Parents, may ilang mga paraan para mabigay at maipakita ang suporta sa inyong anak para kanilang creativity sa gayon ay ma-boost pa lalo ang kanilang creativeness.
Isa ang creativity sa mga skills na maaaring matutunan ng inyong anak. Sa pag-hone ng ganitong kasanayan, higit na kailangan din ng mga anak ang kalusugan at suporta na makukuha nila sa kanilang mga magulang.
Maaaring makita ang creativity ng inyong anak mula sa pagsisimulang mag-doodle sa papel o dingding ng bahay, o di kaya ay sa paggawa ng crafts na maaaring nakikita niya sa kaniyang paligid. Gayundin ang mga ways ng pagsisimulang matutong kumanta, sumayaw, o humawak ng musical instruments.
Suporta ng magulang sa anak
Hindi dapat na mawala bilang mga magulang ang kanilang suporta sa mga anak. May mga pagkakataon na makikita natin o mapapansin ang creativity sa paraan nila kung paano sila mag-isip.
Kailangan ng ating suporta bilang magulang upang mas maintindihan nila ang kanilang sarili at paraan ng pag-iisip.
Katulad ng talento, ang pagiging creative ay makikita rin sa kung paano nila i-convert ang mga simpleng bagay sa mas kaengga-engganyo na resulta. Dagdag pa, ang creativity ay isang paraan din ng paghamon sa mga nakagisnan nila sa kanilang paligid. Mapapansin din ito sa kung paano nila gawin ang thinking-outside-the-box.
Paano i-boost ang creativity ng anak?
Narito ang ilang paraan kung paano i-boost ang creativity ng inyong anak:
- Panoorin sila at lagi silang pakinggan.
- Dahan-dahang ituro at gabayan sila para sa improvement.
- Ibahagi ang iyong na-oobserve sa kanilang ginagawa.
- Ituro sa kanila ang realistic goals na long-term at short-term.
- Siguraduhin lagi na magbigay ng feedback sa kanilang ginagawa o naiisip.
- Turuan silang hanapin ang mga gawain na makakatulong sa pag-develop ng kanilang skills.
- Hayaan na sila ang mag-decide sa kanilang nais na gawin.
- Bigyan sila ng mga gamit sa paggawa ng kanilang creative activities.
Tandaan
Hindi lamang ang mga nabanggit ang mga dapat na paraan para i-boost ang creativity ng inyong anak. Nakadepende pa rin ito sa kanilang environment. Gayunpaman, hindi rin kailangan na mawalan ng suporta ang inyong anak.
Isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.