Suzi Garcia Rufino, ibinahagi ang kaniyang naging karanasan laban sa COVID-19. Mommy Suzi, may bagong laban umanong kinakaharap matapos ang ilang linggong pagkaka-confine dahil sa sakit.
Suzi Garcia Rufino COVID 19 survivor story
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng breastfeeding mom na si Suzi Garcia Rufino ang kaniyang COVID 19 survivor story.
Ayon sa post ni Suzi na isang teacher at ina ng dalawang batang lalaki, hanggang ngayon ay hindi niya alam kung paano siya nahawa sa sakit. Ang natatandaan niya lang bago siya magpakita ng sintomas ng COVID-19 ay nagpunta siya sa supermarket at pharmacy upang mamili. At dahil siya ay asthmatic mas naging vulnerable siya na madapuan ng sakit.
“I do have a pre-existing condition. I’m asthmatic. Before I got the virus, I was taking Sodium Ascorbate with Zinc and Multi Vitamins. I also started Intermittent Fasting a week before that, so, I think that was one of the reasons why I got vulnerable to the virus and made my immune system at risk.”
Ito ang pahayag ni Suzi sa kaniyang Facebook post.
Mga sintomas ng sakit na naranasan
Ilan nga sa sintomas na naranasan ni Suzi ay muscle ache, fatigue, lagnat at mild cough. Dahil sa asthmatic ay ininuman niya lang agad ng gamot sa hika ang kaniyang ubo. Habang pacaretamol naman ang ininom niya para sa lagnat. Nagself-quarantine narin siya sa isang kwarto sa kanilang bahay upang makasigurado.
Kinabukasan ay hindi parin umayos ang pakiramdam ni Suzi, kaya naman nagdesisyon na siyang pumunta sa ospital. Ito ay dahil narin sa payo ng mga kakilala niyang doktor.
Sa isang private hospital malapit sa kanilang bahay nagpunta si Suzi sa pag-asang puwede siyang kuhanan ng specimen rito at sumailalim sa COVID-19 test. Ngunit doon ay ininterview lang siya, iniX-ray at ini-refer sa City Health Office na nagsasagawa umano ng test. Dahil clear o walang nakitang nakakabahala sa X-ray niya, pinauwi si Suzi at pinayuhan lang na muling bumalik kapag hindi parin umayos ang kaniyang pakiramdam.
Hirap ng pagpapasuso sa anak dahil sa iniindang sakit
Habang nagseself-quarantine sa kanilang bahay, ayon kay Suzi, maliban sa nararamdamang sintomas ay may isa pang bagay ang nagpapahirap sa kaniya. Ito ay ang hindi mapasuso ng maayos ang kaniyang 4-anyos at 2-anyos na mga anak. Dahil sa takot na maaring mahawa sila sa sakit. Lalo pa’t hindi niya pa tiyak kung ano talaga ang kondisyon niya. Kaya naman para makasigurado ay minabuti niyang bawasan muna ang interaksyon niya sa kaniyang mga anak, partikular na ang pagpapasuso sa kanila.
“The hardest part for me is the breast feeding. My 2yo child and 4yo child are both breastfeeding. This was really heart breaking for me. While I was on self-quarantine, there were nights that I went to my children’s room to breastfeed them. I did that after taking a bath and had to wear face mask. Imagine, I took a bath in the middle of the night so I would not expose them to the virus that I could possibly have. So, yung dating unli-breastfeeding, every night nalang”, pagkukuwento ni Suzi.
Laban sa COVID-19, laban para sa kaniyang mga anak
Sa pagdaan pa nga ng araw ay hindi parin umaayos ang kondisyon ni Suzi. Nakaranas narin siya ng diarrhea at hirap sa paghinga. Kaya naman kasama ang kaniyang kapatid ay nagpunta ulit siya sa ospital. Sa pagkakataong ito ay sa ibang ospital na siya nagpunta. Doon ay inadmit na siya, sinimulang gamutin at nilagyan ng oxygen para matulungan siya sa kaniyang paghinga. Sumailalim narin siya sa COVID-19 testing na kung saan matapos ang limang araw lumabas ang resulta na positibo nga siya sa sakit.
Dito na mas nag-alala at natakot si Suzi sa kondisyon niya. Dagdag pa rito ang lungkot ng pagiging mag-isa sa loob ng kwarto. At ang sitwasyon ng mga kapwa niya pasyente na nakikita niya ang nararanasan na pagitan ng glass doors na nakaharang lang sa kanila. Pero naging determinado at malakas si Suzi na malampasan ang sakit. Ito ay sa tulong ng pagmamahal niya sa kaniyang mga anak at sa Diyos na pinaniniwalaan niya.
“I CAN’T DIE! I knew I won’t die. Who will love my children like I do? I knew the answer. It was God. He loves them more than I do. Kaya di nya hahayaang mawalan sila ng ina. In did cling to God. He was with me during my darkest hours. He was very close and He’s never forsaken me.”
Paggaling mula sa sakit
Matapos ang isang linggo ay dumaan muli sa COVID-19 testing si Suzi. Sa pagkakataong ito ay nag-negatibo na ang resulta. Isang magandang balita na labis-labis ang pasasalamat ni Suzi. Pinakinggan ng Diyos ang araw-araw na dinarasal niya. Gumaling siya sakit.
Matapos ang 20 araw na pakikipaglaban sa sakit na COVID-19, na-discharge siya sa ospital at nakauwi sa kanila. Ngunit hindi niya inakala na pag-uwi niya ay may bagong laban pala siyang dapat pang harapin. Ito ay muling pagpapasuso sa 2 taong anak niya.
“Now I am still I’m a day self-quarantine with limited interaction with my children. My 4yo child latched to breastfeed the moment he saw me. But my 2 yo child is having difficulty in adjusting. My heart breaks again. I didn’t expect there’s another battle to fight! I am not ready to wean Him. He needs my breast milk now more than ever. After every bath, I offer breast feeding to them. My dream is to be with the whole day, just breast feeding my babies.”
Ito ang mga pahayag ni Suzi sa kaniyang Facebook post.
Realizations ni Suzi Garcia Rufino matapos gumaling sa COVID-19
Kuwento pa ni Suzi, sa mga oras na nalayo siya sa kaniyang mga anak habang nakikipaglaban sa sakit ay marami umano siyang na-realize.
Nangunguna rito ay ang kalahagahan sa buhay ng pananampalataya sa Panginoon. Pati na ang kahalagahan ng pagbibigay oras sa pamilya. Ngayon ayon sa kaniya ay pagbubutihin niya pa ang pagiging ina at asawa.
“Family first. I recalled all the times that I was not with my children because of my job as a broker. I was always busy, I breastfeed while checking e-mails. Suddenly stop my breastfeeding when a client calls. I missed eye-to-eye contact with my children. I missed my husband who is in lockdown abroad. It was devastating and I was consumed.”
“I promised to be with my children when He allows me to survive. I also promised to love my husband more and be more understanding when he comes home.”
Ayon pa kay Suzi, umaasa siya na ang kaniyang COVID 19 survivor story ay maging inspirasyon at magbigay ng pag-asa sa ibang pang biktima ng sakit na kasalukuyang lumalaban para sa kanilang buhay.
Basahin: May pag-asa — mag-asawang senior sabay gumaling sa sakit na COVID-19