman ni Sunshine ang kanilang unang anak na si Baby Axel noong September 2018.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Alex ay may panganay na anak na lalaki na si Ashton sa nauna nitong karelasyon.

 

Congratulations and best wishes sa inyo, Sunshine at Alex!

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: ABS-CBN News, Instagram

Images: Metro Photo, La Belle Fete, Sunshine Garcia Instagram

BASAHIN: 5 Celebrity destination weddings that will make you want to say I DO all over again!