Supermom powers ng babae nagsisimula daw lumabas kapag sila ay buntis, ayon sa isang bagong pag-aaral.
Ayon sa isang bagong pag-aaral na inilathala sa Journal of Science Advances, ang katawan ng tao ay may upper limit ng energy na kaya nitong i-release. Ito ay aabot sa 4,000 calories na itinuturing na peak ng human endurance.
At may dalawang grupo ng tao ang naaabot ang limit ng human endurance na ito. Ito ay ang mga extreme sports athlete at mga supermom na buntis.
Ito ay natuklasan ng mga researcher matapos i-record at ikumpara ang metabolic rate o energy na inilalabas ng mga athletes na sumali sa iba’t-ibang Herculean events gaya ng 2,200-mile Tour de France at 140-day Race Across the USA sa energy na inilalabas ng babaeng buntis. At tunay na kahanga-hanga nga ang naging resulta ng kanilang pag-aaral.
Supermom vs extreme sports athletes
Mula sa kanilang record ay nakita nilang hindi nalalayo ang energy na inilalabas ng mga runners na nag-cocompete sa 14weeks race na kung saan tumatakbo sila ng anim na araw kada linggo sa energy na inilalabas ng katawan ng buntis sa mga buwan na siya ay nagdadalang-tao.
Ang kinaibahan lang ay ang mga marathon runners ay kailangang mag-exert ng effort para maabot ang human endurance limit na ito. Samantalang ang mga buntis ay naabot ang peak ng human endurance ng dahil sa pagbabago at epekto sa kanilang katawan ng sanggol sa kanilang sinapupunan.
Paliwanag ni Herman Pontzer, researcher mula sa Duke University at isa sa mga namumuno sa ginawang pag-aaral, ang pagbubuntis ng mga babae ay nangangailangan ng doble sa normal na kailangang energy ng katawan.
Ito ay dahil sa haba ng gestation at sa laki ng baby na kanilang dinadala na magpapatuloy pa kapag sila ay nagpapasuso na.
At hindi katulad ng mga extreme athletes, ang mga babaeng buntis kahit nakaupo ay nag-buburn ng calories sa kanilang katawan na umuubos sa energy nito at sumusubok sa kaniyang endurance.
Iba pang powers ng supermom
Maliban nga sa bagong scientific findings na ito, ang iba pang dahilan kung bakit itinuturing na supermom ang mga ina ay ang kakayahan nilang gawin ang mga sumusunod:
Healing
Ang mga ina ay kayang magpahupa ng lagnat o gamutin ang isang sugat.
Intuition
Ang mga supermom din ay may sixth sense na kung saan nararamdaman nilang may nangyayari ng masama sa kanilang anak o kung may ginagawa itong hindi maganda.
Super hearing
Natutukoy din ng mga nanay kung may kakulitan ng ginagawa ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pakikinig sa ingay na ginagawa nila. Kaya din nilang tukuyin ang boses ng kanilang anak na umiiyak o tumatawag sa pangalan nila kahit pa marami itong kasamang bata.
Extra strength
Maliban sa strength ng kanilang katawan na unang nasusubok sa pagbubuntis, ang mga nanay ay may kakaibang lakas din sa pag-aalaga ng kanilang anak. Kaya nilang buhatin ang kahit gaano pang kabigat na bata kapag ayaw o nahihirapan na itong maglakad.
Organization
Ang mga supermom din ay may matalas na memory at organizing skills. Naibibigay nila ang pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
Dishonesty detector
Isa pang superpower ng mga supermom ay kaya nilang tukuyin kung ang kanilang anak ay nagsisinungaling.
Multitasker
Ang mga supermom din ay magaling na multitasker na kayang gawin ang iba’t-ibang bagay ng magkakasabay.
X-ray vision
May x-ray vision din ang mga supermom at kayang tukuyin ang ginagawa ng kanilang anak kahit ito ay nasa loob ng kwarto o kahit nakasara ang pinto.
Superhuman reflexes
Maliban sa miracle na ginagawa nila kapag nanganganak, ang mga supermom ay may superhuman reflexes rin na kanilang nagagamit sa tuwing nalalagay sa kapahamakan ang anak.
Source: Mommy Nearest, CNN Edition, Quartz
Basahin: 2019 Maternity Packages: Presyo ng panganganak sa Metro Manila
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!