Surrogacy in the Philippines: Napabalita noon ang biglaang pag-anunsiyo ng Kapamilya news anchor na si Korina Sanchez na siya at ang kaniyang asawang si dating senador Mar Roxas ay may anak na.
Pagbabahagi ni Korina, nagkaroon sila ng anak sa pamamagitan ng gestational surrogacy. Pero ano nga ba ang gestational surrogacy at bakit ito ang piniling paraan ng mag-asawa para magkaanak?
Ano ang Gestational Surrogacy?
Ang gestational surrogacy ay ang uri ng surrogacy na kung saan ang egg cells at sperm cells ay nagmumula sa intented parents ng baby.
Ito ay ipi-fertilize sa pamamagitan ng technique na kung tawagin ay IVF o in vitro fertilization. Bago ilagay sa uterus o sinapupunan ng gestational surrogate.
Ang surrogate ang magdadala ng baby sa kaniyang sinapupunan hanggang ito ay maipanganak. Pero hindi tulad ng traditional surrogacy, ang gestational mother ay walang genetic ties sa baby na kaniyang dinadala. Dahil hindi niya egg cells ang ginamit dito.
Ang gestational surrogate ay tinatawag ding “birth mother.” Samantala, ang babaeng pinagkunan ng eggs cells na na-fertilized ay ang kinikilalang biological mother ng baby.
Dahil dito, ang gestational surrogacy ay itinuturing na less legally complicated kaysa sa ibang forms ng surrogacy. Kung saan ang step-parent o second parent adoption ay kinakailangan.
Ang gestational surrogacy ay kilala rin sa tawag “host surrogacy” o “full surrogacy”.
Ang mga tao o couple naman na maaring subukan ang gestational surrogacy ay ang mga sumusunod:
- Couple na may infertility issues
- Hopeful single parents
- Same sex couples
- Babaeng walang kakayahang magdala ng safe na pagbubuntis
Paano isinasagawa ang gestational surrogacy?
Amg gestational surrogacy ay ang pinaka-common na uri ng surrogacy. Sa US nga ay may naitalang 750 babies ang isinisilang taon-taon sa pamamagitan nito.
Ang proseso ng gestational surrogacy ay binubuo ng paghahanap ng surrogacy opportunity o surrogate mother. Pagkumpleto ng mga legal contracts at pag-transfer ng embryo sa surrogate mother.
Ang mga couple na nagpaplanong magsagawa ng gestational surrogacy ay maaring humanap ng surrogate mother sa sarili nilang paraan. Pero may mga surrogacy agency rin naman silang maaring malapitan para tulungan silang maghanap ng gestational carrier.
Kapag nakahanap na ng surrogate mother ay maaari nang simulan ang pag-aasikaso sa mga legal papers sa tulong ng isang abogado.
Sa puntong ito ay kailangang mai-discuss sa magkabilang panig ang legal risks. Ganoon din ang responsibilities ng gestational surrogacy at ang kabayaran nito.
Ang pagkakasundo sa usapan ng surrogate mother at biological parents ay idadaan sa pagpirma ng isang kontrata.
Isang fertility clinic naman ang maghahandle ng IVF at embryo transfer process.
Ang embryo naman ay maaaring mabuo o mai-transfer sa surrogate sa pamamagitan ng sumusunod:
- Embryo na mula sa eggs at sperm ng intented parents na ililipat sa surrogate mother
- Fertilized sperm galing sa intented father na ipapartner sa donated eggs
- Fertilized eggs galing sa intented mother na ipapartner sa donated sperm
- Donor embryo na galing sa donated eggs at sperm na kung saan ang intented parents ay hindi genetically related sa baby.
Ang nabuong embyo ay ilalagay sa sinapupunan ng surrogate mother hanggang sa ito ay maipanganak. Ang mga intented parents ang kikilalaning magulang ng baby na may full legal custody rito.
Safe ba ang pagsailalim sa Gestational Surrogacy?
Tulad ng normal na pagbubuntis, ang Gestational Surrogacy ay may panganib din na dala sa pagbubuntis at pagsilang sa bata. Maaaring makaranas ng pagduwal sa umaga, pagtaas ng timbang, pamamaga, sakit sa likod, heartburn at iba pang hindi komportableng epekto sa katawan.
Ang ilang mas seryosong epekto ay mga kondisyon na maaaring mabuo sa panahon ng pagbubuntis. Tulad ng gestational diabetes, hypertension o potensyal na pinsala sa iyong mga reproductive organ.
Sa Gestational Surrogacy ay pwede rin makaranas ng miscarriage o pagkalaglag na tinatawag na preterm labor. Upang hindi mangyari ang mga panganib na ito, mahalagang manatiling makipag-ugnayan sa iyong doktor. Kumuha rin ng wastong gamot, makapagpahinga ng maayos at sundin ang kanilang rekomendasyon.
Sa gestational Surrogacy ay mayroong panganib sa paggamit ng IVF treatment. Dahil kailangan mong uminom ng IVF para sa iyong Surrogacy, kasama ang pag turok mo nito sa iyong bahay upang maging regular ang iyong dalaw at magkaroon ng malaking tsansa na ikaw ay mabuntis.
Sa pag turok ng IVF asahan ang mga normal na side effects katulad ng pamamaga kung saan mo siya ituturok at pagkakaroon ng allergic reactions.
Upang maiwasan ang mga panganib sa surrogacy, mahalagang sundin mo ang mga rekomendasyon ng iyong doktor. Mag-iskedyul ng appointment sa lalong madaling panahon kung may mali sa pakiramdam tungkol sa iyong pagbubuntis.
Marami na ang natulungan ng gestational surrogacy para magkaanak bagamat ang proseso nito ay may kamahalan.
Sa kabuuan ang proseso ng gestational surrogacy ay nagkakahalaga ng $75,000–$150,000 o P3.9million-P7.8 million.
Sa halagang ito ay nakapaloob na ang mga kailangang medical expenses, attorney fees, counseling costs, agency fees, living expenses at sweldo ng surrogate mother.
Surrogacy in the Philippines
Case of surrogacy in the Philippines
Ang unang kilalang surrogacy in the Philippines ay naitala noong 2008. Kung saan isang gay couple ang naging ama sa tulong ng isang Filipino surrogate mother.
Bagama’t walang batas na nagbabawal sa surrogacy in the Philippines; mahigpit namang tinututulan ito ng Medical Council of the Philippines at ng simbahang Katoliko.
Inihahalintulad din ito sa “child trafficking” o ang pagbibili o pagbebenta ng bata. Kahit na ba ang proseso nito ay nangyayari bago pa man maisilang ang sanggol.
May mga surrogacy agency rin sa Pilipinas na maaaring tumulong sa mga gustong magkaroon ng anak. At subukan ang proseso ngunit hingi ito masyadong kino-commercialized.
Kaya naman karamihan ng mga Pilipinong gustong subukan ang proseso ay ginagawa ito sa ibang bansa kung saan legal ito gaya sa US, Russia at Australia.
Case of surrogacy in the Philippines
Maliban kay Mar Roxas at Korina Sanchez, ilan pa sa mga Pilipinong sumubok ng gestational surrogacy ay ang celebrity couple na sina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo na may anak na pinangalanan nilang Scarlet Snow.
Pati na rin ang fragrance mogul na si Joel Cruz na may walong anak na sa tulong ng prosesong ito.
Bagama’t may kamahalan, ang gestational surrogacy ay nagbibigay pag-asa sa mga magkatuwang sa buhay o couples na gustong magkaroon ng sarili nilang anak.
How much is surrogacy in the Philippines?
Tanong mo rin ba ay how much is surrogacy in the Philippines? Nakadepende ito sa kung anong klase ng gestational surrogacy ang gagawin. Narito ang cost ng surrogacy in the Philippines.
Surrogacy in the Philippines cost
Cost ng surrogacy gamit ang self-egg at self-sperm
Kung sariling sperm at egg ng intended parents ang gagamitin sa surrogacy, tinatayang aabot ng humigit-kumulang na Php 800,000 ang presyo nito. Covered na rito ang surrogate compensation at ang kabuuang proseso ng surrogacy.
Cost of surrogacy with donor egg
Kapag galing naman sa donor ang egg at sa intended parent ang sperm, tinatayang aabot ng humigit-kumulang Php 900,000 ang presyo nito. Mas mahal kaysa sa self-egg at self-sperm dahil mas mataas din umano ang success rate nito. Sakop na ng presyo na ito ang expenditures ng surrogate mother, cost ng donor, at compensation.
Cost of surrogacy with donor sperm
Samantala, kapag egg naman ng intended parent ang ipapartner sa donor sperm, naglalaro sa Php 850,000 ang halaga nito. Mas mura kaysa kapag donor egg ang gagamitin dahil mas madali umanong maghanap ng donor sperm.
Sa kabilang banda, mas mahal naman ang bayarin kung ang egg cell at sperm cell ay magmumula sa donors. Magkaiba rin kasi ang presyo ng compensation, retrieval procedures, at fertilization ng sperm at egg.
Tandaan na ang mga nabanggit na presyo ay estimated lamang at hindi pa kasama rito ang iba pang dapat bayaran sa proseso at sa surrogate mother.
Mga clinic sa Pilipinas na nagsasagawa ng surrogacy
- Philippine Center For Assisted Reproduction Inc.
- Repro Optima
- CO-SY Fertility Clinic and IVF Center
- Center For Advanced Reproductive Medicine And Infertility (CARMI) – St. Luke’s Medical Center-Global City
- Select IVF Surrogacy
- Victory A.R.T. Laboratory PHILIPPINES
- CARE IVF PHILIPPINES
- Life Fertility Clinic Athens–PHILIPPINES
Updates mula kay Jobelle Macayan
Philstar, GrowingGenerations, WebMD, Surrogate, ABS-CBN News, SurrogacyAsia, Inquirer, Joel Cruz, Fertility World, World Fertility Services
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.