Sylvia Sanchez sa magiging asawa ng mga anak: “Hindi kami mamimili. Sikat o hindi sikat, mayaman o hindi mayaman.”

Paliwanag ni Sylvia ang mahalaga ay isang tao na mapagmahal sa pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sylvia Sanchez ibinahagi ang naging bilin sa mga anak pagdating sa pagpili ng kanilang mapapangasawa.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Bilin ni Sylvia Sanchez sa mga anak pagdating sa pagpili ng mapapangasawa.
  • Sylvia Sanchez bilang isang biyenan.

Bilin ni Sylvia Sanchez sa mga anak pagdating sa pagpili ng mapapangasawa

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Sa isang panayam ay ibinahagi ng aktres na si Sylvia Sanchez ang bilin niya sa mga anak pagdating sa pagpili ng mga ito ng mapapangasawa. Ayon sa aktres, simple ang naging request niya sa mga anak na alam niyang hindi lang makakabuti sa kanilang pagsasama. Kung hindi pati narin sa kanilang pamilya.

“Hindi kami mamimili. Sikat o hindi sikat, mayaman o hindi mayaman. Basta akyatan ninyo lang kami ng daughter-in-law o son-in-law na mabuting tao. Yung mamahalin niya yung pamilya.”

Ito umano ang bilin ni Sylvia sa mga anak pagdating sa taong pipiliin ng mga ito na mapangasawa.

Paliwanag pa ng aktres, mahalaga na mapagmahal sa pamilya ang mapangasawa ng anak. Ito ang paliwanag niya kung bakit.

“Kasi alam naman natin na pag hindi ka mahal ng in-laws mo o hindi mo siya mahal mahihirapan, may conflict. So sabi ko yung mapagmahal sa pamilya, yung mabuting bata.”

Ang aktres masaya na tinupad ng Diyos ang hiling niya na magkaroon ng mababait na in-laws. Partikular na sa mga taong napiling mapangasawa ng anak niyang si Arjo at Ria Atayde.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

“And thank God ang inakyat in Arjo si Maine Mendoza. Mapagmahal na bata na mahal kami, mahal din namin. At inaakyat naman ni Ria ngayon si Zanjoe na napakabuti ring bata. So ang saya ko.”

Ito ang sabi pa ni Sylvia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sylvia Sanchez bilang isang biyenan

Makikita sa mga social media post ni Sylvia kung gaano niya minamahal ang daughter-in-law niyang si Maine Mendoza. Sa wedding proposal pa nga lang ng anak niyang si Arjo kay Maine ay makikitang mahal na bilang anak ni Sylvia si Maine. Mas naging mas malapit pa nga sila ng maikasal ang mga ito.

Samantala, nitong nakaraang buwan ay nagpropose narin ng kasal ang aktor na si Zanjoe Marudo kay Ria. Si Sylvia at mister niyang Art Atayde makikitang botong-boto rin sa kanilang future son-in-law.

Larawan mula sa Instagram account ni Ria Atayde

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement