"Superman Tatay" dumalo ng nakayapak sa graduation day ng anak

Isang mag-amang Mangyan na nakayapak na dumalo sa graduation inantig ang puso ng mga netizens.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Superman tatay na dumalo sa graduation day ng anak na kung saan pareho silang nakayapak, trending ngayon sa social media!

Superman Tatay, trending sa social media

Isang larawan ng isang ama na tinaguriang “superman tatay” ang dumalo sa graduation day ng kaniyang anak na kung saan pareho silang nakayapak.

Image from Willie Atienza Facebook post

Ang bansag sa kaniyang “superman tatay” ay mula sa kaniyang suot na T-shirt na kung saan makikita ang kilalang simbolo ni Superman.

Ngunit para sa mga nakakita ng kanilang larawan ang bansag kay tatay ay hindi lamang dahil sa suot niyang damit.

Kung hindi pati narin sa kaniyang pusong tatay na hindi ikinahihiya ang kaniyang itsura masamahan at magabayan lang ang kaniyang anak sa isang importanteng bagay na ito sa kaniyang buhay –ang kaniyang graduation.

Ayon sa uploader ng litrato na si Mr. Willie Atienza ang mag-ama ay kabilang sa tribu ng mga Mangyan mula sa Brgy. Fortuna, Socorro, Oriental Mindoro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang bata na hawak ng superman tatay ay schoolmate ng kaniyang anak na grumaduate rin ng araw na nakunan ang larawan ng mag-amang Mangyan.

Sa post nga ni Mr. Atienza ay sinabi nito kung paano siya naantig sa tinuran ng superman tatay na sa kabila ng kahirapan ay ginagawa ang lahat para mabigyan ng maayos na edukasyon ang anak niya.

“Nakakalungkot na nakakatuwa,

Nakakalungkot isipin na akala natin na mahirap ang buhay natin at marame tayong problema habang may mga tao na mas mahirap at sobrang salat sa buhay, pero sa kabila ng kahirapan ginagapang ang pamilya para sa education.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa kay Mr. Atienza, medyo late daw dumating ang mag-ama dahil malayo ang pinanggalingan nila at kinailangan pa ng mga ito na tumawid ng pitong ilog bago makarating sa eskwelahan.

Ang post na ito nga ni Mr. Atienza ay umani agad ng magagandang komento mula sa mga netizens at ilang ulit na ring ishenare sa Facebook dahilan upang ito ay maging viral.

May ilang netizens nga ang nakaramdam ng pagkaproud sa ginawa ng superman tatay ang iba naman ay nakaramdam ng kurot sa kanilang puso at nais magpaabot ng kanilang tulong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa interview ng The Asian Parent Philippines kay Mr. Atienza, sinabi nito kung gaano siya nakaramdam ng pagkaswerte at pasasalamat ng makita ang kalagayan ng mag-ama.

“Kami ng mommy ng anak ko bumili pa ng bagong damit para sa recognition na yun, while silang yung mag tatay di nila alintana yun kalagayan nila, hatid nya ang anak nya sa ganong kalagayan”, sabi ni Mr. Atienza.

Dagdag pa niya ang sitwasyon na nakunan niya ay normal ng makikita sa lugar tuwing araw ng graduation at recognition ng mga estudyante.

Bagamat kaliwa’t kanan na ang gustong magpaabot ng tulong sa superman tatay at anak niya, hindi daw ito ang unang naging dahilan ni Mr. Atienza ng iupload niya ang larawan ng mag-ama.

“Gusto ko lang sana ipakita sa mga anak ko yun picture at ipaalala sa kanila kung gaano sila ka swerte. na may mga taong sobrang salat sa buhay pero pinipilit mag aral”, ayon kay Mr. Atienza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman may mensahe si Mr. Atienza para sa mga anak at magulang na natutunan niya dahil sa superman tatay at anak nito.

“Sa mga anak at estudyante, sana ma-realize ninyo ang pag hihirap namin mga magulang para sa inyong pag-aaral, kaming mga magulang ang mas masaya sa tagumpay ng bawat anak.

 At sa mga magulang po na kagaya ko ipaalala po natin sa ating mga anak kung gaano kahalaga ang edukasyon.

High school graduate lang po ako dahil mahirap lng ang aming magulang, kinailangan na namin mag trabaho para sa pamilya.

Pero sa aking hanap buhay alam ko na kulang ang aking pinag aralan, kaya importante po ang edukasyon.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon ay kumakalap ng mga donasyon at tulong si Mr. Atienza para maipaabot sa superman tatay at anak nito.

Nag-iimbita rin siya ng iba pang gustong sumama sa kaniyang muling pagbisita sa mag-amang Mangyan na nakunan niya sa larawan.

Sa kwentong ito ay tila hindi lamang ang amang Mangyan ang superman tatay kung hindi pati narin ang uploader ng larawan na si Mr. Willie Atienza na lahat din ay ginagawa para sa ikabubuti ng mga anak niya.

Image from Willie Atienza Facebook account

Saludo po kami sa inyo mga superman tatay!

Sources:

GMA News, Mangyan Ako Taga-Mindoro Ako