Nakatutuwang makita na laging sweet ang mga magulang sa isa’t-isa. Bukod sa dala nilang kilig ay nakakapagbigay din ang ganitong eksena ng kapayapaan at pag-ibig sa loob ng pamilya.
Ngunit mayroon pa palang mabuting naidudulot ito sa pagkatao ng mga anak sa kanilang paglaki.
Ang epekto kapag sweet ang mga magulang sa isa’t-isa
May positibong epekto na naidudulot sa mga anak kapag lumalaki silang nakikita na sweet ang mga magulang nila sa isa’t-isa. Lumalaki silang masaya at kuntento sa buhay, ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa Harvard University sa Estados Unidos.
Ayon sa pag-aaral, ang mga batang lumaking nasasaksihan ang pagmamahalan ng kanilang mga magulang ay nagkakaroon ng mas mabuting kalidad ng buhay sa kanilang pagtanda.
Sinuri sa ginawang pag-aaral ang sukat ng “parental warmth” na natatanggap ng mga anak sa kanilang mga magulang noong sila ay bata pa at ikinumpara ito sa paraan ng pamumuhay nila sa ngayon bilang adult.
Malinaw na lumabas na ang mga taong naaalala ang pagiging sweet ng kanilang mga magulang sa isa’t-isa noong bata sila ay mas maganda ang takbo ng buhay ngayon.
Totoo ito kahit ang pag-aaral ay inayon din sa iba’t-ibang socioeconomic situation ng kanilang mga case studies at iba pang factors.
“We were trying to see if that experience of warmth, affection and love in a child’s life is really important or not. The study concludes that it is.” sabi ni Dr. Tyler VanderWeele, isa sa mga may-akda ng pag-aaral at director ng Human Flourishing Program ng Harvard University.
Kaugnayan ng pagiging sweet ang mga magulang sa pamumuhay ng mga anak sa kalaunan
Sinuri ng mga researchers ang isang partikular na populasyon mula sa datos ng Midlife in the United States Study (MIDUS) na nagsimula sa survey ng mga adult na ang edad ay 25 hanggang 74 taong gulang noong 1995.
Dito ay sinukat ang parental warmth ng mga case studies sa pamamagitan ng mga questionnaires upang tanungin kung gaano ka-sweet ang mga magulang nila sa isa’t-isa at kung ano ang mga naaalala nila sa pagsasama nila noong mga bata pa sila.
Binalikan nila ang mga case studies nila noong 2004 hanggang 2006 at sinukat ang kalidad ng pamumuhay ng mga ito matapos ang ginawa nilang survey noong 1995.
“We now have reasonably strong evidence that the experience of parental warmth in childhood, 40-50 years prior, really does shape various aspects of flourishing such as happiness, self-acceptance, social relationships and being more likely to contribute to the community,” sabi ni Dr. VanderWeele.
“The effect of having loving, affectionate parents was stronger on these aspects than on a sense of purpose in life. But we see that parental warmth led to more happiness and social acceptance, as well as less depression, anxiety and drug use.”
“The experience of love in childhood is of profound importance, and parental warmth is a key factor,” dagdag niya.
Pagpapakita ng pagmamahal sa isa’t-isa
Hindi na kailangang mailang ang mga Mommy at Daddy sa harap ng kanilang mga anak kapag nais nilang ipakita ang pagiging sweet nila sa isa’t-isa.
Binibigyang-inspirasyon ng ganitong pagpapakita ng affection ang mga susunod na henerasyon na gayahin din ito sa kanilang paglaki at ipamana ang magagandang ala-alang ito sa kanilang mga anak.
Ang mga adult naman na kabaligtaran ang nasaksihang karanasan sa mga magulang nila noong lumalaki sila ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Bagaman hindi sweet ang mga magulang nila noon, maaari naman nilang gawing lesson ito sa kanilang buhay at maging sweet sa kanilang mapapangasawa.
Napapabuti ng pagmamahalan sa isa’t-isa ang buhay ng bawat isa sa atin kaya hindi dapat mahiya na ipakita ito sa harap ng mga anak natin.
References:
Chen, Ying., Kubzansky, Laura D., VanderWeele, Tyler J. (2019). Parental warmth and flourishing in mid-life. Social Science & Medicine, Vol 220, pp 65-72.
VanderWeele, Tyler J. On the promotion of human flourishing. (2017) Proc. Natl. Acad. Sci. Unit. States Am., 114, pp. 8148-8156
Keyes, C.L. The mental health continuum: from languishing to flourishing in life. (2002) J. Health Soc. Behav., 43, pp. 207-222
Keyes, C.L. Mental health in adolescence: is America’s youth flourishing? (2006) Am. J. Orthopsychiatry, 76, pp. 395-402
Keyes, C.L., Simoes, E. J. To flourish or not: positive mental health and all-cause mortality. (2012) Am. J. Public Health, 102, pp. 2164-2172
World Health OrganizationMental Health, Resilience and Inequalities. (2009) World Health Organization, Geneva
VanderWeele, Tyler J., On the Promotion of Human Flourishing. (2017) PNAS, vol. 114, no. 31
Source: Psychology Today, Science Direct
Images: Shutterstock
BASAHIN: Payo ni Pope Francis sa mga magulang: Huwag mag-away sa harap ng anak